LOVERS

1.6K 28 2
                                    

[Ynarah's POV]

Ang sarap pala talaga sa pakiramdam ang mahalin ka rin ng taong mahal mo. Masaya ako sobra. Feeling ko kumpleto na ako.

Text message tone

Dali dali kong minulat ang mga mata ko and I excitedly opened the message. Aaaand ... it's from my girlfriend.

Good morning baby ko. Gising na.😘 Alam kong tumutulo pa ang laway mo pero bilisan mo na. Gising na at maligo. Dito na po ako sa baba inaantay ka🙂😘😊 Excited na akong makita at makasama ka baby. I Love You prinsesa ko💖💖

Agad akong bumangon para maligo. Talagang inayos ko ang sarili ko para lalo siyang mainlove Sa akin.

"Good morning baby. Ang aga mo" bati ko sa kanya.

"Kayo na pala." Rinig kong sabi ni mommy. "Minchy remember all my advices ok?"

"Yes po tita."

Nang makalapit ako kay Minchy ay bigla niya akong hinalikan sa lips. As usual bilyong bilyong boltahe ng kuryente at butterflies ang gustong kumawala sa katawan ko na siyang lalong nagpangiti sa akin.

Pagkatapos naming magpaalam ay umalis na kami ni Minchy sa bahay. Pumasok kami sa school na magkaholding handa at baon lagi ang ngiti sa aming mga labi.

Ganto pala ang feeling pag may jowa ka na😊 Ang sarap ng may humahawak sa kamay mo, umaakbay sayo, nag aalaga sayo, may nagtetext tuwing umaga, may nagbabawal, pumuprotekta at higit sa lahat may taong ipinagdadamot ka.💖😊

Lumipas ang mga araw lalo niyang ipinaparamdam sakin how much she loves me. There are times na hinahalikan niya ako in public lalo na pag may tumitingin sakin o Sa kanya. Walang free time ang lumipas na di na ako inuuna and she likes being with me than her friends. Sobrang masaya ako na siya ang naging girlfriend ko. Ayaw niyang mapag usapan ang break up kasi ayaw niyang magbreak kami. Di nagtatagal ang away namin because of her. Madalas niya akong suyuin at mahilig niya akong halikan. Prinsesa niya ako.

"Baby punta tayo sa mall. Gusto ko gumala kasama ka. Namimiss na kita baby ko.😘"

Pinagbigyan ko siya sa gusto kasi parang magkakasakit daw siya pag di niya ako nakikita. Ang cheezy diba?

Pag dating namin sa mall ay bigla siyang nag aya sa isang restobar.

Madilim na din yun kaya nag aya siya dun.

"Ano nanaman ang gagawin natin dun😒😒 Magtetable ka ba dun ha😡"

"Baby naman. Ikaw lang ang itetable ko dun. Gusto mo kandungin pa kita eh. Ayoko sa iba. Kung may lalandiin man ako gusto ko ikaw lang kaya Tara na.😘"

Palihim akong ngumiti at di nagtagal pumayag na rin ako. Pag dating namin sa resto bar ay agad siyang umorder at aba kilala siya ng mga dito. Ano to araw araw siyang nandito😒😒

"Hoy. Ano to araw araw ka ba nandito?😡"

"Dati po yun prinsesa ko😊 Ngayon lang po uli to. Wag na magalit baby." Then she kissed me on my lips.

"Sino sino nakakatable mo dito.😒?"

"Wala baby. Nandito lang ako para makinig ng banda pag nalulungkot ako kasi  heartbroken ako sayo."

Her Bestfriend Her LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon