FALLEN

1K 11 0
                                    

[Minchy's POV]

Eto na. Eto na ang kinakatakutan ko pero para sa taong mahal ko para sa baby at prinsesa ko gagawin ko ang lahat. Titiisin ko ang sakit ng pangungulila. Nasa sasakyan palang kami papuntang airport tumutulo na ang luha naming dalawa. Sobra naming mamimiss ang isa't isa.

Pagdating namin sa airport di ko mapigilan ang sarili ko sa paghagulgol. Sobrang sakit. Wala akong pakealam kung pinagtitinginan man kami ng mga tao. Bakit? Nararamdaman ba nila ang nararamdaman namin?

Lalong sumakit ang dibdib ko habang tinitingnan ko siyang papasok na sa loob. Maya't maya ang lingon at kaway niya. Mamimiss ko talaga siya siya sobra. Mamimiss ko ang mga ngiti niya, yakap at halik niya. She will going to stay there until her full recovery. Di namin alam kung hanggang kelan at gaano siya ka tagal dun. But I will wait for her to come back kasi siya ang lang ang nag iisang baby at prinsesa ng buhay ko.

Nang makarating na sila sa U.S ay agad na tumawag sakin si baby via skype. Pero di din siya nagtagal. Kailangan niya magpahinga for her bypass operation. Natatakot ako na kinakabahan but I'm still positive that everything will be ok. Gagaling si Ynarah. Gagaling ang girlfriend ko.

Dumating na ang araw ng kanyang operasyon. Di ako mapakali. Di ko na alam ang gagawin ko. Tinawag ko na ang lahat ng mga santo pati nga mga santo sa ibang bansa tinatawag ko na maging maayos lang ang lahat. Kulang na lang pati si Santa Claus tawagin ko.

---sKYPE: Calling Ynarah Maureen Terano---

"Babyyyy..." Sigaw ko nang masagot ko ang tawag niya.

"Hi baby."

Naiyak ako nang makita ko siyang nakaayos na at ready for her surgery. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Wala akong sakit sa puso pero feeling ko magkakaron na ako.

"Don't cry baby. Everything will be fine. Magagaling ang mga doctors dito. Di nila ako pababayaan."

Nagpaalam na sa akin si Ynarah ng tawagin na siya ng kanyang daddy.

"Iha pinagbibilin sakin ni Arah na wag ko daw muna to patayin hanggat di natatapos ang mga nangyayare sa loob. Para daw updated ka din sa kanya kasi ayaw niyang nag aalala ka."

"Tita natatakot po ako. Nasasaktan ako pag naiisip ko na kailangan pagdaanan ni Ynarah ang lahat ng ito." Iyak ko sa mommy niya.

"Ako din nasasaktan pero ang kailangan na lang natin sa ngayon maging matatag at ipagdasal na kayanin ni Ynarah ang lahat ng gagawin sa kanya. Panatag din naman ako kasi daddy niya ang gagawa."

Pinapalakas namin ni tita ang loob ng isa't isa. Kita ko din ang takot sa kanyang mga muka. Sobra din siyang nag aalala sa kalagayan ng anak.

Masaya na kaming nag uusap nang biglang.......

"Baby?"

Nakita ko si Ynarah na umupo sa likod ni tita. Ngumiti pa siya at kinawayan ako.

"What is it iha?"

"Tita i saw her. I saw Ynarah sa likod mo. Nginitian at kinawayan niya ako."

Agad na lumingon si tita.

"Iha ako tong kinakabahan sayo. Wag ka naman magbiro ng ganyan."

"Tita di ako nangbibiro."

Her Bestfriend Her LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon