Chapter 24

87.5K 3.1K 255
                                    


"Kumusta na?" bungad ni Katrina nang magkita kami.

"Fine, I guess," I replied.

Nandito kami ngayon sa may mga bench pagkatapos ng last class namin. Hindi rin naman ako makakauwi agad dahil may klase pa ang lalaking 'yon.

Ngumiti naman sa akin si Katrina at ewan ko ba pero parang nag-iba ang tingin ko sa kanya dahil sa mga nangyari noong nakaraan. She has always been the bright and stubborn type and now that she finally found her group of friends, it felt like she gained more confidence.

"I . . . I'm really sorry," bigla niyang sabi habang nakayuko. "Nadala lang talaga ako last time lalo na't nalaman ni Queenie na may gusto ako kay Iñigo."

"Why do you like him?" tanong ko naman kaya napatingin siya sa akin.

Ang lakas talaga ng kamandag ng lalaking 'yon. Kahit noong high school pa kami, marami ring nagkaka-crush sa kanya pero hindi sila nakakalapit sa kanya dahil sa akin. Pagtungtong ng college, naging girlfriend niya si Queenie pero ang dami pa ring nagkakagusto at isa na ro'n ay si Katrina.

"Siya kasi ang unang kumausap sa akin," she said with a yearning expression. "Naging classmate ko siya sa isang large class at noong absent ako ay siya ang nagsabi sa akin ng mga nangyari. He's really nice and after that, I found myself admiring him from afar."

May mga lalaki kasi talagang gano'n ang trato sa lahat ng babae. Natural sa kanilang maging sweet at mabait kaya naman ang daming nakakamis-interpret ng mga kilos nila. At isa si Iñigo ro'n.

"But he's already in a relationship," sabi ko naman at muling nagbago ang expression niya.

"She doesn't deserve him," she muttered.

Naalala ko naman ang nangyari noong nakaraan sa library at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko para kausapin ang Queenie na 'yon. It seemed like Iñigo and her had a fight and she was avoiding him.

Bigla namang tumunog ang phone ni Katrina pareho kaming napatingin do'n.

"Sorry, Chloe," she said with a regretful look on her face.

"It's okay if you have to go," sagot ko naman at binigyan niya ako ng mabilis na ngiti.

"Sige, see you around!"

Tumayo naman siya at kinuha ang mga gamit niya pero bago siya makalayo ay tinawag ko ang pangalan niya at sinabi ang mga salitang kanina ko pa pinipigilang sabihin.

"You know, Iñigo is a faithful man," sabi ko at lumingon siya sa akin. "You may not like Queenie but for him, she's everything."

Nagkatinginan lang kami matapos kong sabihin 'yon at agad siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung sincere ba 'yon o napilitan lang siya.

"I know and that's why I like him," sagot naman niya at saka siya tuluyang umalis.

Naiwan ako sa bench at tahimik siyang pinanood na maglakad papunta sa mga kaibigan niya. Nagbago na talaga siya. Parang hindi na siya ang Katrina na nakilala ko noong una kaming magkausap. I don't know if that's a good or bad.

Nag-browse na lang ako sa phone ko habang hinihintay sina Jazer at Kuya Larry. Gusto ko sanang tumambay sa library pero ang daming tards do'n kanina kaya hindi na ako tumuloy. Bigla naman akong napahinto nang makita ko ang ilang pictures sa phone ko.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero 'pag hindi nakatingin sa akin ang dalawang bubwit ay pinipicture-an ko sila.

"Miss mo na sila?"

Baby MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon