Chapter 15

97K 3.8K 401
                                    


"Clark! Come here!" Czanelle yelled as Clark ran away from her.

Nandito ako ngayon sa sala dahil nasira ang aircon sa kwarto ko at inaayos 'yon ngayon ni Kuya Larry. Hindi ko naman inasahan na ang agang magising ng dalawang bubwit na 'to kahit weekend kaya ang ingay rito ngayon.

"Ano na naman ba't nakabusangot ka na namang bata ka. O, eto," sabi ni Nanay Meling at inabutan niya ako ng baso ng fresh milk. Kinuha ko naman 'yon mula sa kanya pero biglang napatingin sa direksyon namin ang dalawang bubwit.

"What's that, Ate?" Czanelle ran toward me and Clark followed her.

"This is mine, kid," sabi ko naman at saka ko itinaas ang baso.

"I want!"

"Tara rito, Czanelle, at kukuhanan na lang kita," sabi ni Nanay Meling at kinuha niya ang dalawang bata kaya nakahinga ako nang maluwag.

Ininom ko naman ang fresh milk at sakto namang umuulan kaya ang sarap sa pakiramdam. I went to the veranda for a better view but someone else was already there. Sino pa nga ba?

"Ang aga mong nagising ngayon," pang-aasar niya habang nakangiti kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Excuse me? Maaga talaga akong nagigising," sabi ko naman pero tinawanan lang ako ng bwisit.

Umupo ako sa rocking chair sa gilid at pumikit. Well, maaga akong nagising dahil nainitan ako. Buti na lang talaga at umuulan ngayon kaya medyo malamig ang panahon.

"Salamat nga pala ulit dito," Jazer suddenly said while waving his phone. Tinignan ko lang siya saglit at saka ako tumingin sa paligid.

"May paarte-arte ka pa noong una," bulong ko naman.

"Hindi ko naman kasi in-expect. Habang tumatagal, napapalitan lahat ng first impression ko sa'yo," sagot naman niya.

'Di ko na lang siya pinansin at inubos ko ang fresh milk ko. Gusto ko pa sanang matulog dahil ang sarap ng panahon ngayon.

I really like the rain because it calms me down. Its sound and smell makes me comfortable. Instead of feeling down, like some people, I feel peaceful and relieved when it's raining. Also, it reminds me of . . . nevermind.

"Kuya!"

Nagulat naman ako nang lumabas din sina Czanelle at Clark. They both went to Jazer and that made me relaxed.

"I know how to count na," she said while giggling and Jazer has this expectant look on his face.

"Sige nga. Show me."

"One, two, three, four . . ." Tumingin ulit siya kay Jazer habang nakangiti at tumingin din siya sa direksyon ko. I raised my brow and she giggled. "Nine, ten!"

Pagkasabi niya no'n ay napabuntong-hininga si Jazer at tumawa si Czanelle.

"Hah. Look who's getting played by a three-year old kid," parinig ko at umiling naman siya.

Nagulat naman ako nang biglang naglakad si Clark papunta sa direksyon ko.

"What are you doing?" I asked but Clark already climbed his way to my thigh.

Nagpanic ako dahil baka bigla siyang malaglag o matumba at hindi ko rin naman alam kung paano siya aalalayan. I immediately looked at Jazer for help but he just flashed his freaking dimple. I didn't need that!

"Alalayan mo lang ang likod niya," sabi niya pa kaya lalo akong nainis.

"Bwisit! Eh kung kinukuha mo na lang siya, 'di ba?"

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon