SIL : 18

670 50 10
                                    


Elli's POV

Ewan ko kung bakit ko sila sinusundan. Iba kasi ang pakiramdam ko. Nakita ko sa mata at kilos ni Miracle na may mali. Hindi niya lang sinasabi.

I saw them habang palabas ng sasakyan ni Xander. Hinila niya si Miracle papasok ng bahay. I want to run and help her pero I'm not in a position para makialam.

I waited outside, looking out. Instict na matatawag pero parang kabado ako na may hindi magandang mangyayari...hanggang sa madinig ko ang putok ng isang baril.

Humahangos akong tumakbo papunta kung saan nandoon si Miracle. Buong pwersa kong itunulak ang pintuan para makapasok...Para makita si Miracle sa nakapanlulumong sitwasyon...

May dugo itong umagos mula sa ilong nito na halos natutuyo na, nangingitim na pisngi at gilid ng mata, nangingitim narin halos ang binti nito. At ang mukha nitong nagmamakaawa kay Xander, dahil nakatutok dito ang baril na nadinig kong pumutok kanina lang.

"Miracle! ", gusto kong tumakbo para lapitan siya pero sa akin itinutok ni Xander ang baril nito.

"You better keep out of this", pagbabanta sa akin ni Xander.

"Xander...please, whatever your problem is, we can talk about that. Look at her,  she look miserable ", awang awa ako sa kalagayan ni Miracle.

"Wala kang pakialam kahit ano pa ang gawin ko sa kanya. She deserves that dahil niloloko niya ako, kayo", madiing sabi nito at lalo pa niyang inilapit ang baril na nakatutok sa akin.

"She doesn't deserve that Xander and you don't have any rights to do that. Wala kaming relasyon, magkaibigan kami yun lang", pinipilit kong ipaliwanag kay Xander na mali ang hinila niya.

"Get out of here you f****k, or else I will kill both of you", nanlilisik ang nga mata ni Xander habang nakatitig sa akin. Kailangan kong makagawa ng paraan para maitakas ko si Miracle kay Xander,  hindi siya safe dito.

"Xander please wag mo siyang idamay dito. Sa akin ka galit, ako nalang please",pagmamakaawa ni Miracle kahit hirap na ito sa kalagayan niya.

"Don't you ever told me what am I  gonna do, both of you deserve to be in hell", masahol pa sa hayop kung magsalita si Xander.  Para na itong sinasaniban ng masamang espirito. Ganon nalang ba kadali para dito ang pumatay.

At kinuha ko ang pagkakataon na iyon habang kinakausap niya si Miracle. Inagaw ko sa kamay niya ang baril nito pero mahigpit ang pagkaka hawak niya dito. Nag agawan kami hanggang sa isang putok muli ng baril ang umalingawngaw.

"Xander...Elli! "; nanghihina man pero nagawa paring sumigaw ni Miracle. 

Hindi nito alam kung may tinamaan ba ng bala sa kanila.

Hanggang sa nakita kong unti unting napaluhod si Elli.

"Elliiiiiiiiiiiii!",

Miracle's  POV

"Elliiiiiiiiiiiii!", yun na yata ang pinaka malakas na sigaw na nagawa ko sa buong buhay ko. Kahit nanghihina ako, nagawa kong lapitan si Elli na napaluhod sa sahig. Totoo ang hinala ko, si Elli ang tinamaan ng sumunod na bala na galing sa baril ni Xander.

Tiningnan ko si Xander, punong puno na ako ng galit dahil pati si Elli ay nadamay sa kahayupan niya.

"Nakita mo ang ginawa mo Xander, magbabayad ka. Hindi man sa amin pero batas na ang bahalang umusig sayo, napaka walang hiya mo Xander,  hayop ka, hayoppp", kung saan ko kinukuha ang lakas ko para makasigaw pa, hindi ko na alam. Si Elli lang ang inaalala ko ng mga oras na iyon.

Mabilis na tumakas ni Xander pagkatapos niyang mabaril si Elli.

Tiningnan ko si Elli. Sa kanang tagiliran ang tama niya.

"Elli, can you hear me? Elli please! ", tanong ko, habang patuloy ang pag agos ng luha ko sa sobrang takot at sa sobrang pag aalala ko kay Elli. Tinatawag ko ang pangalan niya,  gusto kong malaman kung ano ang lagay niya. Kung conscious pa ba siya o ano. Dahil oras na mapahamak si Elli dahil sa akin, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili Kom

"Miracle! ", nadinig kong sabi niya.

"Elli...oh my god Elli. Salamat at ok ka", lalo ng bumuhos ang luha ko ng marinig ko ang boses niya. "Kaya mo bang tumayo, dadalin kita sa hospital", nag aalalang tanong ko. Dahil hindi ko siya kayang buhatin. Malaking bukas kasi si Elli at alam ko hindi ko kakayanin dahil nabugbog masyado ang mga binti ko bunga ng pagpalo sa akin ni Xander ng tubo.

"Ok lang ako Miracle,  ikaw ok ka lang ba? ", kahit nahihirapan bunga ng tama ng baril ay nagawa parin niyang isipin ang kalagayan ko.

"Ok lng ako Elli. Salamat sa lahat lahat ", pagkasabi non ay niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang pasasalamat dahil sa oras na kailangan ko ng tulong, nandoon siya.

"Miracle! ", mahinang sabi nito, naipit kasi ang parteng may tama ng bala.

"Sorry Elli,  sorry,  tara na", paghingi ko ng paumanhin. "Dadalin kita sa hospital", pareho kaming nanghihina pero sa pagtutulungan namin, nagawa naming makalabas ng bahay ni Xander at makarating ng hospital.

Iisang kwarto ang pinili ko para mabantayan siya pagkatapos maalis ang balang tumama sa katawan niya. Gusto ko siyang alagaan  kahit nanghihina din ako. Nagka fracture ang binti ko dahil sa sobrang bugbog pero baliwala iyon kumpara sa inabot ni Elli. Hindi siya dapat nadamay.

Pangalawang buhay ko na to....lahat utang ko kay Elli. Kahit anong hilingin niya , gagawin ko ng buong buo sa loob ko. Kahit buhay ko pa. Lahat para sa ikaliligaya niya.

A/N : Hey dear readers, gusto niyo ba ito na ang ending?

Feel free to comment😊😊😊

soul in love Where stories live. Discover now