Chapter 1

283 2 0
                                    

(CARL'S POV)

"So I've heard na may bago daw mamaya ah?" tanong ko dun sa mga namamahala sa arena. Arena? Yes, ang arena ay para sa mga grupo ng mga gangsters na naglalaban laban sa titulong "PINAKAMAGALING" well, siyempre ang 5 ACES ang number one dun.


"Ah opo Sir Carl. Yung TFD po." Sabi nung isang tagabantay habang tinitignan yung papel.


"Hmmmmm, TFD? Never heard of them." Sabi ni Xander.


"TFD means The Fearless Dolls. Sikat po sila sa lugar nila." Pinagmamayabang nung lalaking medyo napapanot na.


"Fearless Dolls? Ano yun mga gays? And saan planeta ba sikat yang mga 'yan ah?" tanong ko na may kasamang tawa.


"Unknown po ang gender nila. Naka mask po kasi sila eh. Pati sa tondo po sila sikat, kinatatakutan po sila ng ibang mga gangsters dun." Sagot nung pinakabatang tagabantay sa arena.


"Tondo? Akin ang tondo."sabi ko na may kasamang hampas sa mesa.


"Hindi pre, kay Asiong." Singit ni Topher. Gagu 'to ah -_____-


"Seriously, kung sikat sila bakit hindi namin sila kilala? And bakit hindi sila lumalaban dito?" tanong ko. Masyado akong affected kung sino ang sikat. Pinaghirapan ko kasi na pasikatin ang 5 ACES at ayokong ayokong may nakakatalo sa amin.


"Well, hindi naman po kasi sila pala-laban. Makikipagbakbakan lang po sila sa mga gangsters na wala sa lugar. By means of bakbakan, patayan po. At pati pang amateur lang daw po kasi GIA, nakakatuwa nga po at napagbigayan nila tayo eh." Sabi ng tagabantay. GIA means Gangsters Institute Arena.


"Well, let us see kung fearless nga ba talaga ang mga 'yan. Ilipat mo ang schedule namin ngayon, vs them." Sabi ko habang tinitignan ito ng masama. Well wala naman siyang palag dahil ang papa ko ang may ari nito.


"Pre, bakit ba ang init ng ulo mo dun sa TFD? Malay mo naman mga papansin lang yun na nagpapanggap na magaling para sumikat." Sambit ni Kyle habang inaabutan kami ng beer.


"Naiinis ako kasi sikat daw sila pero hindi natin sila kilala. Crisot, isearch mo nga sa GI yung TFD na yan." Pag-uutos ko kay Crisot. Shangaps nakalimutan ko ipakilala ang 5 ACES sa inyo.


Ang 5 ACES ay binubuo ng limang makikisig na lalaki, syempre pinangungunahan ko,

Arvin Carl Esteban (Carl), ang papa ko ang may ari ng Gansgters Institute retired gangster kasi ang papa ko.

Sumunod sakin si Alexander Cross Espana (Xander),

tas si Adrian Christopher Estrada (Topher),

si Arkin Clyde Escada (Kyle)

at ang bunso naming si Art Crisostomo Estrella (Crisot).

Oh alam niyo na kung bakit 5 ACES? Magkababata kami nila Xander, at tanging si Topher lang ang kapatid sa amin si Beatrix Le Estrada. Actually may kapatid din ako si Abigail Cathryn, kaso nawala siya. Hinanap siya nila mama kaso, wala parin eh. At ang papa nila ay mga gangsters din magkakagrupo sila ng papa ko, ayun na rin ata ang ipinama nila sa amin.


"Guys eto na" sabi ni Crisot habang tinatapat sa amin yung laptop.

TFD or The Fearless Dolls is composed of 5 people:

The Leader:

King

Age: appx. 18

Killed: 20

Special mark: Red and Black ribbon


"King? Pare, lalaki ata 'tong mga 'to eh. Kita mo yung pangalan. Pati uniform sila sa lahat no." sabi ko habang tinuturo yung pictures nila "Sa ribbons lang nagkaiba"


Members:

Nico

Age: appx. 17

Killed: 49, 1 still in comma

Special mark: Pink and Green ribbon


"WTF? Ang brutal naman ata nito." Sabi ni Xander "Infairness ah, siya lang ang may naiibang ribbon. At may special meanings kaya ang mga ribbons nila?"


Louie

Age: app 16

Killed: 10

Special mark: Blue and Black ribbon


"Requirement ba sa kanila ang pumatay?" sabi ni Topher.


Gibby

Age: appx 15

Killed: 5

Special mark: Violet and Black ribbon


"Par, requirement nga" sabi ni Kyle na may kasamang tawa.


The Youngest:

Tri

Age: appx 14

Killed: none

Special mark: Yellow and Black ribbon


"Grabe, 14 ang pinakabata sa kanila? Topher, parang kapatid mo na 'to ah." Sabi ni Crisot.

Their gender is still a big mystery in the GI. They are famous because they fight and kill for the right reason and also because of their legendary mask. The mask of death they call it.

Another Gangsters' Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon