TFD'S LAIR
(NICO'S POV)
"Ang kornee ng labanan dun. Dapat naglagay sila ng mga weapons dun eh para hunger games talaga." Sabi ko habang nagtatanggal ng maskara.
"Hahaha. Pero girl, natawa ako dun sa lider nila. Akala ko magaling eh wala naman palang binatbat sa'yo." Sabi ni Gibby habang naglalabas ng tanduay ice.
"Pero infairness, ang gagwapo nila Tri ah. Lalo na yung kuya mo. Hahaha." Sambit ni Louie, napakamalanjutay -___-
"Oei, shangaps King. Bakit parang wala ka sa ulirat kanina? For the first time nabigyan ka ah." Sabi ni Tri habang binubuksan yung tanduay.
"Guys, paano kung isang araw sabihin ko sa inyo na ayaw ko ng maging gangster?" seryoso siya. Potek? Hindi pwede 'to. Siya ang dahilan kung bakit nabuo ang TFD, siya ang pundasyon nito, paano na lang pag wala na siya? Teka, explain ko muna kung pano nabuo ang grupo.
**** FLASHBACK ****
(7 years ago)
"Hey, are you all right?" tanong sa akin nung bata.
"I'm not, my parent's got killed. They're all I've got. I've got nowhere else to go." Sabi ko habang umiiyak.
"Sshhh, don't worry. Huwag ka ng umiyak. If you want I can be your sister. By the way I'm Queenie." Sabi niya sa akin habang pinupunasan yung luha ko.
*** END OF FLASHBACK ***
Pagkatapos nung gabing yun, kinupkop niya ako. Pero after 5 years bumukod din ako. Naging magkasangga kami ni King sa lahat. Well, nakalimutan ko palang sabihin na 11 years old palang siya eh gangster na siya. At ayun, trinain niya ako. Tas nagbuo kami ng grupo, The fearless dolls nga. Ako ang nakaisip ng concept namin, yung name nakuha ko sa mama ko, gangster din kasi sila ni papa, pero hindi nila ako minulat dun. Tas ako rin nagisip ng costume namin, pati nung ribbon part favorite kulay namin plus black dapat, nung gabing namatay sila mama at papa eh may napulot akong pink and green na ribbon feeling ko sa mga killers yun kaya ayun na lang ginamit ko para kung sakaling Makita ko sila at maipaghiganti sila mama ibabalik ko yun sa kanila. Hindi tumagal eh, narecruit namin si Louie, at naisip niya na magcontact lense kami para tagong tago nga yung identity namin. Tas sumunod si Gibby, at ang huli nga eh si Tri, siya ang nakaisip nung magic mic, kinakabit namin yun para maiba yung boses namin. Eh bakit ba kasi kelangan naming magdisguise? Para maprotektahan naming yung mga pamilya namin, at tsaka para may thrill.
"Problema mo? Wag ka ngang magjoke" sabi ko sa kanya habang nagtitinga.
"Seryoso ako, kinausap ako ni mama. Sabi niya one of these days ipapakilala na niya ako sa magiging asawa ko." Sabi nito habang tinitignan yung maskara namin.
"OMG. You're getting married? Brides maid kami ah." Sabi ni Tri.
"Ano yan fix marriage? Ok lang sa'yo magpakasal sa taong hindi mo gusto?" tanong naman ni Gibby.
"Eh gusto nila mama eh. At tsaka madali nalang siguro gustuhin yun." Sabi niya habang inaayos yung gamit niya.
"Hmmm, basta kung saan ka masya suportanta ka." sabi ni Louie.
Napansin ni King ang paglungkot ng mukha ko. Alam kasi niya na sila na lang ang pamilya ko at hindi ko afford kung pati sila mawala pa.
"Hmmm, Nicoy. Huwag kang mag-alala. Pamilya pa naman din tayo. Kaso nga lang madami ng magbabago." Pagkasabi nun ni King hindi na nila mapigilang maiyak, sila lang ah. Huling iyak ko ata eh yung gabing makilala ko si King, tapos nun wala na. naubos ko na ata yung luha ko nung gabing iyon. At pati nag group hug pala kami.
"Osiya, una na ako ah. Kanina pa text ng text si mama eh." At iniwanan niya kami ng makamandag niyang wink.
5 ACES LAIR
(XANDER'S POV)
"Guys ano sa tingin niyo? Mukhang totoo yung sinasabi sa GI." Sabi ko, kanina pa kasi sila tahimik. Mukhang wala sa mood.
"Shuddup" sabi ni Carl habang nilalagyan ng yelo yung black eye niya.
"Anu ba naman kayo oh. Accept the fact na hindi lang tayo ang mgaling, na baling araw eh may makakatalo sa atin" sabi ko habang pinapasahan sila ng beer. Napakabig deal kasi ng pagkatalo namin sa kanila -___-
"Tama si Xander, huwag na tayong magmukmok hindi naman masamamng matalo paminsan minsan diba?" sang ayon ni Crisot.
"Arrrg, naiinis ako sa kanila, lalo na dun sa Nicong yun. Nako pag nalaman ko lang talaga kung sino yung mga yun patay sakin yun, kahit babae pa sila." Sabi ni Carl sabay binato yung beer in can sa trash can.
"Osiya, una na ako. Umalis kasi si Belle eh, may gimik daw sila ng mga kaibigan niya. Walang kasama sila mama dun." Sabi ni Topher. Mukhang napapadalas ang alis ni Belle ah? Hmmm, pati sino ba yung mga kaibigan niya? Hindi pa niya napapakilala sa amin.
"Sabay na ako sa'yo ipapahinga ko na lang 'to, may practice kasi kami ng basketball bukas eh." Ani Kyle. Teka bakit parang isa isa silang umaalis? Porket ba linisan time na naman dito sa tambayan? Tsk tsk.
"Teka, ako rin. Si mama kasi eh, kanina pa nangungulit may ipapakilala daw sakin" pati si Carl? Daya -___- kami na naman ni Crisot maiiwan dito.
"Oy, ipapakilala na ba nila yung papakasalan mo? Bwahaha. Text mo agad ako kung anong number ah" sabi ni Crisot, number means yung rate nung girl 1-10.
"So pano yan, tayo na naman naiwan. Tamad talaga yung mga yun. Kunwari pa'y may pupuntahan tinatakasan lang naman nila tayo." Sabi ko habang tinatapon yung mga kalat.
BINABASA MO ANG
Another Gangsters' Love Stories
General FictionJust another gangsters' love stories, but with a twist. - QuillandParchment ✒️📜