(CARL'S POV)
Hayop talaga 'tong araw na 'to. Nakakayamot, kala mo kasi laging nagjojoke. Sinira ng Miles na yun ang araw ko, tapos nakipagdate pa si Khlene kay Xander?!! Tang*** lang diba?! Bigla kong natapakan yung break ng kotse "Eh teka, bakit nga ba affected na affected ako kila Khlene at Xander? Ano naman ngayon kung nagdate sila? Ch." Agad kong pinaandar yung kotse, pupunta sana kasi ako kila Queenie. Pero napansin ko na ibang ruta yung dinadaanan ko. Ruta papunta sa bahay nila Khlene. Naglakad ako papunta sa tapat ng bahay nia.
"Tsss, tutuloy pa kaya ako?" sabi ko habang nasa tapat ng pintuan ng bahay niya. "Huwag na lang kaya?" paharap na ako ng.
"Carl ?" sabi ni Khlene na may subong lollipop. "Anong ginagawa mo dito??"
"Ah eh, ano. Wala lang. Sige, una na ako babye ^_^" sabi ko habang papunta sa kotse ko.
"Uy tunge, tara samahan mo muna ako." Sabi niya habang binubukasan yung pinto, teka. May napansin ako. Parang pamilyar yung mukha yung ni Khlene eh. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita yung mukhang yung.
"Balita ko nagdate daw kayo ni Xander?" sabi ko sabay upo sa sofa nila. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin maigi yung tinutuluyan niya, parang siya lang nakatira. Wala na kayang pamilya 'to?
"Ahh? Hindi no. Sinamahan ko lang siya." Sabi niya.
"Sus, nahiya ka pang umamin. Shangaps, ikaw lang ba mag-isa dito sa bahay?" tanong ko.
"Ulul. Oo, wala na akong pamilya eh. Pinatay."
"Aw, sorry. Uhm, pwede ka ba minsan?" since wala ako sa mood yayain si Queenie eh, si Khlene na lang.
"Huh? Saan naman?" sabi niya sabay lapag ng dalawang beer sa mesa.
"Uhm, date tayo." Sabi ko sabay kuha nung beer.
(NICO'S POV)
"Gago ka ba? Hindi ako pumapatol sa syota ng kaibigan ko." to think na kay Queenie pa, At tska besides, may boyfriend na ako no.
"Friendly date lang, para lang makilala kayo ng lubusan." Sabi niya.
"Huh? Edi sige. Kelan ba yan?" kung friendly date lang naman, 'di naman siguro magagalit si Queenie no? Should I inform her?
"Hmm, bukas?" sagot niya.
"Eh may lakad kami ni Xander bukas eh."
"Eh sa susunod na bukas?"
"May lakad din kami"
"Eh sa susunod ng susunod na bukas?"

BINABASA MO ANG
Another Gangsters' Love Stories
Fiksi UmumJust another gangsters' love stories, but with a twist. - QuillandParchment ✒️📜