(GIBBY'S POV)
"Omg Gibby, I can't believe na ikaw ang nawawalang anak ng mag Esteban." Sabi ni Tri habang nagbubeautiful eyes.
"So that makes you my sister-in-law" sabi ni King sabay high five.
"Grabe ang swerte mo girl." Sabat naman ni Louie. Ng biglang pumasok si Nico.
"Oh, anyare sayo?" napansin ni King yung namumugtong mga mata ni Nico.
"Ah, puyat lang." poor Nico, I wouldn't blame her for crying all night. Her life is pretty messed up.
"Nico, alam mo ba. Si Gibby yung nawawalang anak nila Mr. and Mrs. Esteban." Kwento ni Tri. Biglang nanlaki yung naniningkit niyang mata.
"So that makes her Carl's sister." Sabat naman ni Louie.
"Alam ko, no need to tell me. I'm not that dumb nuthead." Sagot naman nito.
"Init ulo much?" sabi naman ni Tri.
"Una na ako, may lakad pa pala ako."
"Nico, san ka naman pupunta? Lagi ka na lang wala dito sa tamabayan. Simula nung naging close kayo ni Xander eh" Sabi ni King.
"It's none of your business. You're not my mother. And don't worry. That won't happen again." Sabi nito sabay walk out.
(NICO'S POV)
So kaya pala. Hindi ko alam bakit ako nasasaktan ng ganito, Maybe kasi na sabik ako, nasabik ako na makaramdam ng pagmamahal ng ibang tao. although ramdam ko naman yung sa TFD pati sa mama and papa ni King, pero iba yung kay Xander. If this is what you called love, ano pala ang nararamdaman ko para kay King nuon?
"Hello Carl?" sabi ko habang naiiyak. Fuck. Bakit ganito? Ngayon na lang ako ulit umiyak. Sa wlang kwentang tao pa.
"Khlene? Umiiyak ka ba?" sabi niya.
"Pwede bang agahan na natin yung pagkikita natin? Andito na ako sa MOA. Sa may bay."
"Ok, sige. I'll be there in an hour."
Wala namang masama kung hiramin ko muna si Carl diba? Besides, hindi naman siguro malalaman to ni King at kung malamang niya hindi naman siya siguro magagalit no? Kelangan ko lang kasi talaga ng makakausap. Peste kasing buhay 'to. kapag minalas ka nga naman. Feeling ko tuloy pinanganak ako para saluhin lahat ng malas sa mundo.
(CARL'S POV)
Tinawagan ako ni Khlene, pansin ko na umiiyak siya. Siguro dahil 'to kay Xander. Tang*na, bakit sa lahat ng sasaktan niya si Khlene pa? Shet, eh bakit naman kasi ako affected?

BINABASA MO ANG
Another Gangsters' Love Stories
Ficción GeneralJust another gangsters' love stories, but with a twist. - QuillandParchment ✒️📜