CAL'S POV
“Ano ba yan, ang boring naman ng buhay ko. Kailan kaya ako magkakalove-life?” Tanong ko sa sarili ko.
Eh paano ba naman kasi, lahat na lang ng nagiging crush ko, nagpaparamdam sakin tas sa huli wala din pala. Alam niyo yung ganung feeling, sige ka asa yun pala nganga ka din sa huli? HAYYY.
Nakaka-asar, naalala ko tuloy si Jeremy.
Siya yung crush ko nung elem ako, specifically nung Grade 6.
Di ko alam kung alam niya na crush ko siya pero siguro naman nahahalata niya. Pano nga ba ako nagkaroon ng gusto dun? Ewan ko ba, basta na lang ako nadevelop. Ang bilis ko kasing madevelop sa isang tao ee, yung tipong aasarin lang ako tas unti-unti na akong magkakagusto dun sa tao. Babaw ko no? Sorry naman hehe.
Pero okay lang at least di ako abnormal. Bakit? Kasi sabi nila pag di ka daw nakakaranas na magkaroon ng crush, abnormal ka daw. Ewan ko ba kung sino nagsabi nun, pauso.
Oh well, back to the story.
Ayun nga nagkagusto ako sa kanya tas sabi sakin ng kaibigan ko nagbabalak daw si Jeremy na ligawan ako. Eto naman ako, KINIKILIG. Edi hinintay ko lang na gumawa siya ng move kaso in the end wala.
NGANGA huhu
Tas eto pa, nung second year highschool naman ako.
Si Adonis. Ganda ng pangalan no? pero di naman siya ganun kagwapo. Mehehe
Actually di lang crush yung naramdaman ko sa kanya ee, love na ata yun. Pero di ako sure, basta magulo. Edi one time nagpadala ng sketch pad yung teacher namin tas eto naming si Adonis, walang magawa kaya hiniram yung akin. Edi hinayaan ko na lang.
Pero nagtataka pa din ako kung bakit niya hiniram ee.
Tas yun pala, may iguguhit siya dun! Alam niyo ba kung ano?
“WAB U CAL”
Oh diba, sino ba naming di kikikiligin?
Tas etong mga kaklase ko sige kantyaw samin. Ehhhh :”) Tas di pa dun nagtatapos, hiniram niya yung id ko tas he sketch me. How sweet dba? At dahil doon, unti unting akong nahulog sa kanya.
Eh ang tanong, sinalo ba ako?
Alam niyo yung oo pero hindi? Yun yung sagot dun.
to be continued...
Author's Note:
Hi GUYS! :)
Sorry kung sabaw agad. First time ko po kasi gumawa ng story ee, So pls, bear with me :)
THANKS! Happy reading ^_^