CHAPTER TWO

50 1 0
                                    

CAL'S POV

Bakit?

Kasi one time, uwian na..

-FLASHBACK-

“Ui, Cal pakain naman sa inyo” Sabi ni Adonis. Wtf, sinundan pala niya ako paglabas ng gate ng school namin.

“Ha? Eh ano.. di pwe-de.. ee” Okay, uutal-utal pa ako.

“Nge, bakit naman? Cge na, nagugutom na ako ee” Tapos ngumiti siya. OMG, para na akong matutunaw.

Pero di pwede Cal, di pwede.

“Ah, Adonis pwede nextime na lang, di kasi pwede talaga ee”

“Ganun? Sige naaaaa.” Pagpupumilit niya

Isip ka pa ng ibang alliby Cal!

Uhmmm,

AYUN!

“Ah, Adonis di kasi talaga pwede ee aalis kami mamaya. Ayun, aalis nga kami. Diba sabado ngayon? May family gathering kami. Hehe” Sana maniwala at di na magpumilit plsssss.

“Ayoko nga, pakain na kasi” Eh, ang kulit ng lahi naman neto?

OMG. Anong gagawin ko!!!

Malapit na kami sa kanto naming HUHU

Anong gagawin ko neto? Hmmm

AHA!

“Hmm, Adonis sige una ka na. Diretso ka lang dyan. Yun ung bahay namin” Okay, I lied para lang matakasan ko siya.

Sorry Adonis.

“hmm, Cge” Tas nauna na siya.

Ng makalayo layo siya sa akin.

“Ui, Cal wag kang tumakbo!” Sigaw niya

Sige Cal, takbo lang ng takbo tas liko sa kanto namin. Takbo lang ako ng takbo. At last, nasa gate na ako! Pasok agad, lock ang gate. Hoooo! Sana naman di niya ako nasundan no?

Hayy, buti na lang at di ko siya dinala ditp. Kumpleto pala kami dito. Strikto pa man din si papa. Di pa kasi ako pwede magpaligaw.

HALA SIGE NA NAMAN AKO ASA NA LILIGAWAN AKO

Okay, palit ng damit.

Hmm, nasundan kaya ako ni Adonis? At dahil na-curious ako, sumilip ako sa gate. Pero yung di ako makikita no. Mahirap na.

“OMG, nasa labas siya ng gate namin! Naka-upo dun sa mataas na semento” Sigaw ko sa isip ko.

HALA, nahihiya ako sa kanya pero di ko siya pwedeng papasukin ditto sa loob nandito sila papa.

What to do?

Gusto ko man siyang papasukin, pero di ko magawa. Kaya hinayaan ko na lang siya. Grabe ang sama koooo.

After ilang minutes..

Hala, palabas na yung lolo ko. Sana wala na si Adonis dun sa labas. Kundi patay patay na huhu

Tas ilang minutes, lumabas din ako. OH I FEEL RELIEVED! Buti naman at umuwi na si Adonis kaso nahihiya ako sa kanya. Turn off na siguro siya sakin.

Kinabukasan..

Paano ko ba haharapin si Adonis? OMG, magsosorry na lang ako.

TAMA! Mag-sosorry ako.

Ayan na papasok na siya ng classroom!

“Hmm, Ado-“ Hala di ko naituloy yung sinabi ko kasi nilagpasan niya lang ako.

Hala, galit nga ata siya. I-aapproach ko na lang ulit siya sa break time. Makikinig muna ako sa pagtuturo ng mga guro ko. WOW!

Break time..

Tayo tas lapit kay Adonis.

“Ahmm.. A-do-nis…” Omg, kinakabahan ako. Tumingin siya sakin at..

“Oh, bakit Cal? May kailangan ka?” Tanong niya with a serious tone

“Ahmm, a..no ka..s…i eh, gusto ko l..a…ng…” Di ko pa natatapos ng bigla siyang nagsalita.

“Kung mag-sosorry ka sa nangyari kahapon. Okay lang. Walang kaso yun.”

“Salamat Adonis.. Sorry talaga”

“Wala nga lang yun. Yun lang ba? Tanong niya

“Ah.. a..no.. ka..si.. Aish! Oo yun lang.”

“Okay, sige una na ako gutom na kasi ako ee. Bye” Sabi niya at tuluyan na siyang umalis at pumunta sa canteen.

Yun na yung moment na tatanungin ko kung bakit niya ako sinundan at pinipilit niyang pumunta sa bahay kahapon ee. Kaso naunahan ako ng hiya at takot. Naku naman, baka mapahiya ang beauty ko no. Mahirap na! Malay ko ba kung nag-aassume lang ako na may gusto siya sakin kaya niya ginawa yun dba? Oh well, di ko na lang bibigyan ng meaning.

Eh, di ko kayang isawalang bahala lang yun ee! Huhu. Ako na naman tong si asa. Hala, nahulog na ako kay Adonis!

Lumipas ang mga araw, di na ako pinapansin ni Adonis.

Nakakalungkot naman kung kailan nahulog na ako sa kanya.

Tas malaman laman ko, may iba na palang nilalandi si Adonis.

HALA BAKIT?

Bakit ako nasasaktan?

Bakit ako umiiyak nung nalaman ko yun?

BAKIT?

Eto na ba yung term na....

nasasaktan ka dahil mahal mo na siya?

-End of the FLASHBACK-

OH DIBA? NGANGA NA NAMAN AKO huhu

Hala, naiiyak na naman ako ng biglang….

to be continued...

My Painful Love Story (MPLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon