CAL'S POV
Kinabukasan...
“Hoy Cal, gising na!”
“CAAAAAAL!”
Ano ba yan, inaantok pa akooooo.
“CAL ANO BA? PAPASOK KA PA!”
Putcha oo nga pala! Takte hirap talaga kalabanin ang antok lalo na pag napasarap ang tulog mo no?
Sino yung sumisigaw kanina pa?
Of course ang aking Mother Earth. Siya ang lagging gumigising sa akin tuwing umaga. Kasi siya na nagpapakulo ng tubig tas pag kumulo na, gigisingin na niya ako para maligo.
Okay, so dumilat na ako at hinanap ang cellphone ko sa gilid ng unan ko. Tinignan ko kung anong oras na.
WAAAAA! 5 am pa lang!
Ang aga naman manggising ni mama huhu. 7 pa klase ko ee. Ang saklap pero no choice kundi gumising at maligo dahil may 3 pa akong kasunod. Yung dalawa kong kapatid at si tita.
Naligo
Nagbihis
Kumain
Nag-ayos ng sarili..
Okay, ready na akong pumasok!
Siya nga pala iba yung school ko sa dalawa ko pang kapatid. Pero nasa private school din sila. Yun nga lang dun pa sila sa school na pinatuturuan nung tita ko hehe. Nursery yung bunso kong kapatid tas Grade 6 naman yun isa.
“Ma, aalis na ako. Baon ko?” Paalam k okay mama at hingi ang baon ko. Pagkabigay lumabas na ako ng gate. Tapos nag-vibrate yung cellphone ko. Binuksan ko at..
_____________________________________
*TEXT MESSAGE
From: Bes
Ui bes, nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay dito sa kanto!”
______________________________________
Hala? An gaga naman ni bes? Anong oras nab a? Pgtingin ko sa relo ko…
WAAAA!
6:40 na pala o____O
Tae, di ko namalayan yung oras huhu.
Takbo
Takbo
Takbo
Grabe, di ko na nareplayan si bes, hihintayin pa din naman ako nun ee.
At ayun, natatanaw ko na si Bes! Okay mukhang inip na inip na siya.
“Buti naman at nandito ka na. ANong oras na oh!? Malalate na naman tayo. TSK TSK” Sabi niya, okay galit huhu
“Oh bes, sorry naaa *puppy face* Di ko namalayan yung oras ee. Kita mo ba, pagod na pagod ako sa kakatakbo papunta dito?” Nagpa-awa hehe. Sana effective!
“Tsss, pasalamat ka at di kita matiis bes dahil para na kitang kapatid! Cge, okay na” YESSS! Yun oh J)))
Eh teka, anong oras na ba?
“WAAAAAA BES 6:50 NAAAAAAAA! TARA NAAAAA. TAKBO NA ITOOOOO!” Sigaw ko. Ano bay an,ayoko ngang malate nu. Kahiyaaaa.
“Putcha bes, ou nga no? Ang drama kasi natin ee. TAKBO NAAAA!” Sabi niya
At yun, tumakbo nga kami at hinga na hingal kami ng nakarating kami sa school.
YESSS! Di kami late, 6:57 pa lang hehehe