CAL'S POV
“Ui, Cal!”
“CAL?”
“CAL HELLO!”
May bumatok sa akin.
“Aw, masakit yun ha! Problema mo ba?” Ay, yung bestfriend ko lang pala! Pero grabe ha, brutal talaga neto ni bes.
“Problema ko? Ikaw! Kanina pa kaya kita tinatawag. Saang lupalop ba kasi naglanding yang isip mo? Di ko mahanap ee!”
Eh? Kanina pa pala niya ako tinatawag? Hay naku Cal, nagdadaydream ka na naman. Tsk. Nga pala nandito pala kami sa Mess Hall, eto yung tawag sa canteen naming. Oha sosyal lol. Eh kasi breaktime namin at napagisipan naming kumain dahil gutom na kami ni bes. Ang natatandaan ko kanina, nagkukwento si bes ee.
“Hala, ganun? Sorry na! May naalala lang naman ako bes ee” Sabi ko, totoo naman dba?
“Naalala? Naku bes, sino na naman naalala mo? Yung mga nagging crush mo na umasa ka na liligawan ka?”
“Aw bes, sakit naman ng mga choice of words mo! SAPOL KUNG SAPOL NO?” Hayy, kilalang kilala talaga ako neto ng bes ko.
“Oh sorry na. Kasi naman nagkukwento ako sayo kanina pa pero di ka naman nakikinig. Nabanggit ko lang yung salitang love, nagging ganyan ka na. TSK” Ay ganun? OA ko hahaha!
“Sorry na ulit bes. Pls? Alam mo naman kasi na allergic ako sa salitang love ee” oo, kasi umaasa ako dahil dyan tas sa huli masasaktan lang naman ako. Pesteng Love yan.
“Ang bitter bes? Oh, kainin mo na nga yang baked macaroni mo at ubusin mo na din yang iced tea mo kasi magtitime na!”
“Opo ate” HAHAHAHA, para ko lang kasi nakakatandang kapatid si bes ee. Mas matanda siya sakin ng isang taon hehe.
Oo nga pala, bago ko makalimutan. Sige ako kwento pero di niyo pa ako kilala HAHAHA.
Ako nga pala si Calamity Chaya Go. Taray ng name ko no? Kung anong kinahaba ng fisrt name at second name ko, kinaikli ng surname ko. HAHAHA! Anyways I’m 14 years old, and currently a Junior student in a private school. Sabi nila, matalino daw ako, cute dahil sa malaki at fluffy kong cheeks, charismatic, chinita pero wala kaming lahing Chinese and small but terrible. Yeah, di ako ganun katangkaran. Madalas nga akong inaasar na pandak ee pero nakakatanggap sila ng masasakit kong kurot at hampas kaya nananahimik sila. Oo, minsan sadista ako. Mehehehe. Panganay pala ako at may 2 pa akong kapatid.
Friendly ako kaso nga lang si Shanna Mae Tan ang lagi kong kasama. Siya yung bestfriend ko, yung kasigawan ko kanina. 3 taon na kaming magkaibigan at di naman kami nagkakasawaan sa mga itsura namin.