7:20 PM
Nagising ako. Gabi na pala? Dinner na. As usual, eto ako sa kwarto. Eto talaga ang comfort zone ko. Simula nung naghiwalay kami ni Rince, di na ko sumasabay sa mga magulang at baby brother kong kumain kahit Breakfast o Dinner.
Feeling ko kasi walang makakaintindi sakin.
"TOK TOK TOK"
Sino naman kaya yun? Pssh. Nageemote pa ko eh. :(
Mommy: Baby, dala ko dinner mo. Pwede ba kaming pumasok?
Huh? Anong nakain ng pamilya ko? Simula ng nagkaganto ako, di man lang nila tinatanong kung okay ba ako o bakit di na napunta si Rince sa bahay namin. STRANGE. I smell SOMETHING. -__-
Ako: Sige po, pasok po kayo Mi.
Daddy: o eto anak, pabirito mo. Hipon. Nakadaan akong palengke kanina galing trabaho. Kumain ka ng madami ah?
Louie(baby brother): Ate, Ate, Yakult o? Share tayo. :DDD
Anong nakain ng baby brother ko? Eh kulang nalang mabali na ang buto ko sa pakikipagagawan ng Yakult sakanya tuwing kakain kami noon. Kaya naman si Rince binibili nako ng sarili kong Yakult. Kasi naman kesa makipag---
Teka, Rince na naman? Pssh. Bakit ba ang dami mong nagawa sa buhay ko Rince ha? Bwiset.
Mommy: Baby, namamayat ka na ah?
Ako: Ngayon nyo lang naman ako nakita at nahawakan ng malapitan Mi eh, wag kang magalala, wala pa naman akong Ulcer, pero sana magkaron nalang din ako. Para pag nagkasakit ako at malapit ng mamatay maalala man lang akong bisitahin ni Rince. :(
Daddy: Nak, ano ba yan? Bakit ka ba nagkakaganto? Ano bang pinakain nyang Rince nayan sayo ha? Kung magkakaganyan kalang pala sana di ko na pinayagang makipagrelsyon ka sa lalaking yan!
Mommy: Alam mo anak, madami pa dyang pwedeng unahing priorities. Buti nga di ka pa bumabagsak sa mga subjects mo eh.
Daddy: Anak, enjoy your life. Bata ka pa.
Louie: Oo nga ate. 1year na tayong di nakakapaglaro ng Pang Pang together. Miss ko na yun.
Oo nga, kelan ba huling nagbonding kami ng kapatid ko? Huling nagusap kina Mommy at Daddy? Kelan nga ba?
Ako: Sige po, Mi, Di, at sa baby brother ko, i'll try my best para bumalik na po yung dating Ericka. Sorry po sa lahat. Magbabago na po ako. Just give me some time to changed.
Sa nakasaradong pinto
YIEEEE! sigaw nung tatlo.
Sam: Girl, ang galing! Panalo ang Step1. Nagkausap usap na yung family. Hay. Drama!
Michelle: Yan ba ang napapala nang addict sa Wattpad? XD
Krissy: Oo naman! Haha! So girls, are you ready for step2?
Michelle and Sam: READY! XDDDD
Author's Note:
Thanks kay Ms. Marla Miniano na nagsulat ng book na "Every Girl's Guide To Boys"
sa kanya ko po kasi nakuha yung idea! Salamat po!