HELLO, COLLEGE!

2.4K 24 14
                                    

June 7, 2011. Unang araw ng pasok ko bilang isang kolehiyala! Tama, College Freshie, ika nga nila. Baguhan pa raw at wala pa masyadong alam  sa buhay kolehiyo. Kahit gaano pa karaming kwento ng mga college students at kahit gaano pa karaming college freshman tips ang basahin, iba pa rin siguro talaga pag ikaw na ang nakaranas! Hay, I wonder what's in store for me. 

Sana, marami agad akong friends! 

Sana, mababait katabi ko!

Sana, may blockmate akong gwapo!

Sana, mainlove na ulit ako. 

Bago ang lahat, ako nga pala si Carina Buenaventura. You can call me Car for short! Some of my friends call me Car, minsan naman Ina. Depende lang sa trip nila. 17 years old. Galing ako sa may kayang pamilya. My mom runs a business, and my dad's a lawyer. Cool, 'no? Kaya nga, AB Political Science ang kinuha ko dito sa UST. May plano kasi akong mag law school at sumunod sa yapak ni dad! Dream ko yun. Maging abogada. Maging Atty. Buenaventura someday. :)

So, tuesday ngayon. At based on my schedule, 12 pm to 6 pm ang pasok ko! Kastress, diba? Hay nako. Pero carry yan. Kung iisipin ko, mas okay na nga ang sched ko compared sa iba kong friends from high school. At least, pang hapon. Hindi na kailangan gumising pa ng maaga! For a change nga naman, diba? :)

Pagsuot ko ng blue skirt, white blouse, at paglagay ko ng lamda habang nakaharap sa salamin sabi ko sa loob loob ko, This is it. UST, here I come!! At pagkatapos ay nagspray ng perfume, naglagay ng lip gloss, at naglagay ng konting blush on. Haha! Pagbigyan na, college na eh. Pwede na mag make-up! Pagkatpos ng halos isang oras na pagaayos, finally kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse. 

Matapos ang isang oras na biyahe, this is it!! Natatanaw ko na mula sa loob ng sasakyan ang napakagandang main building, at..yun! Ang building namin! AT LAST. Pagtingin ko sa aking relo, 11:30 palang! Yes, maaga pa ako! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nun. Kinakabahan, excited, nasusuka, lahat na ata! Basta ang nasa isip ko nalang...new school, new adventure, new life...hello, college!!

Room 204. Yan. Yan ang room namin. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa nakita ko.

The Jock Meets Ms. Suplada (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon