HIGH 5!

482 10 0
                                    

"10 am na!!! Late na ako!!" Sabay takbo ko ng mabilis, at halos magkanda hulog na ang mga librong bitbit ko sa sobrang bilis ng takbo ko. Halos mabangga ko na rin lahat ng tao sa corridor at wala na akong pakialam kahit marinig ko pa ang mga mura nila. EH LATE NA AKO EH, BAKIT BA?!

Noong nasa tapat na ako ng room namin, sumilip muna ako kung ano na nagyayari sa loob. Pero medyo nairita lang ako, kasi nung sumilip ako.....Yung iba nakatayo, mostly nagdadaldalan....yung iba nagtatawanan. IN SHORT, WALA PA PALANG PROF, EH HALOS LUMIPAD NA AKO PARA LANG MAKARATING SA ROOM ON TIME. 

Bwiset naman.

Nalate kasi ako ng gising. Dapat, 8 am palang nasa UST na ako eh. May mass nga eh diba? Hay nako. Eh nung 8 am humihilik pa yata ako! 8:45 na ako nagising so I rushed everything in 15 minutes! Kaya ang itsura ko ngayon, mukhang minadali rin. Tsk.

So, pagpasok ko ng  room...ewan ko lang wala atang nakapansin sakin. Busy kasi sila magdaldalan. So, ako naman pumunta nalang sa seat ko sa harap. Habang naglalakad papunta sa seat ko...

"Hi, Carina!!" Hmm, familiar ang boses niya ah. Sino kay-- okay. Paglingon ko, si Ralph pala. All smiles na naman siya. Nakaupo siya ngayon sa third row, kachikahan yung mga girl blockmates namin. Siya ang nasa gitna, tipong center of attraction. Ewan ko ba, wala ako sa mood eh so tiningnan ko lang siya at umupo na. Ni hindi ko nginitian! Ang sama ko talaga :(

"Suplada talaga!!" Lumingon ako sa likod, si Ralph na naman pala nagsabi nun! Sabi niya...suplada ako. Pero ang laki naman yata ng ngiti niya. Parang hindi naman siya nainis. Ewan, bahala nga siya. Naiirita ako sa kanya eh. Stressed na nga ako kakatakbo...tapos ang kulit pa niya. Ang laki pa ng ngiti niya hay nako!! 

Pagkatapos nun ay biglang mayroong pumasok na Prof sa room namin. Si Ma'am Gallardo, yung prof namin sa Economics. "Class, we're having a symposium in the Med Auditorium. Gusto niyo bang pumunta? Wala naman ang Prof niyo ngayon eh."

Hiyawan kaming lahat! Malamang masaya kami dahil walang prof! Walang Philo ngayon, hindi kami masstress kakabasa ng mga nakakalitong essays!

Noong nandun na kami sa Auditorium, may pagkamaingay parin kam pero pinipilit naming tumahimik. Syempre may speaker, so we have to behave and impress him. Nung pipili na kami nila Mica ng seat, wala na kaming choice kundi umupo sa second row kasi dun nalang ang available. At ang available seats pa, nasa may bandang gitna!! DADAAN PA KAMI SA MARAMING STUDENTS, makakaabala pa...hay nako. Tapos pagtitinginan. Ewan, ayoko ng ganun. I never wanted to be the center of attention. Pero no choice. Dun nalang kami pede umupo eh.

Nung papunta na dapat ako sa seat ko sa gitna, may humarang na malaking kamay sakin. Kamay ni Ralph. Nakaupo kasi siya sa dulo ng second row, so madadaanan ko pala siya. Hinarang niya yung kamay niya, bakit kaya? AHHH, he wanted a high 5. Gusto niya makipag apir sakin. Ang random mo naman ata? So yun, nung makikipagapir na ako sa kanya bigla niyang inalis kamay niya at nagkunwaring nagkakamot ng mata, habang nakasmile.

Shit. Bakit ganto...parang, kinikilig ako?

So pinalo ko siya ng malakas sa braso! Pero napansin ko imbis na magmukha akong naiirita eh nakangiti ako ng WAGAS. BAKIT!!!! Nainis ako, pero deep inside...shit, bakit ganito. Kinikilig na ba ako sa kanya? Bumilis ang tibok ng puso ko nung moment na yun. Pero..whatever. Bahala na. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at dumiretso na sa upuan ko. 

"Carina!" Shit, ayan na naman bakit niya ba ako tinatawag? Hindi ako lumingon, umupo nalang ako. Hindi ko na kasi alam magiging reaction ko, gulong gulo na ako. Ano ba, naiinis ako or kinikilig? HAYAYAY. Makikinig nalang nga ako sa speaker!! 

"Carina!" Bwiset bakit ba ang kulit niya? Ang sama ko talaga, pero di ko siya nilingon. Kunwari, di ko narinig. Kunwari, wala akong pakialam. Kunwari....di ako kinikilig. HINDI NAMAN TALAGA DIBA. HIndi talaga. HINDING HINDI!!!

The Jock Meets Ms. Suplada (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon