I WON'T LET HER GO

497 8 12
                                    

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Kinikilig na ba ako? Bakit ganon, hindi ko alam kung kinkilig ako? Alam ko, parang kinilig ako kanina...pero bakit ganito? Diba, ito naman ang hinahanap ko? Ito naman ang gusto ko mangyari? Ang kiligin ulit, pero sa ibang lalaki, ibang pagkakataon, at ibang panahon naman? 

Bago matulog ay nakatulala ako sa ceiling ng kwarto ko, at kung anu anong bagay ang gumugulo saakin. Napakarami kong tanong sa sarili ko, na hindi ko naman mabigyan ng paliwanag. Siguro kaya ako nagkakaganito, kaya ko pinipigilan ang sarili ko....kasi nadala na ako. Nadala na ako sa mga  pangyayari sa buhay ko na kahit kailan hindi ko naman inasahang mangyayari sakin. 

Pero, bakit ko ba pinipigilan? Crush lang naman, eh. It's not like I'm in love with him! So...siguro nga. Siguro nga crush ko na siya. Pero, dapat walang makaalam. Ako lang.

Ang mentality ko kasi, kapag sinabi ko sa ibang tao na may crush ako, lalong lumalala ang feelings. Totoo yun. Ewan ko ba kung bakit, pero ganun ako. Kaya nga, dapat wala talagang makaaalam kasi narealize ko, ayoko pa pala mainlove ulit. Hanggang crush-crush lang muna. Okay na ito, para lang may inspiration ako everyday! Yan naman ang hanap ko diba? Mahirap kasi mainlove, sa una masaya syempre...pero alam mo na. Takot na ako masaktan. Plus, naninibago lang siguro ako. Kasi it's been a year. It's been a year since I felt like this towards a guy. I guess I just missed the feeling.

"Ina, gising na anak. Baka malate ka na naman sa school!" Sabay kiss sakin sa cheeks. Ang sweet talaga ni mommy, 'no? Ganyan siya pag ginigising ako. Kaya nga madalas maganda ang gising ko pag siya ang gumigising saakin. I headed towards the shower, and looked at the mirror. Fair skin, long and layered black hair, pouty and red lips. Ganyan pala ang itsura ko. Bakit ngayon ko lang pinansin? I mean, alam ko naman itsura ko. Pero ngayon ko lang pinansin ang mga asset ko. Sa tingin kaya niya, maganda ako? Ano kaya ang nagustuhan niya sakin? Pagkatapos nun ay naligo na ako. Ewan ko ba, pero excited ako ngayon. Excited akong makita siya.

"Hi, Carina!!" Nakatayo siya  pintuan, kaya pagpasok ko tamang tama namang nagkita agad kami. Tiningnan ko siya ng ilang segundo sa mata, at saka ngumiti. Noong nakita niyang ngumiti ako, napangiti rin siya. Ang cute talaga niya. Kapag ngumingiti siya, parang nawawala ang mata niya. Hay, Lord. Ang ganda naman ng umaga ko. Thank you!! 

History time na naman. Naisip ko, nakakainis naman. Dapat magkatabi kami ni Ralph pero may isang lalaking harang saamin. Ewan. At least nginitian niya ako ngayon. Okay na rin. Habang nagdidiscuss ang prof, kinuha ko ang notebook ko dahil naisipan kong magnotes. Nakakainis nga lang, sira na ang binder ng notebook ko, kaya yung mga filler parang nakadetach nalang. Tsk. Habang kinukuha ko ang notebook ay di ko sinasadyang marinig ang usapan ni Ralph at ng katabi ko. Grabe, ano nga ulit pangalan nung katabi ko? 

Katabi ko: Bakit naman ginagamit pa niya notebook niya? Tingnan mo...sira na.

Ralph: Hayaan mo na, kanya kanyang trip lang kasi yan. Alam mo, pag yan naging girlfriend ko, hindi ko na talaga pakakawalan yan.

The rest of their conversation went on and it feels as though I heard nothing but mere murmurs. The rest was a total blur. Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. SYEMPRE, POKER FACE AKO SA LAHAT NG NARINIG KO. KUNWARI, NAKIKINIG AKO NG MABUTI SA PROF, PERO......SERYOSO BA ITO? ANO ITONG NARINIG KO? PAKIULIT? pag yan naging girlfriend ko, hindi ko na talaga pakakawalan yan. SHIT LANG. SOBRANG, KINILIG AKO. HINDI KO ALAM GAGAWIN KO. GRABE LANG. PEDE MAMATAY? Ganoon ba ako kaspecial? Pag ako naging girlfriend mo, di mo na ako pakakawalan? Teka, baka naman iba pinaguusapan niyo? PERO GETS HALATA NAMANG AKO YUN. AH BASTA. Kinikilig ako ngayon. Masaya ako ngayon. Nothing can ruin my day. SO I GUESS IT'S CONFIRMED, THEN? You like me. You want me to be your girlfriend. I like you too. So, I guess I just have to wait? Wala naman ako magagawa kundi maghintay. Maghintay na umamin ka sa akin!

So, I guess this is it! This is the start of something new.

The Jock Meets Ms. Suplada (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon