MUTUAL UNDERSTANDING

418 6 0
                                    

MUTUAL UNDERSTANDING. Ano nga ba ito? Isa itong uri ng relationship na parang kayo, pero hindi. More than friends, but less than lovers, ika nga nila. May dalawang klase kasi ng MU.

1st: Yung nag-aminan na kayo ng feelings ninyo sa isa't-isa, pero nag agree kayo na hanggang dun lang muna kayo. Marahil ay one or both of the parties are not yet ready to be in a relationship. Ayaw ng commitment. Pareho nilang gusto ang isa't isa, at may iba naman na in love na. 

2nd: Yung, hindi pa sila nag-aaminan, ngunit sa mga kilos at salita nila...parang sila na. Hindi na kailangan ng confirmation para malaman pa kung ano ang feelings ni guy towards kay girl, at vice versa. Halata na. Pero, pinipili nilang hindi sabihin ang nararamdaman nila dahil baka mas maging complicated pa ang pangyayari. 

Sabi nga nila, kapag may ka MU ka, masarap lang yan sa una. Ang unang mainlove, talo. Mahirap talaga ang gantong set up. Bawal ka magdemand, magexpect, magassume. Pwede magselos, kasi di naman yun napipigilan. Pero bawal mo ipakita. You have to keep it to yourself...kasi sa bandang huli maiisip mo. Nagseselos ako, bakit? Sino ba ako sa buhay mo? Sino ka ba? Ano ba tayo? Meron nga bang tayo?

Siguro nga, kami yung nasa pangalawang klase na mag MU. Sa ngayon, masaya ako at alam kong ganun din naman siya. Everyday is like a new day. Everyday is another chance to see him, to talk to him, and to get to know more about him. Parang araw araw, first time ko siya makikita. Laging excited. Bawat pag-uusap namin, natatandaan ko. Lahat ng detalye, kabisado ko. Kung pano niya sinabi yun, kung ano itsura niya nun, lahat! Kahit kadalasan kung magusap kami, lagi kaming nagdedebate...wala lang sakin yun. Madalas, di ako nagpapatalo. Siya rin naman ganun! Kung minsan nga, mukha akong napipikon pero di talaga. Kahit ilang beses niya ako asarin, hinding hindi ako napipikon. Kinikilig pa nga yata ako eh. Ewan ko ba. May mga moments pa na kapag kilig na kilig na ako, imbis na ipakita ko sa mukha, kinukurot at pinapalo ko siya ng malakas! Syempre, alam ko masakit yun pero napapansin ko, nakangiti parin siya sakin, kahit gano pa yun kasakit. Sira ulo talaga eh, 'no?

Habang lumilipas ang mga araw, nasasanay na ako na lagi kaming magkausap. Araw araw kaming may pagtatalunan, pagtatawanan, pagkkwentuhan. Pero dumating rin ang panahon na naging inconsistent siya. May times na di siya nagpapaalam sakin bago umalis, may times na maikli lang ang usapan namin, may times na pakiramdam ko..nanlalamig na siya. Baka, sawa na siya sakin? Kahit pakiramdam ko nanlalamig na siya sakin, sinusubukan kong umarte na parang walang nangyaring iba. Parang di ako affected. Parang di ako nasasaktan. Kaya nga bago pa lumala ang sitwasyon, bago pa lumala ang nararamdaman ko para sa kanya, sinubukan kong lumayo. Naisip ko kasi...baka naman hindi talaga niya ako gusto. Baka, pampalipas oras lang ako? Wala siguro talaga siyang balak ligawan ako. Lalayo muna ako, habang maaga pa. Hindi ko muna siya papansinin, kakausapin, titingnan. Kaya mo 'to, Car! Ikaw pa!

Papunta na ako nun sa locker, dahil balak ko magsauli ng libro. Kahit hindi ko siya tingnan, ramdam ko. Ramdam kong tinitingnan niya ako. Gusto siguro niya makipag-usap, pero di ko siya tinitingnan. Hindi pwede. Titiisin ko ito. Lilipas din ito. Sinundan niya ako, lumabas rin siya at tumabi saakin sa may mga locker. Siguro nahahalata niyang iniiwasan ko siya, kaya siya na ang nageeffort mag reach out saakin. 

"Carina...naalala mo ba yung sinabi ni..."

Nakipag usap siya, pero iba ang pinagusapan namin. Di niya tinanong kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako malungkot, kung bakit ako umiiwas. Tumingin ako sa mga mata niya, at naisip kong Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba kailangan pa umiwas? Hindi naman ako umaasa diba? Gusto ko siya, pero hindi ako umaasa. Hindi talaga. Hindi. Noong mga sandaling iyon ay naisip ko na hindi naman dapat ako umiwas diba? Bakit ba dapat pang umiwas? Hindi rin naman kasi ako dapat masaktan. Hindi ako dapat nagdedemand. Di dapat nageexpect. Just go with the flow, ika nga. Kung ano ipakita niya sakin, ganun din ako sa kanya. Kung di ako pansinin, edi deadma lang din ako! FROM THIS DAY ON, DI NA AKO MAGDDRAMA. I WILL JUST GO WITH THE FLOW AND NEVER EXPECT ANYTHING IN RETURN.

Bakit ba kasi ayaw pa niya magtapat saakin? Ano ba pumipigil sa kanya? Kuntento na siya na ganito nalang? Ganito nalang kami?

Mica: Car! May kailangan kasi ako sabihin sayo. Wag ka magugulat ha. Di ko rin kasi alam kung pano ko sasabihin sayo.

Papauwi na kami nun, naglalakad sa may carpark. Kami lang dalawa ni Mica.

Me: Girl, ano yan? Sabihin mo na...kinakabahan ako eh. Tungkol muna saan? Kay....Ralph? Bakit parang malungkot mukha ni Mica? Kinakabahan ako. Mukhang di ko gusto ang maririnig ko.

Mica: Kasi...kinausap ko kanina si Ralph. Wag ka magalit ha. Ginawa ko yun para rin sayo kasi concerned ako.

Me: Ano ba pinagusapan ninyo?

Mica: Kinausap ko siya, kami lang dalawa kanina. Dineretso ko siya. Tinanong ko kung may gusto ba siya sayo. Kasi sabi ko, kaibigan kita at ayaw kitang masaktan. Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga nararamdaman niya para sayo.

Me: Tapos...? Shit. Kinakabahan ako.

Mica: Sabi niya...wala daw siyang gusto ngayon. Pinipilit ko siyang sabihin ang totoo pero sabi niya wala naman daw talaga. Wala daw siyang gusto kahit kanino ngayon. Pero...girl, habang sinasabi niya yun hindi niya ako matingnan sa mata. Nakatingin lang siya sa sapatos niya. Mukhang nagsisinungaling...di pa ata handang umamin eh.

Sa mga sandaling iyon, parang gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang humiga sa kama ko. Gusto ko nang umiyak. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. No expectations diba? Just go with the flow? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako affected? Ang sakit. Ang sakit sakit.

The Jock Meets Ms. Suplada (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon