~Thirty-two

1.7K 25 0
                                    

The Substitute Daddy

32-Emmanuel Jeremy Tiu

\\EMMANUEL JEREMY's PoV

Ngayon.

Ngayon dadating si Mommy. Aish bakit hindi ako excited? Bakit normal lang sa akin yun? Siguro, dahil expected ko na naalis din siya katulad ng dati.

Flashback

Dadating na si Mommy ngayon, hindi naman talaga ako galit kay Daddy eh kasi alam ko hindi niya hahayaan na umalis nalang si Mommy.

"Emman! Anjan na si Mommy!" Katok ni Imee sa pinto ko at agad naman akong lumabas papuntang salas.

Nakita ko siya, ang nanay ko. Nahanap niya na kaya si Tito Terrence? Oo, yun naman talaga ang rason niya eh.

"Mommy!" I hugged her. Im an affectionate son.

"Emman, anak!" She hugged me back.

"Mommy nahanap niyo na po ba si Tito?" I asked.

"Uhm.. Hindi pa kasi anak eh." She coldly said.

"Mommy 'wag ka ng umalis please?" Singit naman ni Imee at lumapit sa amin.

Sa katunuyan nga two years ng hinahanap ni Mommy si Tito at sa tagal na yun, namiss niya na ang birthdays namin ni Imee. Haist.

"Uhmm. Anak, kailangan kong hanapin ang Tito mo" She explained to me.

"Pero Mommy, diba po patay na po siya? I can't see why you cant move on Mommy." I asked her.

Yes, patay na si Tito pero bakit niya pa rin hinahanap si Tito.

"Your son's right. Bakit hindi mo matanggap yun Sofia?" Napalingon kami sa lalaking nagsalita.

It's DAD.

"Jeremy, please! Not now!" Tumayo si Mommy sa pakakaluhod at hinarap si Daddy.

"Bakit Sofia? Saan ba mapupunta yang paghahanap mo? Kailangan ka nila oh! Kami ang pamilya mo!" Sumigaw si Daddy.

Si Imee parang mangiyak-iyak na kumapit sa braso ko. Kahit kambal kami ni Imee, tinuturing niya akong kuya. Sa patitinginan nilang dalawa parang wala ng pag-ibig. Yun ang masakit.

"Jeremy, please! Huwag sa harap nila!" Mom shouted at Dad.

"Alam mo, hindi na kita pipigilan this time dahil alam ko din naman na hindi kita mapipigilan eh. Hanapin mo yang kapatid mo. Huwag ka ng babali--"

"KUYA!!" Napalingon kaming lahat kay Tita Mia.

"Mia!" Sabay pa silang dalawa na tinawag si Tita.

Si Tita naman ay niyakap kami. "Emman, Imee sa kwarto muna kayo ha?" Hindi umimik si Imee, mukhang takot na takot sa mga nangyayari. Napasinghap nalang si Tita Mia ng makita si Imee na tumutulo na ang luha. "Emman, ikaw na bahala sa kambal mo ha?" She requested, tumango naman ako.

Mula salas, napunta kami sa kwarto ko. Magkahiwalay kasi kami ng kwarto ni Imee, simula pa noong naging 7 years old kami hanggang ngayon na 9 years old na kami.

"Imee, tahan ka na. Magiging okay lang ang lahat" Patahan ko kay Imee.

"Emman? Bakit ganun? Bakit nag-aaway sila?" Reklamo ni Imee.

"Im, magiging okay lang lahat. Magiging okay lang tayo. Magkakabati din sila" Pagpapaliwanag ni Emman.

Nakatulog si Imee sa kama ko at habang tinititigan kong si Imee ay naririnig ko ang pag-aaway nina Tita Mia, Mommy at Daddy. Binuksan ko ng maliit ang pinto.

"Ate Sofia, kailangan ka nila!" Sabi ni Tita na nagmamakaawa.

"Hindi ko alam Mia, hindi ko na kaya yang Kuya mo! Ang sakit na wala man lang siyang paki sa kung ano man ang nararamdaman ko." Sagot ni Mommy at umiiyak siya.

Dad remained calm. "Eh di iwan mo kami..." Mahinang sabi ni Daddy. Please No. "IWAN MO KAMI SOFIA! TOTAL YUNG KAPATID MO NAMAN ANG TALAGANG MAHALAGA SAYO. HINDI NAMAN TALAGA KAMI MAHALAGA SAYO DIBA? LEAVE." Sigaw ni Daddy.

Dun nagulat ako pati sina Mommy at Tita Mia. Tumakbo ako papunta sa baba at niyakap si Mommy.

"Mommy please..." Niyakap ko ang likod niya at umiyak na ako.

"Anak, take care of Imee ha? I trust you..." Pinunasan niya ang mga luha ko.

Lumingon ako sa likod ko at looked at Daddy. "Daddy, pigilan mo naman si Mommy please? Diba po mahal mo siya? Diba po lahat gagawin mo para hindi siya umalis? Pigilan mo naman po siya" I pointed out things on him.

But instead of stopping Mommy from leaving, hinatak niya ako mula sa yakap ni Mommy. "Hindi ka mahal ng nanay mo. Iiwan niya na nga tayo" Nagulat ako and I swear...

KAMUMUHIAN KO NA ANG TATAY KO.

End of Flashback...

Ako na ang masama pero tama ba yun? Tama bang pakawalan niya lang agad agad ang asawa niya which happens to be my mother?

Sakit.

Yun yun eh.

Yun ang naramdaman ko ng tumambad sa harap ko ang nanay ko na nakita ko ulit.

"Anak, Emman. Ang laki mo na" Niyakap niya ako pero tipid lang ang pagngiti ko. "Anak, hindi ka ba masaya na nandito ako?" She asked.

ANO BA ANG ISASAGOT KO? MASAYA BA AKO?

Aish.

A/N: oh? Ano? Okay lang ba yung POV ni Aries Emmanuel Tiu? Hahahha. XD

Anyways, thank you for reading lablab.

~Choii.

The Substitute DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon