~Forty-Three

3.1K 28 0
                                    

 

 

 

The Substitute Daddy

43 - The Substitute Mommy

 

 

 

 

TERRENCE

 

 

 

“He’s condition is stable but we still need to run some tests for him” Ngiting sabi ng doktor sa amin ni Francis.

 

Si Francis hindi kinayang tingnan ang kalagayan ni Winter at ang pagkawala ni Casey. Hindi pa rin nagigising si Winter at yun ang ikanakaba namin. What if hindi siya magising? Puno ng mga ‘what if’s’ ang pag-iisip namin.

Ipinacrimate na naming ang mga labi ni Casey, nagging emosyonal si Kaila dahil marami daw siyang kasalanan dito at hindi man lang siya nakahingi ng tawad.

Lahat kami nanghihinayang, konti lang ang dumalo sa seremonya ng burol ni Casey. Napahati kasi kami sa dalawa. Yung isa sa burol ni Casey at ang isa ay sa pagbabantay dito kay Winter.

 

“Pare, bili muna ako ng pagkain pakibantay muna kay Winter ha?” Sabi ni Francis at lumabas na ng kwarto.

 

Tumango lang ako at lumapit kay Winter. Tinanaw ko ang kanyang mukha na may mga sugat pa at may nakakabit pa na dextrose sa kamay niya. Agad kong hinawi ang mga buhok niyang sagabal sa kanyang maamong mukha.

Sa edad niyang ito bakit kailangan marami siyang pagdaanan? Hinaplos ko ang kamay niya at tumulo ang aking mga luha.

 

“Warren James? Anak ko…” Umiiyak nga ako pero hindi ko maipagkailang tumawa man lang sa sinabi ko. Naalala ko yung mga taon na una ko siyang nahawakan noong maliit palang siya.

 

Yung mga pagkakataon na dapat si Francis ang nandoon pero ako ang sumalo ng lahat. Unang salitang sinambit ni Winter, unang hakbang at marami pang iba. Kaya lubusan akong nagdarasal na sana man lang magising na siya at pangako naming sa kanya hindi niya mararanasan na nawalan siya ng isang Ina.

 

Isang ina na ginawa ang lahat para lang sa kanya at isang ina na kayang magparaya, kayang magsinungaling para lang may makilala siyang ama. Oo, galit ako noon pero lubusan akong nagpapasalamat dahil sa mga pagkakataon na iyon nakilala ko si Winter at naging parte na siya ng buhay ko.

 

“Gumising kana anak ha?” Sabi ko dito kahit nagmumukha na akong tanga.

 

TOK! TOK! TOK!

 

Agad akong napalingon sa pintuan at nakita si Mia, Summer at Kaila na pumasok.

 

Ibang klase talaga itong si Mia, biruin mo siya ang nakapagpakalma sa step-sister niyang umiyak noong araw na naudlot ang kasal nila ni Francis. I guess, Kaila is in to maturity at the exact age of 28.

 

 

 

 

The Substitute DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon