~Ten

2.4K 31 0
                                    

 The Substitute Daddy

10~ Amusement Park Pt.2

KIONE

As soon as I stepped out of the Orlando Holdings Inc., Building naisipan kong tawagan si Sky para sabihin sa kanya ang good news.

I dialled her number at agad niya itong sinagot.

"Hello? Kione? Kamusta ang Interview?"

Masaya niyang tanong.

"Alam mo Sky, sobrang saya ko"

Intro ko sa kanya.

"Natanggap ka no?"

Hula niya.

"Syempre naman! Itong asawa mo? Sus! Nagdududa ka ba sa akin? Paka-usap nga sa one and only son ko"

Sabi ko kay Sky.

"Hello? Dada?"

Narinig kong sagot ni Winter.

"Hello Anak? Kamusta ka na?"

I asked.

“Okay na ako Dada pero sabi daw ni Mama hindi pa ako pwedeng lumabas ng hospital. Bakit Dada?”

Tanong ni Winter. As much as I wanted to say sa kanya na hindi okay ang kalagayan niya hindi niya pa rin ito maiintindihan.

“Everything will be okay Anak ha. Babalik din jan si Dada. Magpakabait ka ha? I love you ‘Nak”

Sabi ko dito.

“I love you too po.”

Sagot ni Winter.

“Mag-ingat kayo jan Sky, ha?”

I warned.

“We will. Basta babalik ka dito ha? Miss ka na namin”

Sabi ni Sky.

“Miss ko na din kayo. Sige magpahinga na kayo jan. Wag masyadong magpuyat Sky ha”

I told her.

“Yes Kione”

She said and hung up.

Mabuti nalang at malapit lang dito ang tinitirhan kong Condominium. Hep.Hep. Sponsored ni Ex-Boss sa Aklan. Masyado daw kasi akong mabait kaya binigay niya to sa akin. Condominium daw ng anak niya dati noong nag-aaral pa ditto sa Manila eh, sa grumaduate na at bumuo na ng pamilya eh di napabayaan.

Habang naglalakad ako papuntang condominium ko may nadaanan akong Amusement Park. Putiks lang ha? Ganoon na ba talaga kahaba ang nilakad ko at may sumusulpot na amusement park dito?

May nakita akong mga batang nagtatakbuhan at mga magkasintahan at mag-asawa na naglalambingan.

Ako kaya? May naging girlfriend kaya ako noong teenager palang ako? Hindi nabanggit sa akin ni Sky eh.

Ako kaya? May nanay at tatay pa kaya ako? Hindi niya din nabanggit sa akin eh.

Wala na ang nagawa kundi pumasok na sa Amusement Park, besides matagal-tagal din na hindi ako nakapasok dito. Doon kasi sa amin hindi ganito ka-sosyal ang mga rides. Peryahan yung nandoon eh.

What did I do?

-Naglakad

-Naglakad

-Naglakad

-Naglakad

-and lastly, Naglakad

What? Ineexpect niyong kakain ako? Sorry, tipid mode ako. xDD

The Substitute DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon