Sweet Revenge

1.1K 7 2
                                    

Prologue: 

"My boyfriend just broke up with me!" galit na galit na sabi ni Lexi sa mga kaibigan niya, Hindi pa din siya makapaniwala na nakipaghiwalay ang boyfriend niya sa kanya. Parang kahapon lang masaya silang dalawa na magkasama. Hindi matanggap ni Lexi na she was dumped, halos maiyak sa inis si Lexi sa mga nangyari.

"so, what's the plan?" tanong agad ni Julia sa kaibigan ngunit napatingin lang si Lexi na agad pinunasan ang mga luha niya. Kilalang kilala na ni Julia ang kaibigan, alam niyang may binabalak ito.

"i don't know." sabi ni Lexi sa kaibigan at napatingin na lang ang mga kaibigan niya, alam ng mga kaibigan niya lalong lalo na si Julia na kapag hindi si Lexi ang nakipaghiwalay may mangyayaring masama. Sigurado silang may plano ito at natatakot sila sa pwedeng mangyari sa ex-boyfriend nito. 

"don't tell me wala kang plano, ikaw si Lexi.. Lexi, the heartbreaker!" sabi naman ni Kath at bigla na lamang tumawa na parang baliw si Lexi at napakamot na lang sa ulo si Kath. Hindi niya alam kung masyado ba talagang naapektuhan ang kaibigan sa nangyari. 

"this time, i'm not the heartbreaker! i learned my lesson, and iba siya sa mga naging boyfriend ko.. ibang iba siya, kaya nga minahal ko siya ng todo!" sabi ni Lexi, hindi makapaniwala ang mga kaibigan niya sa mga sinasabi niya. Is it true that the cassanova princess has fallen? She's really in love with that stupid nerd. 

"wow, i can't believe na naririnig ko yan sayo Lex. Iba ka you're the cassanova princess, hindi ka dapat nasasaktan! Sila, sila dapat ang nasasaktan!" sabi naman ni Barbie at napahawak na lang sa noo si Lexi, hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa mga kaibigan niya dahil alam niya kasing kahit anong paliwanag niya paulit ulit pa din na sasabihin nila na isa siyang "CASSANOVA PRINCESS" 

"I can't believe you fell in love with that stupid nerd." halos mainis si Lexi sa narinig niya napalingon siya at nakita niya doon ang mortal enemy niya si Derrick. 

"anong ginagawa mo dito ah? hindi mo kasi naramdaman eh. i fell in love!" galit na sabi ni Lexi at hinawakan na siya agad ng mga kaibigan niya dahil panigurado susugurin niya si Derrick, matagal ng magkagalit ang dalawa siguro dahil sa pareho silang nananakit ng feelings ng iba. Kung si Lexi ang "Cassanova Princess", si Derrick naman ang "Cassanova Prince".

"geez, Lexi you fell in love ahaha! with that stupid nerd. alam mo kung ano dapat ang ginagawa mo? planning for a revenge. Papayag ka na lang bang sinaktan ka isang walang kwentang lalaki, a nobody! Yun lang ba ang magpapabagsak sa Cassanova Princess?" tanong naman ni Derrick at biglang napaisip si Lexi. Hindi niya alam kung paano niya gagawin yun, mahal niya pa din ang ex-boyfriend niya. 

"Derrick is right! wag kang papayag baka isipin ng mga classmates natin, isang stupid nerd lang ang magpapabagsak sayo. Masisira ang pangalan mo Lex!" sabi ni Julia at tatango tango lang si Derrick at ngumiti pa ng nakakaloko. 

"See, tama ako! Ikaw ang Cassanova Princess, kung wala kang maisip i might as well help you! tutulungan kita para lang di maliitin ang mga kagaya natin na naiinlove sa isang nobody!" sabi naman ni Derrick at napangiti ang mga kaibigan ni Lexi. Matagal na kasi nilang gustong magkabati ang grupo ni Lexi na tinatawag na Cassanova Princesses at ang Cassanova Princes na grupo naman ni Derrick. Sa oras na mangyari yun, maari na silang mapalapit sa mga tropa ni Derrick dahil kasi magkaaway ang dalawa ay hindi sila makapunta at makalapit dun dahil kay Lexi na tinaguriang leader ng grupo. 

"sige na Lex, pagkakataon mo na toh! Grab it girl." sabi naman ni Kath na chinecheer pa ang kaibigan, may pinagpapantasyahan kasi si Kath sa grupo ni Derrick kaya ito ang naisip niyang way para lang mapalapit sa ultimate crush niya. 

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon