Sweet Revenge.. Chapter 2

291 8 5
                                    

Chapter 2: Ang Panliligaw.        

Hindi alam ni Derrick ang gagawin, namamawis na ang mga kamay niya at mabilis ang tibok ng puso niya. Feeling niya ay hihimatayin siya sa oras na makalapit na kay Lexi, Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya alam niya naman sa sarili niya na pare-pareho lang ang mga babae, suyuin mo at magkakagusto na sayo pero para kay Derrick iba si Lexi. Si Lexi kasi yung tipong iniingatan, napahampas si Derrick sa ulo niya ano bang pinagsasabi niya? Kinakabahan lang siya dahil siguro baka ipahiya siya ni Lexi dahil nga mortal enemy niya ang dalaga pero naisip din niya na di gagawin ni Lexi yun dahil tutulungan niya nga ang dalaga.         

"pare, oh eto pinabili pa namin yan sa labas ah! Fresh na fresh pa yan!" sabi ni Daniel at inabot pa niya yung bulaklak na halatang mamahalin.    

"salamat pare." sabi naman ni Derrick at nakipagapir pa ito kay Daniel at agad kinuha ang bulaklak at tinignan kung perfect nga ba ito. Gusto niya kasi ung ibibigay niya kay Lexi ay yung maganda.. yung pinakamaganda    

"oh pare eto naman yung chocolate na favorite ni Lexi mabuti na lang andyan si Barbie at tinulungan ako.." sabi naman ni Joshua at tinignan siya ng mga kaibigan niya    

"pare may namamagitan ba sa inyo ni Barbie?" tanong naman ni Jhake kay Joshua, alam kasi nitong magkagalit ang grupo nina Derrick at Lexi pero etong dalawa ay parang sina Romeo at Juliet na naiipit sa away.    

"oh siya, akin na yan!" sabi ni Derrick at kinuha ang chocolate, para kasi kay Derrick silang dalawa lang ni Lexi ang magkaaway at di dapat madamay ang mga barkada niya, eto kasing mga kaibigan niya masyadong pinepersonal e. Ang away daw ng isa, away ng lahat.     

"tara na ayusin niyo yung paggigitara ah, Jhake aasahan kita dyan!" sabi ni Derrick at napangiti na lamang si Jhake, agad silang pumunta sa gym doon kasi yung klase nila Lexi, PE. Agad nilang nakita si Lexi na nakaupo lang at nagpapaypay samantalang ang iba ay todo practice    

"Tsss. iba talaga siya!" nasabi na lamang ni Derrick sa sarili niya at dumirecho na sila sa may gym nagsimula na mag gitara si Jhake sinimulan naman agad ni Derrick ang pagkanta, halos lahat ng mga babae ay nagtitilian at ang mga prof na kanina ay strikto sa mga kausap na estudyante.         

Pagtapos ng kanta, isang masigabong palakpak at tili ang maririnig sa loob ng gym agad lumapit si Derrick kay Lexi kung saan nakataas na ang kilay, hindi man lang pansin sa kanya na kinikilig siya samantalang ang mga kaibigan nito ay talon ng talon at nilalapitan pa si Lexi.       

"dapat di niya makalimutan ang araw na toh!" sabi ni Derrick sa sarili niya at agad siyang lumapit kay Lexi sabay luhod at inaabot ang bulaklak at ang chocolate. Todo naman ang tilian ng mga estudyante.    

"i love you Lexi, can i court you?" tanong agad ni Derrick na medyo nanginginig pa ang boses ko, napatingin naman si Lexi kay Derrick. Halos di na marinig ni Lexi ang sinasabi ni Derrick dahil sa sobrang lakas ng mga tilian.     

"mamaya na. may hinihintay pa ko!" sabi naman ni Lexi sa sarili at napatingin lang kay Lexi na parang di alam ang sasabihin, kailangan makita ni Elmo ang lahat.   

"Lexi bilisan mo, sumasakit na yung tuhod ko!" sabi naman ni Derrick sa sarili niya at tinignan si Lexi yung tipong ang-bagal-mo-magsagot. Pero di pinansin ni Lexi napatingin lang siya sa mga estudyante, kumpulan na ang mga tao.     

Halos isang oras na nakaluhod si Derrick at ang mga tao ay tense na tense na sa nangyayari, nagtataka sila kung bakit ayaw pa din sabihin ni Lexi kung yes or no. Samantalang Kanina pa naluluha si Elmo nang makita si Derrick na nakaluhod sa prinsesa niya, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Mahal na mahal niya na ang dalaga pero anong gagawin niya, mukang nakahanap na agad ng kapalit ang mahal niyang prinsesa. Napakagat labi na siya kahit na nabibingi sa mga tilian, nakafocus pa din siya sa mga sasabihin ni Lexi.       

Napabuntong hininga si Lexi, mukang wala na atang pagmamahal sa kanya ang ex-boyfriend niya kanina pa, siguro may mga ibang pagkakataon pa naman. Napatingin naman si Lexi kay Derrick at nginitian ito sabay buntong hininga. Agad namang tumahimik ang mga tao, lahat sila napatingin kay Lexi, binabantayan ang bawat galaw ng mga labi niya       

"Yes." mahina pero rinig na rinig ng lahat ng tao agad naman napatayo si Derrick at niyakap si Lexi, para kay Derrick nabunutan siya ng tinik samantalang si Elmo parang tinusok ang puso nyia sa narinig kay Lexi. Napatakbo siya paalis, nanghihinayang pa din siya! Mahal na mahal niya ang dalaga pero hindi niya man lang ito naipaglaban.   

"WOOOO!" tilian at sigawan ang mga tao agad namang nilapit ni Derrick ang mukha niya sa tenga ni Lexi    

"ang tagal mo ah, alam mo ba kung gaano kasakit ang tuhod ko!" galit na binulong ni Derrick kay Lexi feeling kasi niya na pinagtatawanan na siya ni Lexi  

"sorry. natulala kasi ako e!" bulong naman ni Lexi, hinihiling niya na lang na nakita ito ni Elmo.  

--    

Sa twitter, sa facebook at pati na din sa tumblr ay usapan ang nangyari nung araw na iyon, halos lahat ng tao ay tuwang tuwa sa nangyari. bagay na bagay kasi ang dalawa at para sa kanila magiging maayos na.        

Simula nang pumayag si Lexi na magpaligaw kay Derrick lagi na lang silang naguusap sa mga social networking sites katulad na lamang ng twitter at facebook. Iba't ibang fanpages din ang ginawa para sa kanilang dalawa. Si Barbie ang may pakana ng mga fanpages at sinundan naman ng ibang tao. Dahil na din sa nangyari naging malapit ang grupo ni Derrick at ang grupo ni Lexi. Isang tao naman ang di makapaniwala sa mga nangyayari, kung dati ay tuwang tuwa sa nakuhang freedom ngayon ay nagsisisi         

"Elmo, okey ka lang alam mo simula nung nakipaghiwalay ka kay Lex! di ka na ganun ka alive!" sabi ni Yassi, na kagrupo niya sa Science Club     

"oo nga Elmo napansin din namin ng barkada yun! alam mo buti nga yun at maayos na ang lahat eh! Di mo na kailangan maging sunod sunuran dyan sa Lexi na yan!" galit na sabi ni Joyce, malaki ang galit nito kay Lexi dahil para sa kanya flirt eto.    

"tama sila, andito naman si Julie Ann!" sabi naman ni Kris at itinuro si Julie Ann na nagliligpit ng mga kalat nila.     

"wag mo nga akong isama dyan Kris, hayaan niyo muna magmove on tong si Elmo! Sure naman ako pag nangyari yun, magiging alive na yan, diba pards?" sabi ni Julie Ann at umakbay pa sa kaibigan, pilit naman na ngumiti si Elmo masaya siya na tinutulungan siya ng mga kaibigan niya pero di pa din niya kayang mag move on. Masyado niyang minahal si Lexi     

"may naisip ako, gagawin ko ang lahat para mahalin ulit ako ni Lexi!" sabi ni Elmo at napatitig na lamang sa kanya ang mga kaibigan niya.     

  ------------      

kawawang Derrick sumakit ang tuhod, okey lang yan si Lexi naman yan e

Lexi, yung totoo hinihintay mo si Elmo or gusto mo lang masaktan si Derrick? 

at ikaw Elmo, napakaBOPOLS mo iwanan ba naman si Lexi. 

Ano bang rason mo ah? P-E-R-F-E-C-T na si Lexi oh!

ayuun, iikot yung story sa tatlo kay Derrick-Lexi-Elmo

pero may mga part pa din na isasama ko yung mga loveteams

yung JoshBie, KrisJoy at JulNiel hahaha! 

Ayun iisipin ko pa yung mga pwedeng story nung mga loveteams na yan

tapos yung ibang loveteams in the PROCESS pa lang. 

Kaya yan munang apaaat! :D

Ayun thank you so much!

----------------------------------------------------------

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon