Sweet Revenge.. Chapter 1

293 5 5
                                    

Chapter 1: The Stupid Nerd.

Halos hindi makatulog si Elmo sa mga nabasa niya sa twitter at sa facebook. Kalat na kalat na pala ang breakup nilang dalawa ni Lexi hindi niya pa din alam kung bakit na lang niya iniwan si Lexi. Mahal na mahal niya naman ito at lahat ay gagawin niya para dito. Pero masaya siya at ngayon tahimik na ang magulo niyang buhay. Makakahinga na siya ng malalim pero ang kinatatakot niya sa lahat ay ang makita si Lexi na may kasamang ibang lalaki, hindi niya kakayanin yun mamatay siya pag nangyari yun. Mamamatay sa ingit, selos at sa pagsisisi.

"Ang tanga mo Elmo, mahal mo tapos binreak mo! >.< Tss, sh*t bad move!" galit na galit si Elmo sa sarili ngayon kasi natatatuhan na siya at naiisip niya na ang mga ginawa at sinabi niya sa babaeng pinakamamahal niya. Napapikit na lang siya at bigla na lamang tumulo ang mga luha sa mata niya. 

--

"wag niyo nga siyang awayin, sino ba kayo para awayin siya?" inis na inis na sabi ni Lexi sa tatlong lalaki. Nakita niya kasing tinapunan ng mga ito ang kawawang nerd. 

"wag ka na makielam dito Lexi, eh alam mo namang bullies kami eh!" sabi naman ng lalaki at hinila ang kurbata ng kawawang nerd. 

"isusumbong ko kayo sa principal or titigilan niyo na toh?" galit na sabi ni Lexi at agad namang tumakbo ang tatlong lalaki, napatingin naman si Lexi sa kawawang nerd at kinuha niya ang mga gamit nito at inabot niya dito. 

"next time, learn how to fight for yourself." sabi naman ni Lexi inirapan pa ni Lexi ang nerd at naglakad na siya.

"wait!" napasigaw naman ang lalaking tinulungan niya

"bakit, kung magpapasalamat ka no need! Ibigay mo na lang yan sa mga professors na binibigyan ka ng mga matataas na grade." mataray na sabi ni Lexi at nagpatuloy na sa paglalakad pero bigla namang huminto ito at huminga ng malalim at lumapit na dito. 

"uhmmm. eto oh gamitin mo!" sabi ni Lexi at inabot niya ang pink na panyo dito

"salamat, Elmo nga pala, Elmo Magalona!" sabi ni Elmo at ngingiti ngiti pa ito

"Lexi, Lexi Fernandez. sige aalis na ko!" sabi ni Lexi at tuluyan ng umalis, agad namang pinunasan ni Elmo ang sarili gamit ang panyo ni Lexi. Hindi niya akalain na may tutulong sa kanya, wala kasing pakielam ang mga tao dahil para sa kanila isang invisible si Elmo, pang karaniwan at di katulad ng mga Cassanova Princes at Princesses. 

Dahil sa nangyari, nagkagusto na si Elmo kay Lexi. Araw - araw niya ng naaalala ang insidenteng yun at napapangiti na lang siya kung paano tinarayan ni Lexi ang nasabing mga bullies. Isang araw gabi na ng makauwi si Elmo dahil tinapos nila ang project nila.

"Don't touch me, sino ka ba? Di mo ba ko kilala.." napatigil si Elmo sa paglalakad ng mapansin ang pamilyar na boses na yun. Ang babaeng minamahal niya si Lexi. agad tumakbo si Elmo sa nasabing lugar at nakita niya si Lexi na nakaupo sa isang upuan at nakatali ang mga kamay.

"Lexi, gusto ko lang naman na magustuhan mo ko eh! bagay tayong dalawa kung iisipin, tignan mo. Mayaman naman ako at kaya kong ibili lahat ng gusto mo." sabi naman ng isang lalaki na kaschoolmate din nila.

"stop this nonsense, kahit anong bilin at ibigay mo sakin i will never love you! Sino ka ba huh? You're just a stupid guy wanting for my love, well hell i will never give it to you!" galit na sabi ni Lexi at dinuraan pa ang lalaki.

"AT TALAGANG GINAGALIT MO KO AH!" sabi ng lalaki at lumapit na kay Lexi at mukhang may balak na masama sa dalaga, hindi alam ni Elmo ang gagawin kapag di siya kumilos maggagawa ng lalaking ito ang masama niyang binabalak at kapag tumawag siya ng guard ay baka pagbalik niya huli na ang lahat. There's one thing na naisip ni Elmo, to save Lexi all my himself. 

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon