Sweet Revenge.. Chapter 3

246 4 3
                                    

Chapter 3: DerLexiMo

"grabe, isang linggo na ang nakalipas pero kalat na kalat pa rin sa campus yung ginawang pagluhod at pagpapakilig ni Rick kay Lexi. grabe, i can't believe it! Trending topic na talaga kayo here in the campus." sabi naman ni Kath kay Lexi habang naglalakad sila at papunta sa classroom nila

"ano ba di pa din ba kayo nakakamove on? yun lang ang huling kakaibang ginawa ni Rick but then wala ng nasundan. sa tingin niyo, maganda ba yun?" mataray na sabi naman ni Lexi at nauna na sa classroom sumunod naman ang mga kaibigan niya na umupo din sa kani-kanilang pwesto. magkakatabi naman sila kaya walang problema

"well, what if nagiisip si Rick ng ikakagulat ng lahat? you see, Derrick is a man full of suprises. Halos lahat ng girls gustong maging boyfriend siya dahil nga one he's sweet, second he's handssome and third wala na kong maisip sa sobrang daming pumapasok sa utak ko!" sabi naman ni Julia na napangiti na lamang at nangangarap ng gising

"ewan ko sa inyo, girls! pwede ba tigilan niyo na yan, as i said earlier it's been a week simula nung mangyari yung event na yun." sabi ni Lexi at kinuha na lang ang cellphone at nagsimulang magbura ng mga text messages sa phone niya

"teka Lex, di ka ba kinikilig sa mga pinagagawa ni Rick?" tanong naman ni Julia kay Lexi at napatingin na din ang mga kaibigan niya sa kanya na naghihintay ng sagot.

"uhmm, sweet yung ginawa niya for me but hindi aabot sa puntong kinikilig ako!" mataray na sabi ni Lexi at hinawi na lamang ang buhok, napabuntong hininga na lamang ang mga kaibigan niya. Alam naman ng mga kaibigan niya na palabas lang ang lahat pero bakit parang pati sila nadadala sa situation. Basta para sa kanya si Elmo pa din ang mahal niya, sa oras na makita niya na nagseselos si Elmo pupuntahan niya ito at kakausapin. 

Dumating na sila Derrick kasama ang mga tropa nito, pumunta sila sa pwesto nila kung saan magkalapit lang sa pwesto nila Lexi. Isang kindat ang binungad ni Derrick na agad namang kinairita ni Lexi. Hindi niya trip na nagpapacute si Derrick sa kanya pero anong magagawa niya, kailangan niyang magpanggap na kinikilig.

"good morning Lexi baby!" sabi naman ni Derrick at napatingin lahat ng estudyante, sa lakas ba naman ng boses ni Derrick talagang mapapatingin sa kanila ang mga kaklase nila.

"BABY?" tanong agad ni Jhake na napatingin kay Lexi at Derrick, tawang tawa naman si Joshua sa tawagan nilang baby napakaluma na kasi at parang corny ineexpect kasi nito na mas maganda pa ang tawagan nila. pero sabi nga nila nagiging corny ang lahat pagdating sa love.

"oo baby, yun kasi ang tawagan namin ni Lexi ko e, napagusapan namin kagabi! Katext at kachat ko lang naman siya, baby ang ganda mo kagabi! :) Pero wait everyday ka namang maganda sa paningin ko e." sweet na sabi ni Derrick at kinilig na rin ang mga tao sa sinabi ni Derrick. Napairap lang si Lexi, pinipigilan niya ang sarili na mapikon sa pinagsasabi ni Rick. 

"wow Lexi, di mo sinabi samin yuun!" sabi naman ni Barbie na kilig na kilig at si Lexi naman iritang irita kaya napatayo na lamang ito at bigla namang may pumasok. At nanlaki ang mga mata niya. 

"Elmo.." mahinang sabi ni Lexi na titig na titig kay Elmo, nagbago na kasi ang itchura nito simula nung makita niya kung dati nakasuot ito ng napakalaking salamin at baduy ang suot ngayon ay mukha na siyang boy next door na kalevel lang naman ni Derrick hindi mas angat pa kay Derrick. Titig na titig ang lahat ng tao kay Elmo, ang nagpapacute na si Derrick ay ngayon di napansin dahil lahat ay titig na titig na kay Elmo.  

"omygod yan ba yung nerd na si Elmo?" puro hiyawan na ang naririnig nila galing sa mga kaklase nila, wala na silang binabangit kundi ang pangalan ni Elmo

"hehe, uhmm hello! :)" sabi ni Elmo at napatingin pa kay Lexi at nginitian pa ito, bigla namang bumilis ang tibok ni Lexi

"pare, girlfriend ko na yan e!" sabi naman ni Derrick at agad na napatingin si Elmo kay Derrick at nginitian ng nakakaloko. 

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon