Sweet Revenge.. Chapter 4

214 6 0
                                    

Chapter 4: a Simple YES will do. 

"Kabadtrip, kung di mo ko pinigilan edi sana nasapak ko na yung Elmo na yun! Anong akala niya sakin basta basta niya na lang akong gagantuhin?" inis na inis na sabi ni Derrick kahit na nakahiga pa ito sa kama at hinihintay yung nurse 

"hayaan mo na kasi Derrick. pabayaan mo na!" sabi naman ni Lexi na nakaupo sa gilid ng kama, napatingin naman si Derrick kay Lexi at napangiti ito ng nakakaloko

"bakit ka concern sakin?" tanong ni Derrick at napakunot noo naman si Lexi sa tinanong ni Derrick. 

"ang kapal ng mukha mong concern ako sayo ah! oi, nandidiri ako sa dugo that's all." sabi naman ni Lexi at napacrossed arms agad namang hinawakan ni Derrick ang kamay ni Lexi

"oi? anong ginagawa mo?" tanong ni Lexi, sinusubukan niyang hatakin ang kamay niya pero mukhang mahigpit na ang pagkakahawak ni Derrick dito

"ang lambot pala ng kamay mo!" napangiti si Derrick habang pinipisil ang kanang kamay ni Lexi

"tumigil ka nga dyan! Alam mo para kang sira. akin na nga tong kamay ko." sabi pa ni Lexi pero di pa din binibitawan ni Derrick ang kamay ng dalaga

"papano kung mainlove ka na sakin ng tuluyan?" tanong naman ni Derrick at gulat na napatingin si Lexi kay Derrick. Pano nga ba? 

"a-ano bang tanong yan Derrick? s-sure ako di ako maiinlove sayo noh, tandaan mo palabas lang toh!" sabi naman ni Lexi at binitawan na ni Derrick ang kamay ng dalaga, oo nga pala isa lamang palabas ang lahat. 

"pero papano kung tinototoo ko na ang lahat?" seryosong tanong ni Derrick na agad napaupo sa pagkakahiga at hinawakan ang balikat ni Lexi. Di naman alam ni Lexi ang gagawin naiilang siya sa tuwing tinitignan siya ng direcho sa mga mata niya

"u-uhmmm.." di alam ni Lexi ang sasabihin niya, basta ang alam niya natutunaw siya sa mga titig ni Derrick sa kanya. Bigla namang may pumasok sa clinic kaya agad napatingin silang dalawa sa taong pumasok. 

"Dude, nabalitaan namin yung nangyari sayo ah! Ano tadyakan na natin?" sabi naman ni Jhake na lumapit pa sa kaibigan, agad namang tumayo si Lexi at lumayo. 

"dude, bwisit yung nerd na yun ah! anong gusto mong gawin?" sabi naman ni Joshua na maangas ang pananalita, ayaw nilang naaagrabyado ang mga kaibigan nila lalo na si Derrick

"wag niyo na nga ipaalala." naiiritang sabi ni Derrick sa oras na naaalala niya yun, feeling niya nababawasan ang pride niya at ang pagkatao niya. Isang stupid nerd ang gumawa sa kanya ng ganito at ito siya tumutulo ang dugo sa ilong

"BOYS, ang daming BOYS! Gosh, di ko alam ang gagawin ko. Oh sige boys, tabi tabi muna. at gagamutin ko ang inyong bestfriend!" napalingon ang lahat, nandito na pala ang nurse agad tumabi ang lahat at lumapit na ang nurse kay Derrick. Matapos ang operasyon. (HAHA OA lang) 

"Pahinga ka muna for a while. :) sige boys bantayan niyo na siya, may pupuntahan lang ako!" sabi naman ng nurse at napatango ang mga tropa ni Derrick agad namang umalis ang nurse

"wow sexy ni Nurse!" sabi ni Jhake na nakatingin pa sa nurse habang naglalakad paalis, agad naman siyang binatukan ni Daniel 

"puro ka babae e, magstick to one ka nga!" sabi ni Daniel at nagtawanan na silang lahat. 

Samantalang sa may garden, napaupo si Lexi sa may tabi at pinapakiramdaman ang lakas ng hangin.   Napangiti siya habang inaalala ang ginawa ni Elmo. Naalala niya din yung araw na iniligtas siya ng kanyang prinsipe sa secret admirer kuno niya. 

"Kung sana ako pa din ang mahal mo, hindi ko sana kailangan gawin ang lahat ng ito!" sabi ni Lexi sa sarili at napatingin sa bracelet niya, ito ang binigay ni Elmo nung kaarawan niya. Ayaw niya itong suotin dahil baka makita pa ito ni Elmo at masira ang mga plano niya. 

~ flashback ~

"you will always be my one and only Lexi, ikaw lang ang mamahalin ko!" sabi ni Elmo habang nakatingin sila sa sunset.

"i love you Elmo!" mahinang sabi ni Lexi at napatingin si Elmo sa kanya at napangiti ito 

"WHAT?" naiiritang tanong ni Lexi

"you just said i love you." sabi naman ni Elmo at abot tenga ang ngiti

"NO."

"i heard you." 

"baka nahihibang ka lang dyan Elmo." 

"narinig kita e." 

"NO." 

"okey." sabi na lamang ni Elmo at napalitan ng lungkot ang kaninang mga ngiti ng binata

"malungkot ka?" tanong naman ni Lexi at napatingin lang sa kanya si Elmo at napabuntong hininga ito.

"malungkot ka talaga e!" sabi naman ni Lexi 

"eh, ilang months na kong nanliligaw sayo Lex. isang taon na din tayong magkakilala, hanggang ngayon pa din ba di mo pa din ako magawang mahalin?" tanong ni Elmo kay Lexi at napatingin lang si Lexi sa binata

"anong gusto mo?" tanong ni Lexi

"sana maging tayo na." sabi ni Elmo

"soon." 

"minsan nakakapagod din maghintay Lex. mahirap din kasing gumising na hindi na pala ikaw ang mahal ko, na napagod na ko sa kakahintay ng sagot mo." Elmo

"edi mawala." natatawa pang sabi ni Lexi, agad namang napatayo si Elmo

"what are you doing?" tanong ni Lexi

"tatalon ako." 

"WHAAT? are you crazy?" gulat na gulat na tanong ni Lexi

"Oo. i'm crazy over you!" sabi naman ni Elmo

"umupo ka na nga, alam mo pinagtitinginan ka na ng mga tao!" sabi naman ni Lexi nang makita niya na tumitingin na ang mga tao at ang iba sa kanila ay natatawa sa pinagagawa ni Elmo

"I don't care!" sabi ni Elmo

"WHAT DO YOU WANT ME TO DO?" sigaw ni Lexi

"a simple yes will do." mahinahon na sabi ni Elmo

"YES!" mahinang sabi ni Lexi

"WHAT?" tanong ni Elmo

"i just said yes." sabi ni Lexi

"I CAN'T HEAR YOU Ms. Fernandez!"

"ARGG! I SAID YES." 

"Are you angry or what?" 

"Ang kulit mo e." sabi ni Lexi at huminga siya ng malalim

"oh ano?" Elmo

"YES, YES YES ELMO! i love you, mahal na kita! kahit di ka pa nagsisimulang manligaw, mahal na kita. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA." sabi ni Lexi at napatakip siya sa bibig niya agad namang umupo si Elmo at niyakap ng mahigpit ang dalaga

"i love you too Lexi." sabi ni Elmo na di na mapigilan ang pagngiti

"i love you too Elmo." sabi ni Lexi at nginitian si Elmo

~ end of flashback ~

"I will forever love you Elmo, ikaw lang ang mahal ko!" sabi ni Lexi sa sarili at di na napigilan ang pagtulo ng mga luha niya. 

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon