<<kazUMI's Note>>
keep on reading...
basta alam kong may nagbabasa pa sa story ko,
patuloy po akong magsusulat
(^u^)
<<end>>
#3 Hello Mister Caller
<<UWIAN>>
"Aya, nakapagligpit ka na ba?" tanong sa akin ni Raven
"chotto matte kudasai" (wait a moment) medyo inis na sagot ko.
"Ano?! Ayan ka nanaman eh. Kailangan ko pa ba ng japanese-english dictionary para makausap ka?" pabiro nyang sinabi.
"Ang sabi ko, sandali lang."
BAka naman nagtataka kayo kung sino tong si Raven. Siya yung naging buddy ko dahil nga late din sya at no choice kami kundi maging magpartner.
<<FLASHBACK>>
"So, the problem has been solved!" -prof
Sobrang confused ung pagmumukha ni Raven that time. At para mabasag ang katahimikan at matapos ang pagkalito niya, nagsalita na ulit si Ma'am.
"Care to introduce yourself, Mister?"
At nagsalita na nga siya.
"I'm Raven Gomez, 17 years old. I'm from Don ********* Science High School. Hobby ko ang manuod ng anime at magbasa ng manga. If you have questions, just ask me."
"Mr. Gomez, Miss Hanayoshi, kayo ang magiging magbuddy for the whole sem. Hope you get along well. Now, take those vacant seats over there." sabay turo ni Ma'am sa dalawang bakanteng upuan sa likod at nagstart na rin sya sa kanyang introduction.
At dun na natapos ang atensyon na nakuha namin. Alam nyo naman na ayaw ko nang maraming nakatingin sa akin, yung tipong lahat ng galaw ko binabantayan. Kaya laking ginhawa ko nang pinaupo na kami.
Nang napatingin ulit ako kay Raven, nahuli ko syang nakatingin din sa akin.
TEKA!
Siya pala ung lalaki sa bus kanina!!!
<<End of Flashback>>
(Raven's POV)
Hinihintay ko si Aya sa pagliligpit ng mga gamit nya. May pinaassingment kasi ung Prof namin sa Math na by partners daw kaya eto kami, pupunta sa library. yun lang kasi yung tahimik na lugar dito.
Ah! Sya nga pala, ako nga ung lalaking nasa bus kanina. Actually, kasabay kong pumasok sa bus si Aya kanina. Medyo nauna lang ako ng kaunti kaya nakaupo pa ako.
Ako naman tong si Mr. Gentleman kaya sya na ung pianupo ko.
Umpisa pa lang, alam ko na schoolmate ko sya. Nakauniform kasi sya na pang College of Commerce << ung pambabaeng version ng uniform ko.
Bat ako naka civilian???
Naubusan kase ako ng stock ng uniform nung enrollment at ngaung pasukan palang ako makakakuha. Meron namang 1-2 weeks allowance para sa mga wala pang uniform kaya ngaun, pajaporms japorms muna ako. (--,)
NAunang bumaba ng bus si Aya kaysa sa akin. Sabay tumakbo na sya pagkalagpas ng gate.
Ako naman, pAgpasok ko ng gate, hinanap ng guard ung Reg form ko para maconfirm nga na studyante nga ako dito...

BINABASA MO ANG
Finding My Mystery Guy (ongoing)
Novela JuvenilAya Hanayoshi: half japanese, mayaman, maganda, pero anti social. May hinahanap siyang lalaki but the problem is, the clues are pointing to 4 different guys... si best friend, Mr. Popular, Childhood friend at the Gangster guy... matagpuan kaya ni Ay...