"Let's stop this Luke. Ayoko na! Nakakasawa na! Pagod na ko." nagpumiglas sya sa pagkakahawak ni Lucas sa kamay nya.
"Ako ba sa tingin mo hindi napapagod? Palagi na lang tayong nagaaway Naomi! But I will never ever give up, because I love you." Si Lucas ay ang tipo ng lalaking hindi umiiyak sa harap ng ibang tao, pero hindi sa pagkakataong ito. He's begging for her love.
"You know what I always try to understand you! But tama ka you're tired but you never give up because you love me.... does that mean I don't love you anymore, because I'm ready to gave you up?" She asked Lucas.
"Please don't say that babe, you're just mad right?" Niyakap ni Lucas si Naomi.
"No, Luke please listen to me. Ayoko na. Hindi na kita mahal. I'm sorry but let's end it here, let's break up." She let go of his hands and walk away nang hindi man lamang umiiyak.
-------------------- FEW MONTHS LATER ------------------------
"How long will you keep entering my house without my permission?" Tanong ni Lucas kay Jiro.
"Hangga't hindi mo pa pinapalitan yang passcode mo. Alam mo pare, ilang buwan ka na dito sa bahay mo nagmumukmok, pasalamat ka sa mom mo at palagi kang dinadalahan ng groceries. Ah! Yun siguro ang dahilan noh? Para sya na ang bumili ng groceries mo at para di ka na magbayad ng bills! Matalino ka talaga pre! Hindi nga lang sa pagibig hahhahaha!" pagbibiro ni Jiro kay Lucas.
"Gago! gusto mo bang dagukan kita dyan?" Sagot naman ni Lucas habang naglalaro ng video games. "Kahit mom ko ang nabili ng groceries at nagbabayad ng bills pera ko pa din ang ginagamit nyang pambayad!"
"Eh kalian mo ba kasi plano bumalik? Si Gab at si Joel nagbakasyon na rin kasi pinacancel mo yung tour." Tanong ni Jiro.
"Bukas." Matipid na sagot ni Lucas.
"Bu...bukas? as in tomorrow?" Tanong ni Jiro na gulat na gulat.
"Bingi ka ba or tanga lang talaga?" Agad naming tinawagan ni Jiro ang dalawa pang kabanda na sina Joel at Gab.
"Will you be okay though? Kaya mo na bang bumalik sa pagsusulat after ng breakup nyo Naomi?" Tanong ni Jiro.
"Kaya ko na nga ba? Paano?" Tanong ni Lucas sa sarili nya.
BINABASA MO ANG
The Last Song
RomanceWhen the person who inspires you to write a love song breaks your heart, how will you able to write another one?