Get - 1

276 5 2
                                    

Annyeong! =D Dahil Get My Idol: Operation na ang title ng book 2, si Daniel na ata yung main narrator dito. Merong POV si Kath pero mas marami na kaya Daniel like sa Plastic Fangirl: Operation na halos kay Kath lang dahil para sa kanya ang story na yon. Kekeke~

Get - 1

Nandito ako sa kwarto ko, nakahiga lang. Napagod ako sa bar kagabe. Medyo late nako nakauwi dahil umuwi ng Pilipinas si Jon kaya ayun konting shot lang.

"Nak, may pasok ka ngayon sa bar ah?" pumasok si mama sa kwarto ko tsaka inayos yung nagkalat.

"Oo ma, meron. Nagka hangover ata ako." umupo ako sa dulo ng kama at hinilot yung ulo ko "Ma, sorry. Di ko nagawa yung Get Kathryn: Ope--" nilagay ni mama yung thumb niya sa bibig ko

"Tapos na, nak. Medyo nag regret ako pero may maganda pang plano ang Panginoon sayo. I know sobrang nagsisi ka." ngumisi si mama at inilabas ang isang Elle Magazine na siya ang cover girl. Tinanggap ko iyon at tinitigan

"Salamat ma."

"Baka naman wala na sakit ng ulo mo, ge. Nandon na bagong gitara mo sa baba. Bihis ka na." nilagay ko yung magazine na Elle sa kama at nagbihis na. Bumaba akong kwarto dala ang bag ko tsaka kinuha ko yung gitara at sumakay na sa motorsiklo ko.

Pagdating ko sa bar ay dumerecho akong backstage ay kinuha ko yung mga lista ng kanta na ni-request ng fans, yung iba mahirap pero kaya pa naman. But a song caught my attention.

"Daniel, uwi nako. Ikaw na mag-entertain do'n" ang sabi ni Clark na nagmamadali. Pumunta nako sa harap ng maraming tao dala angbago kong gitara.

Maraming tumili, maraming flash ng camera, marami ang nagtatalon. Ewan ko kung ano na mukha ko ngayon.

"Good Evening. Whoah. Parang naging mas marami kayo ngayon ah. Okay, so welcome sa mga new costumers namin. Enjoy the drink and specially the song I will serve you all." nagsimula na akong mag-strum ng guitar.

Madami ng fans ang kinilig, parang dito nalang rin yung get together namin ng mga fans ko eh kasi wala na silang aabangan gabi-gabi na teleserye ko. Walang sawa na pagsuporta ang ipinapakita nila sakin.

♫ itong awiting ito ♪

♪ ay alay ko sa iyo ♫

♫ sintunado man tong mga pangako sa'yo ♪

♪ ang gusto ko lamang, kasama kang tumanda ♫

Sobra kong naalala yung ginawa ko sa kanya. Yung piggy back ride na ginawa ko sa kanya tsaka injured siya, kinantahan ko siya ng konting lyrics nito dahil may mga gangster kaming dinaanan. Hinding-hindi ko makakalimutan yun pero mas lalo kong hindi makakalimutan yung ginawa kong pang gag* sa kanya. Noong na-realize ko na gusto ko siya doon ko halos iuntog yung ulo ko. Pvtek!

♪ Sasamahan kahit kailan man ♫

♫ Mahigit kumulang, di mabilang ♪

♪ Tatlumpong araw sa isang buwan, umabot man tayo sa 3001 ♫

Kung di kita ginag* noon, Kath. Baka tayo na ngayon, yung hindi na plastikan. Baka talagang aabot pa talaga tayo hanggang 3001 kahit 3002 pa kakayanin natin.

♫ At nangangako sa'yo ♪

♪ 'Pag sinagot mo'ng Oo ♫

♫ Pinapangako sayo buong puso ko ♪

♪ Sumang-ayon ka laman ♫

♫ Kasama kang tumanda ♪

Maraming pumalakpak at kinilig. Pagkatapos kong mag strum ay yumuko ako, sobra akong nanabik sa kanya pero ang layo niya. She's so beyond my reach.

Get My Idol: Operation [PFO:Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon