CHAPTER II

21 1 0
                                    

•Jake's POV•

Natameme nalang ako sa kinatatayuan ko pagkatapos ng pangyayari.

Manyak? Ako?? Sa gwapo kong to?! Ha!

Huli na bago ko ma-realize na tinitignan na pala ko nina Ian at Kyle. Sumunod pala yung mga mokong. 

Napailing nalang ako habang tumatawa sila papalapit sa akin.

"Ano yun?!" Tanong nila.

"Pwede ba, pwede ba, wag niyo na nga gatungan." Sabi ko at naglakad na paalis dun sa kinatatayuan ko dahil nakakahiya sa mga nakarinig. Baka akala nila totoo.

Asar talaga.

"Uy sandali lang!" Sabi nila sa likod ko at humabol sakin.

"Bakit mo ba kasi hinabol yun?"

"Type mo pala yung weird and loner?"

Napatingin ako sa kanila. "Weird and loner?"

"Oo," sabi ni Ian, "Weird yun manamit saka kumilos. Tapos sabi ng ex ko loner daw yun."

Weird kumilos? So hindi pala ako mabaho. Buti naman.

"Bakit? Type mo nga?" Tanong ni Kyle bago sila naghigh-five ni Ian.

"Siraulo. Hindi ko type. Kaklase ko siya sa isang klase ko. Ibabalik ko lang sana yung wallet niya kaso ganun pa yung inabot ko."

Ngumiti ng nakakaloko si Ian, "Ganito nalang, Jake. Nagbago na isip namin ni Ian. Bakit kaya kesa kung ano anong parusa ibigay namin sayo, kaibiganin mo nalang yung babaeng yun."

"Goodluck." Tapik ni Kyle sa braso ko.

Umiling nalang ako sa mga kalokohan nila.

***
•Elisse's POV•

Tumakbo nalang ako pauwi sa bahay kahit medyo malayo dahil nawawala yung wallet ko at wala akong pamasahe. Takbo hindi lakad, dahil nagpanic ako nung may lalaking yumakap sakin kanina.

Hingal na hingal akong nakasandal sa gate pagkapasok ko ng bahay. Masyado ata akong na-shock sa nangyari kaya nahihirapan ako huminga.

"Elisse!" Gulat na sabi ng kasambahay namin. "Anong nangyari?"

"Nang..."

"Shh." Sabi niya habang inaalalayan ako papasok sa bahay. Iniupo niya ko sa sofa, "Nasan yung inhaler mo?"

Hindi na ko makapagsalita kaya tinuro ko yung kwarto ko.   Dali dali naman itong kinuha ni nanang at bumalik para sakin.

Pagkatapos ng twenty minutes, kumalma na ko. Hinaplos haplos ni nanang yung likod ko at yung buhok ko. 

"Elisse, anong nangyari? Bakit inaatake ka nanaman ng sakit mo?" Nag-aalala niyang tanong. Kilalang-kilala ako ni Nanang Thelma dahil siya na ang nagpalaki sakin simula pagkabata. Laging busy yung parents ko sa trabaho nila at halos bihira nalang umuwi ng bahay.

"May nangbastos na naman ba sayo?!" Galit niyang tanong, "May ginawa ba? Namukhaan mo ba? Sandali lang, kailangan mai-report to."

"Nang," pagpigil ko sa kanya, "wag na po. Ayos lang ako. Walang bumatos sakin... na-nabigla lang siguro ako. Satin nalang to, as usual, please."

Nagbuntong hininga nalang siya habang umiiling iling pero pumayag siya sa hiling ko.

*
*
Lumabas ako saglit sa bakuran namin para lumanghap ng sariwang hangin. Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin.

Tapos papasok na sana ako ng bahay nung napansin kong walang ilaw sa katabing bahay.

Nasan kaya yung nakitira dito? Naputulan kaya sila ng kuryente o ano?

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon