CHAPTER I

20 1 0
                                    

•Elisse's POV•

April.

Ito yung buwan na dapat nagbabakasyon ako at nagrerelax sa bahay. Panahon na dapat nagii-sketch ako o kaya nagbabasa ng libro o kumakain para tumaba, kaso kahit anong kain ko eh walang epekto. Sadya atang mabilis magprocess ang metabolism ko.

Pero ayun na nga, hanggang dapat lang ako dahil nandito ako ngayon sa school at naghahanap ng bakanteng upuan  sa room.

Hindi ko naman kasi kailangang mag-summer kung hindi dahil sa teacher na yun.

But its fine. I'd rather take a summer class than to give what he want. That manyak.

Buti nalang kinarma siya at natanggal sa school nung kumalat yung video niya with a student. Nakakaawa yung menor de edad kasi tinake advantage yung pagiging running for latin honor niya. Napilitan ata. Pero nung kumalat yung video, hindi kinaya ng girl at nagsuicide attempt. Buhay naman yung girl dahil naisugod sa ospital pero ang usap-usapan nasa mental hospital na siya. Samantalang yung manyak na teacher, nabubulok na sa kulungan.

Anyway, eto ko, bagsak dahil hindi ako pumapasok sa klase niya simula nang makita ko ang kababuyan sa mga mata niya.

Halos mukhang basahan na nga yung suot ko eh, pero nagawa pa din niya kong pagnasaan.

Linibot ng mata ko yung room hanggang sa makita ko yung dalawang bakanteng upuan sa likod. Puro babaeng magkakatropa yung naka-upo sa side na yun kaya dun ako umupo.

"Hi Elisse!" Nakangiting bati nung may kulay ang buhok. "Nice glasses."

Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng pekeng ngiti. Dahil alam kong peke din yung ngiti niya and I know she doesn't mean what she said.

Mangongopya lang yan para maipasa niya yung summer niya.

Tapos bigla silang nagtawanan sa di malamang dahilan kaya napagsabihan ng teacher na wag maingay. Pero I don't care. Malamang dahil sa suot ko, sa itsura ko.

Nakamahabang floral na palda ako at loose plain black longsleeves. Nung sinabi kong mahaba, as in 3 inches below the knee. Suot ko din yung salamin sa mata ko pero wala tong grado. Tapos naka-sneakers ako na plain white.

Sino ba naman kasing pumoporma ng ganito sa ganitong dekada kundi ako lang. Lalo na, summer ngayon pero balot na balot ako.

Eh sa dito ako komportable, pake ba nila. Di naman ako katulad nila na kung nasaan yung uso, nandun din sila. Puro sila naka-crop top, sleeveless, see through, dress na pagka-iksi iksi, tapos fitted na pantalon at mga damit.

They are revealing too much of their skin.

Nabobored na ko sa 10 minutes ko dito. Kung tutuusin hindi ko kailangan pasukan to para makapasa dahil basic lang to.

Yung bored na nararamdaman ko, nawala bigla nung may pumasok sa room at naramdaman kong may tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Isang lalaki.

Gwapo, pero wala akong pake dahil paano kung isa lang to sa libo libong manyak?

OA ba? Yun nga ang sabi nila.

Kinalma ko yung sarili ko dahil  wala naman siguro siyang gagawin dahil nasa room kami at maraming tao.

Inusog ko yung upuan ko palayo sa kanya kaya napatingin siya sakin pero di ko siya pinansin.

"Mr. Bautista." Tanong ng teacher sa harap. "May dumating bang Mr. Bautista?"

Nagtaas ng kamay yung katabi ko.

***
•Jake's POV•

"Jake! Yung consenquence mamaya!" Sigaw ng isa sa mga tropa ko habang palabas ako ng basketball court. Ang daya kasi, dapat ako yung panalo.

Late na ko dumating sa room. Ang gulo kasi ng mga ka-tropa ko eh. Binabad-influence ako, ehh good boy ako.

What the. Wala ng upuan.

Lalabas nalang sana ko pero nakita ko na may isa pa sa likod sa gilid.

Nagulat naman yung babaeng katabi ko nung napansin niya ko. Hindi ko rin alam kung bakit bigla siyang umusog palayo sakin.

Na-conscious tuloy ako bigla sa sarili ko. Nagbasketball kami saglit pangpalipas oras lang pero hindi naman ako amoy ano ah?

Tinawag ng teacher yung pangalan ko kaya nawala na yung atensyon ko sa babae.

Nung dismissal na, nagmamadaling umalis yung babaeng katabi ko. Ang weird niya. Nahulog pa niya yung wallet niya pero di niya namalayan.

"Ah-" Pinulot ko yung wallet at tatawagin sana siya kaso di ko alam yung pangalan niya. "Miss!"

"Ate!" Di pa din siya lumilingon at ang bilis niyang maglakad. Ang layo na niya. Tumigil na ko sa kakatawag dahil yung ibang mga babae yung lumilingon at medyo nakakaramdam na ko ng hiya.

Sa susunod ko na nga lang ibabalik.

Pumunta nalang ako sa madalas namin tambayan ng mga ka-tropa ko.

"Jake, ano nangyari sa mukha mo." Tanong ng isa sa mga tropa ko, si Ian.

Lumapit ako sa kanila para ipaamoy yung damit ko. "Mabaho ba ko?"

Syempre humagalpak sila sa kakatawa. At nang-asar pa.

Napakamot nalang ako sa ulo, "Seryoso nga kasi?"

"Bakit ba kasi biglaan kang nagtatanong ng ganyan." Sabi naman ni Kyle habang tumatawa.

"Pano ba naman kasi, kung maka-iwas sa akin yung nakatabi ko sa room kanina eh parang may epidemya ako."

"Paamoy nga!" Asar pa niya, "Wala naman ah!"

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko nalang at nagsisisi akong nagtanong pa ko sa kanila.

"Pero, Jake, napag-usapan na pala namin ni Kyle kung anong  papagawa namin sayo."

"Ano?"

"Pumunta ka sa-"

Naputol sa pagsasalita yung tropa ko nung bigla akong tumayo at naglakad papunta sa babaeng nakita ko. Siya yung kanina. Sigurado ako dahil natatandaan ko yung suot niya. Naglalakad siya palabas ng school.

"Miss!" Sigaw ko pero hindi siya tumitingin. Hinabol ko nalang siya kesa naman mukha akong ewan kakatawag.

Tatawid na sana siya nung biglang huminto siya sa paglalakad at parang may hinahanap sa bag. Siguro yung wallet niya na balak kong isoli.

Inayos ko yung buhok ko habang binagalan ko yung lakad ko tutal ine-expect ko na lilingon na siya at babalik sa school para hanapin yung wallet niya. Hindi ko na kailangan magmadali.

Pero diyan ka nagkakamali. Dahil nanlaki yung mata ko at napatakbo ulit nung nakita ko yung mabilis na motor na dumadaan.

Busy yung babae sa kakakalkal sa bulsa at bag niya kaya di siya alerto sa nasa paligid niya.

Adrenaline rush. Yun ata ang nangyari sakin.

Kasing bilis ng kidlat eh hinawakan ko siya sa bewang at hinatak papunta sa tabi. Napa-ikot kami parang sa mga movie, kaya mukhang yakap ko siya patalikod.

Muntik na siya dun. Tsk.

Sa bilis ng pangyayari, nagulat ako nung bigla siyang humarap sa akin at sinampal ako.

"Manyak!" Sigaw niya.

Bago pa man ako makapagreact eh tumakbo na siya palayo.

A-anong nangyari?

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon