Prologue

17 1 0
                                    


Nasa loob ako ng isang cubicle sa cr. Tahimik noong una pero biglang may narinig akong ingay na galing sa babae at mga lalaki. Nararamdaman ko na ang matinding kabog ng puso ko habang dahan dahang sumisilip sa maliit na siwang ng pinto. Lumaki ang mata ko sa gulat dahil sa nakita ko.

May isang babaeng nagpupumiglas ang pinagtatangkaang gahasain ng madaming lalaki pero hindi ko nakita ang itsura niya dahil natatakpan siya. Ang nasilip ko lang ay ang likod ng mga lalaking nakapalibot sa kanya.

Napatakip ako sa bibig ko at napa-atras sa nakita ko. Siniguradong walang ingay dahil patay ako kapag nalaman nilang may ibang tao sa cr.

Anong gagawin ko?

Patuloy na humihingi ng tulong ang babae habang nagtatawanan ang mga lalaki.

Bahala na!

Pumikit ako at kabadong kinuha ang payong sa bag ko. Siniguradong walang ingay ang maririnig. Nanginginig ang kamay ko habang nilalagay ang payong sa dibdib ko na para bang niyayakap ko ito.

Isa, dalawa, tatlo!

Binuksan ko yung pinto ng cubicle at napatingin silang lahat sa akin. Nawala ang pagkakapalibot nila sa babae. Ini-angat ko ang nakatuping matigas na payong at itinutok sa kanila. Pero imbis na hampasin sila ng payong na hawak ko, nabitawan ko ito at napako ang tingin ko sa babaeng nakatingin sakin na may nagmamakaawang mata.

Hindi pwede.

Tumingin ako sa isang lalaking naka-ngiti at makikita ang takot sa mga mata ko. Binalik ko ang tingin sa babae. Umiling ako. Namumuo ang luha sa mga mata ko at nanginginig ang buong katawan ko... nung makita ko na ang babae ay walang iba kundi ako.

"HINDIIII!" Sinigaw ko ng napakalakas habang nage-echo sa tenga ko ang tawanan ng mga lalaki.

"Elisse!" Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, "Elisse!"

Binuksan ko ang mga mata ko na punong puno ng luha at nakita si Nanang Thelma na alalang-alalang ginigising ako. Nakatulala lang ako habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko dahil sa bangungot na palaging dumadalaw sa akin. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at nanlalamig na para bang maninigas na ako. Iniupo ako ni nanang sa kama at agad niya akong binigyan ng gamot.

"Panaginip lang." Sinabi niya para kumalma ako at bakas pa din ang pag-aalala sa mukha niya habang pinupunasan niya ang pawis sa noo at sa leeg ko. Tumango ako sa kanya habang naghahabol ng hininga at hawak ang inhaler sa bibig ko.

Panaginip lang.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon