CHAPTER III

17 1 0
                                    

•Elisse's POV•

Habang papunta sa classroom, may napansin akong lalaking nakatambay sa labas ng room. Nung namukhaan ko, nagpanggap akong naka-earphone.

Sinusundan niya ko hanggang sa loob ng room pero kunyari di ko siya naririnig o nakikita.

Wag niya lang talaga ko hahawakan ulit. Di ko lang kasi talaga ma-imagine yung nangyari kahapon. Kinikilabutan ako.

Siguro kung normal na babae lang ako tatalon na ako sa kilig na feeling ko niligtas na ako ng knight in shining armor ko.

Pero hindi eh.

"Ni hindi man lang magawang lumingon sa poging tulad ko." Bulong niya pa.

Aba. Buti nalang naka-sweater ako ngayon dahil ang lakas pala ng hangin sa tabi ko.

Maya-maya pa, narinig kong nakikipagkilala siya sa nasa harap namin.

Jake?

Nung labasan na, bigla niyang tinawag yung pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya. Nadarag ata sa masamang tingin ko kaya biglang may kinuha sa bag at pinakita sakin na para bang white flag yung hawak niya.

Wallet ko!

Hinablot ko kagad yun sa kamay niya bago umalis.

"Thank you!" Narinig kong sigaw niya mula dun sa room pero tuloy tuloy lang ako paalis.

Dumaan ako saglit sa locker ko para i-check yung mga gamit. Nung isasara ko na, bumungad sakin yung mukha nung Jake kaya nagulat ako.

"Ay manyak!" Nasabi ko dahil sa gulat at humakbang ako palayo sa kanya.

"Na naman?!" Gulat niyang sinabi at napakamot sa ulo. "Kaya nga kita hinanap para sabihin sayo na hindi ako manyak."

"Sinungaling." Sabi ko at sinara ng malakas yung locker kaya napatalon siya sa tunog.

"Ganito kasi yun eh," paliwanag niya, "niligtas na nga kita pero ako pa yung masama?"

"Eh bakit mo ko hinawakan?!"

"Masasagasaan ka kung di ko gagawin yon, ang lapit na kaya nung motor."

"Sa bewang talaga?! Chancing lang yun eh. Saka ang layo layo ng sasakyan no!"

"Ang kulit naman!" Halos mabaliw na siya sa kakagulo ng buhok niya.

"O sige," nakapamaywang kong sabi, "Give me one good reason para paniwalaan kang hindi ka manyak."

Tinaas ko ang kilay ko dahil naghihintay ako ng isasagot niya.

Tignan mo wala kang masabi!

Nagulat ako nung biglang nag-iba yung pitik ng kamay niya at nilagay sa likod ng tenga niya na para bang may mahaba siyang buhok.

"Bakla ako friend." Sinabi niya gamit ang mahina pero matinis na boses.

What?

"Shhh." Sabi niya pa.

Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. "Weh?"

Parang di naman.

"Sabi mo nga kanina di ba, pogi ka?" Pinagdiinan ko ang salitang pogi at bumulong pero sinigurado kong maririnig niya pa din, "GGSS."

Ngumiti siya ng pabebe at pumadyak padyak, "He he GGSS nga! Gandang ganda sa sarili, pak!"

Speechless ako for a minute. Nakatingin lang ako habang nagb-beautiful eyes siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon