Chapter 2
"Hey, sorry. Di ko namalayan na nakahilig na pala ako sa balikat mo." aniya habang ginugusot ang kanyang mga mata.
Di niya pa siguro nakita yung mukha ko. I'm pretty sure magugulat siya.
"Okay lang yun." tumawa ako saglit "Hello Dylan" huminto siya bigla ng marinig niya yung pangalan niya, pero hindi parin siya lumilingon sa akin.
Dahan dahan siyang lumingon sa akin at nanlaki yung mga mata niya nang nakita niya na ako.
"Mads! Ikaw pala yan." sabi niya at hinagkan ako saglit.
I hugged him back. He's wearing a black hoodie, ripped jeans, and white shoes.
Dylan Ryle Melendez, Classmate ko siya simula noong Grade 7 palang kami. Naging close kami dahil high school friends din daw yung Dad ko tsaka yung Dad niya.
"Yeah, anong gagawin mo sa Bacolod?" tanong ko sakanya.
Tinanggal niya muna yung earphones bago niya ako sinagot.
"Ah bibisita lang kina lolo at lola, na miss raw kasi nila yung pinaka paborito nilang apo." tinawanan ko siya, lola and lolo's boy kasi siya. Close naman siya sa mama at papa niya pero sabi niya, nung bata pa daw siya, lolo at lola niya raw yung nag aalaga sakanya. "Ikaw ba? Summer vacation?"
"Parang ganun nga, gusto kasi ni ate. So reward na din nina Mamu at Dada sakanya, you know na, honor palagi." sagot ko naman sakanya.
Lumapit siya bigla sa akin at inamoy yung shoulder ko dahilan kung bakit nagulat ako.
"Vanilla na naman? Tatlong taon na ah. Di parin nagbago?" he smiled.
"Uhh yeah, mabango kaya yung vanilla." kinurot ko yung tagiliran niya para lumayo siya sa akin, and thankfully napalayo naman siya sa ginawa ko.
"May dala ka bang perfume diyan? Pahingi naman mamaya oh, nakalimutan ko kasi mag perfume kanina." aniya. Tinanguan ko lamang siya.
Tinutukan niya ako ng maigi bago "Uy, matchy matchy pala tayo ng clothes ngayon." tiningnan ko ulit yung sinuot ko at medyo pareha nga kami. "Or are you stalking me?" dagdag niya.
"Hindi noh, tumigil ka nga. Makasalita ka parang ang gwapo gwapo mo ah." tumawa naman ako.
Nagkulitan pa kaming dalawa at nang panay na ang pag sapak ko sakanya. Hinawakan niya yung kanang braso ko para pigilan ako.
"Uy hijo, nandito ka din pala." napalingon kaming dalawa ni Dylan kay Mamu na bigla biglang nagpakita.
"Hi po tita Mamu." nagmano siya kay Mamu. "Pupunta po akong Bacolod para bisitahin sina lolo at lola, na miss na daw kasi nila ako eh."
"Ah ganun ba, sabay nalang tayo mamaya, sabagay malapit lapit lang naman yung bahay niyo sa amin." sabi ni Mamu. "Ipapaihi ko lang tong kambal." umalis na si Mamu pagkatapos nun.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago kami nakarating sa Bacolod.
"Oy, swerte ka mabait si mamu. Lunch daw sa bahay. Bilisan mo diyan kung ayaw mong maiwan." sabi ko kay Dylan na naghihintay pa para sa kanyang maleta.
"Kahit kailan mas mahal pa talaga ako ni mamu kesa sa'yo. Tsaka, saglit lang, 'to naman nagmamadali. May humahabol ba sa'yo?" inirapan ko lang siya at nang nakita niya yung maleta, agad niyang kinuha ito.
Hanggang sa pag sakay ng taxi, si Dylan parin yung kasama ko. Pano ba naman, di raw kami kakasya sa iisang taxi lahat. Kaya he'to kami ngayon, sumusunod sa taxi na sinasakyan nina Mamu.
Kasama rin pala namin si Lexie sa taxi. Nag away raw kasi sila ni Rexie kaya ayaw niya munang makipag usap dun sa kambal niya.
Iisang van lamang ang sinasakyan nina Mamu, Dada, Ate Reina, at Rexie.
YOU ARE READING
In Case You Come Back
Teen FictionA teenager who has a crush on someone for 6 years, Madeleine Quinna T. Rivas. She spent most of her life, looking at that one boy only. Whilst, patiently waiting for her crush to like her back, the boy then went somewhere far, and hasn't returned fo...