Chapter 4
“Hello?” napahinto ako nang hindi boses ni Dylan yung narinig ko sa kabilang linya.
“Hoy! Anong ginawa mo kay Dylan ha?!” Nag panic ako kaya naman nalakasan ko yung boses ko at halos lahat ng tao dito sa salon ay tumingin sa akin.
“Hello? Uhm, sorry ako yung sumagot ng tawag. Nagbibihis pa kasi si Dylan sa kwarto niya tsaka naiwan niya dito yung cellphone niya.” Sabi ng lalake sa kabilang linya.
Yan kasi over makapag react
“Ah sige sorry. Pakisabi nalang sakanya na tapos na ako. Thank you.”
Binaba ko na agad yung tawag, sa hiya na naramdaman ko. Lumipas ang ilang minuto at sa wakas ay dumating na din si Dylan. Pagkakita niya palang sa mukha ko, tawa na siya ng tawa.
"Anong tinatawa tawa mo diyan?" tinanong ko siya pero hindi siya sumagot. "Ba't ka ba tumatawa?" tannong ko ulit sakanya.
"Wala" Umiling-iling siya. "Ayos ka na ba?"
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Oo, kanina pa. Ang tagal mo naman mag ayos. Natulog ka pa siguro kaya ka natagalan" nag kibit balikat lang siya sa akin.
May inasikaso pa si Dylan sa cashier ng salon at nang natapos na ay inaya na akong pumunta na.
Pinaharurot ni Dylan ang sasakyan patungo sa pupuntahan dahil nahihiya siya na baka daw ma late kami. Malapit lang yung venue ng pupuntahan namin kaya mabilis kaming nakarating. The venue was already filled with matured people and stuff.
"Late na ba tayo?" tanong ko sa kay Dylan.
"Nope, we're just in time. 6:00 pm yung start ng event." Hinila niya ako patungo sa isang table na may apat na tao na. "Dito ka lang muna ha, may pupuntahan lang ako." Aakma na sana siyang umalis pero hinila ko ulit yung hem ng tuxedo niya.
"Teka nga lang, sabihin mo muna sa akin kung bakit tayo nandito." umupo siya sa upuan na nasa tabi ko at nag simula na ng salita kung bakit kami nandito.
Pagkatapos nun, ay umalis muna siya kasi may kakausapin daw. Kaya pala kami nandito kasi sana yung lolo at lola daw niya yung pupunta, pero ayaw ng lolo niya kasi wala naman daw kwenta yung party party.
Inilibot ko ang mata ko sa paligid, minutes later, naiihi na ako kaya pumunta muna ako sa cr. Pagkatapos kong umihi ay humarap ako sa malaking salamin, at inayos muna ang mukha ko bago nag spray ng Vanilla na perfume sa papulsuhan, sa damit, at sa leeg ko.
"Bigla bigla ka nalang nawawala. Sabihan mo naman ako kapag may pupuntahan ka, para naman di ako malalagot kay tito" busangot ang mukha ni Dylan sa akin pagkalabas ko ng comfort room.
"Paano ako makakapagpaalam sa'yo, eh wala ka naman." hinila ko na siya pabalik sa table namin.
"Sabi ko nga, sorry na." he laughed at me and he patted my hair softly.
The program started and it went on and on. There were lots of successful people who were recognized earlier and were given something like a certificate.
It was dinner time when i decided to take of my mask, para namang hindi ka maka hinga kapag nag mamask ka. Maraming foods, masasarap lahat, pero i know my limits kaya naman di ganoon ka dami and kinuha ko.
After dinner, akala ko uwian na. Ngunit may isang musika na itinugtog, at nagsipuntahan na ang mga tao sa gitna, na kung saan nandoon ang may pinaka malaking espasyo.
"Tara, sayaw din tayo." Ani Dylan at tumawa siya, napansin ko na nag eenjoy siya sa party. Tumayo ako, ngunit hindi pa kami pumupunta sa gitna.
"Sayaw na tayo." hinigit ko siya ngunit hindi siya nagpatianod.
YOU ARE READING
In Case You Come Back
Teen FictionA teenager who has a crush on someone for 6 years, Madeleine Quinna T. Rivas. She spent most of her life, looking at that one boy only. Whilst, patiently waiting for her crush to like her back, the boy then went somewhere far, and hasn't returned fo...