5

10 0 0
                                    

Tinanghali na ako ng gising dahil sa pagod na naramdaman kahapon. Pagkababa ko, si Mamu lang tsaka ang kambal ang nakita ko sa sala. Nag lalaro ng lego ang kambal at si Mamu naman ang referee nila kasi pinag-aagawan ang mga laruan nila.

"Maddie, dito ka nga at bantayan mo ang mga kapatid mo. Kanina pa ako nase stress sa mga ito. Jusmiyo talagang mga batang 'to."
Agad kong pinuntahan sina Rexie at Lexie na naglalaban kung sino ang may mas magandang ginawa.

Pagkaupo ko, pinakita agad nila ang ginagawa nila.

"Wow naman, galing talaga ng baby brother 'tsaka baby sister ko." kinurot ko ang mga cheeks nila kasi nanggigil ako.

Bigla namang nainis ang dalawa kaya inalis nila ang kamay ko sa mga pisngi nila.

"Ate we're not babies anymore, okay? We're going to be tall just like Superman and Wonder Woman someday." ani Rexie dahilan ng pagtawa ko.

"Someday, pero as of now, you two are the babies of the family." pero parang di lang ako narinig kasi nagpatuloy na sila sa kanilang ginagawa.

May pinuntahan pala sina Dada at Ate, baka maabutan pa daw sila doon nang alas tres kaya doon nalang sila mag tatanghalian.

Kinuha ko ang cellphone ko para naman may pagkakaabalahan ako habang nagbabantay sa kambal. Binuksan ko kaagad ang aking Facebook kasi it's been weeks na rin since I last opened it.

Scroll lang ako ng scroll pero wala akong nila-like kahit isa nang nasagip ng mga mata ko ang post ni Glenn.

Litrato ng isang mata, na nakatutok ng maigi sa camera. Hindi pa man nakita ang caption at hindi pa sigurado kung babae ba o lalake yun, sumikip na agad ang dibdib ko.

'She has beautiful eyes. The kind you could get lost in, and I guess I did' ang caption ng kanyang post. Hindi pa nakuntento ay binuksan ko ang comment box at nakita ang mga hindi ko dapat nakita.

'Yieee, Aerin di na matatago, mata mo yan eh.'

'Ayon!!! Naka jackpot si Aerin.'

'Number 1 ship ko 'to!'

At dahil sa isa akong dakilang masokista eh ayun pumunta ako sa pofile ni 'Aerin'.

Dalawang taon lang ang agwat namin at mas matanda pa ako sakanya ngunit hindi mo ito mapapansin kasi ang kurba sa kanyang katawan ay kitang-kita at ang mature niya tignan sa mga litrato niya.

Dancer din siya ngunit ballet lang siguro ang sinasayaw niya. May mga litrato kasi siyang naka tutu o di kaya'y nagsasayaw sa gitna ng stage.
Bakit ganoon? Sampung taon akong nagpapapansin sakanya pero kahit ni isang araw hindi niya ako pinansin.

Bakit siya eh ilang taon palang silang magkakilala napansin niya agad? Hindi na ba talaga ako ka gusto-gusto?

"Congratulations mga anak ko!" sigaw ng aming adviser habang nangingiligid ang kanyang luha papalapit sa amin.

"Thank you Ma'am! Love ka po namin!" ani Shane.

Habang nag ddrama ang aming adviser, may kumalabit sa akin kaya napalingon ako sa likuran ko. Kung may iniinom siguro ako ngayon, naibuga ko na.

Paano ba naman, Si Tita Felicia, ang ina ni Glenn ang kumalabit sa akin. Nagmano ako kaagad sakanya para magpakita ng respeto.

May isinabit siya sa aking leeg at nang tinignan ko iyon, isa siyang garland na puno ng totoong bulaklak. Ikinulong niya akong sa kanyang bisig.

"Congrats Maddie. Salamat sa lahat ng naitulong mo kay Glenn. Hindi ko alam kung bakit parang di na kayo kagaya noong kindergarten pa kayo, pero siguro naman may rason kayo diba?" ani Tita Felicia. Mabilis naman akong tumango dahil sa kanyang tanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Case You Come BackWhere stories live. Discover now