Chapter 1
"Huy Mads, pupunta ka ba next month? Sa mini-reunion?" tanong sa akin ng bestfriend kong si Faith habang ako'y nakikinig sa homily ng pari.
"Ewan ko, di ko pa alam. Di pa rin kasi ako nakapagpaalam kina mamu at dada" sagot ko sakanya na ngumingiwi
Pinag-uusapan namin ang tungkol sa reunion na pinag planuhan ng mga kaklase namin. Private school yung pinasukan namin, kasi ayaw ng parents ko na overpopulated yung school, ganun din sakanya.
She transferred when we were both grade 4. I really think she was strict base sa kanyang mukha pero, don't judge a book by its cover nga diba, so i started talking to her 2 weeks after nung start ng pasukan. Since then, mag bestfriend na kaming dalawa.
"Kailangan mo talagang pumunta, what if uuwi siya?" aniya.
"Eh ano naman kung uuwi siya? Ayaw nga niya sa'kin diba? Ba't ko pa pipilitin?" sabay irap ko sakanya.
Pero may konti paring part sa akin na umaasa na pupunta siya.
"Edi harapin mo tas mag 'Hi' ka sakanya, tapos mag panggap kang naka move on ka na."
"Shhh, tahimik na muna. Nasa simbahan tayo oh, magagalit si Papa God sa atin." Buti nalang at nakinig din siya sa akin.
30 minutes passed at natapos din yung mass. We were walking down the streets when somebody called my name. Hindi ako lumingon kasi usually pag ganito, natatakot na ako. Pero may mga streetlights naman yung dinadaanan namin tapos kasama ko pa si Faith, and of course, Papa God, so lumingon ako.
Wala akong nakita, fear started to take up 1/4 of my system pero di ako nagpahalata sa kay Faith, lalaitin lang ako niyan eh.
"Mads, may narinig ka? Like someone calling your name?" nagtatakang tanong ni Faith.
"Wala naman" biglang naging tahimik ang aming paligid.
"Gaga, baka guni-guni ko lang yun. Bahala na, tara!" pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking mga braso na parang bata.
Nang umabot na kami sa isang kanto kung saan kami mag hihiwalay, hinagkan ko siya at hinalikan sa pisngi."Ikaw napaka walang kwenta mong kaibigan kasi nang lalait ka pero mag ingat ka parin."
"Kahit kailan napaka epal mo talaga noh? Sige na bye na." aniya at niyakap ako.
Sa tagal ng yakap namin nagsilipat na siguro yung amoy ng vanilla perfume ko sakanya. Ganyan talaga kami eh, minsan nalang kasi kami nagkikita. Naghiwalay kasi kami ng paaralan nung nasa ika-pitong baitang na kami.
Fortunately, 4 years na ang nakaraan pero we're still communicating. May mga ibang friends din naman kami pero sakanya lang talaga ako nakaka-feel ng true friendship, charot. Para kaming mga bata pag nagkikita kasi lait muna pagkatapos tumawa pagkatapos ng tawa ay yakapan na. I really missed her, kahit na nagkikita naman kami twice a week.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko nung grade 6 pa ako.
"Marie, saan ka galing? Gabi na ah."
"Ah dun lang, may sinundo." aniya sabay kindat habang yung kamay ay nasa batok. Para talaga 'tong tomboy kahit minsan eh. Tingnan mo nga yung style vans shoes, naka pedal, polo shirt na pang lalake yung design, tapos naka bun yung buhok, tinakpan pa ng nike na round cap yung buhok niya.
Well ya'll can say na judger ako, pero naramdaman ko yun ever since grade 1 kami.
"Yiee, may hinihiritan." tumawa ako "By the way, pupunta ka? Alam mo na ba? Yung tungkol sa mini-reunion?"
YOU ARE READING
In Case You Come Back
Fiksi RemajaA teenager who has a crush on someone for 6 years, Madeleine Quinna T. Rivas. She spent most of her life, looking at that one boy only. Whilst, patiently waiting for her crush to like her back, the boy then went somewhere far, and hasn't returned fo...