Girl on Mission

41.4K 621 11
                                    



"Stop pretending that we're on. 'Cause we're done," walang gatol-gatol na wika ni Kevin sa ex- girlfriend na si Bianca habang nasa isang party ng common friend nila.

Halos sila ang naging center of attraction dahil sa tagpong iyon. Parang gusto nang lumubog sa kinauupuhan si Bianca sa pagpapahiyang iyon ni Kevin.

"Damn you, assh*le!" Gilalas na mura nito dahil inis saka padabog na umalis sa kaniyang harapan.

"Dude, don't too harsh to Bianca. After all she'd been a good girlfriend to you," tapik ni Chris sa kanya matapos mag-walkout ang dating kasintahan.

Napangiti na lang si Kevin sa sinabi ng kaibigan. "You're right Dude but we're done. I don't know why she acted that we still together," giit pa rin niya rito.

Maging ito ay napangiti rin sa sinabi niya. Muling kumuha ng alak sa waiter na dumaan saka inisang lagok.

"Maybe she can't get over sa kamandag mo," pabirong wika nito sa kanya saka malakas na tumawa. Kuha naman agad ni Kevin ang ibig sabihin ng kanyang kaibigan na nakitawa na rin. "Anyways, you don't have girlfriend right now? How could a Kevin Nicholson Montealegre survive without woman in his life?"

Ngumisi si Kevin sa narinig buhat sa kaibigan. "Who said I don't have. In fact, I can have every girl I want," ngisi pa rin sa kaibigan saka tinaas ang kinuhang kopita. "Cheers for the new prospect!"

Umiling na lamang ang kaibigan saka tinaas rin ang kopita nito. "Cheers para sa bagong paiiyakin mo!" Banat nito na kinatawa naman niya.

What's new? Bianca became possessive, she left him with without any choices than to let her go. He don't want any woman acted like they we're entitled to hold him and prohibited him to what he likes to do.

***********

"Oh shit! Wala na ngang makain, lasenggero ka pang herodes ka. Paksyet!," sigaw ni Surene habang nakatunghay sa ama-amahang nakabulagta sa may pintuhan ng bahay nila. Kung pwede niya nga lang itong sipain ay ginawa na niya.

Sawang-sawa na siya sa pagiging mahirap. Tutal ay dise otso na siya ay maaari na siyang umalis sa poder ng ina at ama-amahan. Awang-awa siya sa ina ngunit kagaya niya ay matigas din ang ulo. Nagpapabilog sa ama-amahang batugan.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang ina na galing sa paglalabada. Mabilis nitong dinaluhan ang ama-amahang nakabulagta at inayos ito ng higa. Napabuntong hininga na lamang siya dahil hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin sa ina upang kumbonsehin itong iwan na ang ama-amahan.

"Inay, hindi pa ba kayo naaawa sa sarili niyo  halos maghapon na kayo nagtatrabaho maibigay lang lahat ng mangangailangan ng tiyong. Tapos ganito pa?," inis na pangaral sa ina.

"Anak, kapag nagmahal ka. Malalaman mo kung bakit ko ito ginagawa," malumanay na sagot ng ina.

Nagngalit ang panga niya sa narinig buhat sa ina.
"Nagmahal? Pagmamahal ba ang tawag diyan inay! Pagpapapakatanga, iyan ang tawag sa ginagawa mo," giit sa ina.

Ngunit wala na siyang narinig pa sa ina dahil pumasok na ito sa maliit nilang kusina. Hanggang sa narinig na lang niyang tinawag siya nito.

"Surene may pansit akong dala at kanin. Kumain ka kung nagugutom ka," anang ng ina na may dalang palanggana at bimpo upang punasan ang pinakamamahal nitong lalaki.

Napabaling baling na lang siya ng ulo saka pumasok sa silid. Nawalan na rin siya ng ganang kumain kahit kumakalam ang sikmura. Mas lalong nainis nang maalalang nabulilyaso pa ang lakad nila kanina nina manang Rosa, di sana ay nakakain na siya sa labas.

My Dominant Master(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon