Live-In as Lovers

20.7K 424 2
                                    



Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Surene kaya agad na tinanggap ang offer ng lalaki dahil iyon na ang pagkakataong pinakahihintay.

"Ah..oo..okay," tila atubiling sagot para hindi halatang atat siya sa alok nito. "Kukunin ko lang ang ga...." aniya nang putulin ng lalaki.

"No need, just take your personal belongings. Cloths? We can do shopping as soon as tomorrow," autorititive na saad nito.

Nakatungo na lang na sinunod ang utos ng lalaki matapos nitong ibigay sa kanya ang isang tarheta kung saan ang numero nito at nakasulat ang address ng condo nito. Alam na alam na niya kung nasaan iyon dahil ilang araw na rin niyang pinag-aralan ang lugar nito.

"Okay, just come to my place as soon as you want," anito saka tuluyang umalis sa harapan niya. Naiwan siyang natitigilan sa bilis ng mga pangyayari. Tutal naman ay naisugal na niya pati sarili ay lubos-lubusin na niya.

Mabilis siyang umuwi sa inuupahang kuwarto at niligpit ang ilang gamit niya. Bukas na lang siya pupunta sa condo ng lalaki para maihanda ang sarili lalong-lalo na ang puso niya na sa unang pagkikita pa lang nila ay tila nagwawala na.

'No. It can't be,' aniya sa sarili.
"Tatapusin ko ang misyon ko kapalit ng pera."  Matigas na paalala sa sarili, kapag nakuha na niya ang kabuuang bayad ay makakapag-aral na siya. Tutal naman ay ayon sa sinabi ng Don ay ganid ang lalaki at kinukuha lang daw nito ang dapat sa kaniya na ayaw ibigay ng pamangkin.

Kinabukasan ay maaga pa sa alas siyete ay nasa gusali na siya kung nasaan ang pakay. Ayon dito ay alas otso pa ang pasok nito sa opisina kaya batid na maaabutan pa niya ito dahil inagahan talaga niya ang pagpunta roon.

Samantala, nagmamadaling nagbihis si Kevin katatawag lang ang isa sa nililigawang investor para sa kompanya nila. Hiniling nitong agahan nila dahil sa jogging track sa Quirino grandstand magtatagpo at magkakape na rin upang mapag-usapan kung papayag ba ito sa lahat ng kondisyones. Medyo nainis siya ng konti dahil bigla itong tumawag upang makipagkita ng maaga rito ngunit para sa kompanya ay gagawin niya ang lahat.

Naaalala niya ang babaeng inalok niya. Napailing dahil hindi siya ganoon sa mga kababaeng naikakama niya pero iba ang babaeng iyon. Tutal ay siya ang nakauna rito ay lubos-lubusin na niya.

Alam niyang darating ito ngunit baka hindi na siya nito maabutan kaya naisip niyang iwan na lang ang susi sa conceirge para kapag dumating ito ay makapasok sa kanyang condo. Papalabas na siya nang isang mukha ang bumungad sa kanya pagkabukas ng kanyang pintuhan na nagpatigil sa kaniya.

Maging si Surene ay natigilan din nang biglang bumukas ang pintuhang balak sanang katatukin. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki na tila magdya-jogging pa.

"Ha...hi," nahihiyang bati sa rito.

"Hi," tugon naman ni Kevin nang ganap na makabawi. Hindi niya alam kung bakit tila may magneto ang babae at tila nahihipnotismo siya sa taglay na kagandahan. Marami siyang naging kasintahan, kung tutuusin ay mas maganda pa pero iba talaga ang babaeng kaharap. Pinagmasdan niya ito. Simple ngunit binubuhay nito ang libido sa katawan. Kung hindi lang talaga niya kailangang katagpuin si Mr. Henares ay hindi na siya lalabas ng condo niya.

  "Come in," alok sa babae. Alumpihit itong pumasok sa kanyang condo habang bitbit ang bag nito.

"Salamat," dinig pa niyang tipid na wika.

"Feel at home. I will be out for a early business meeting. Suit yourself," aniya saka tuluyang umalis bago pa siya tuluyang hindi umalis at saluhan ang babae sa unang araw nito sa condo niya.
            

My Dominant Master(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon