Meeting at Stag Party

22.7K 542 3
                                    



PASAY, MANILA napadpad si Surene. Dito daw kasi nakatira ang kanyang pakay, si Kevin Nicholson Montealegre. Sa isang condominium malapit sa mall of Asia arena ito nakatira ayon sa impormasyong hawak.

            Tunay ngang nakakamangha ang Manila. Naglalakihang mga gusali, iba't ibang amusement park, naglalawakang mall at higit sa lahat ay naglibanang iba't ibang uri ng tao. Sa lugar kung saan siya, walang ibang kilala kundi ang sarili kaya kailangan niyang maging matatag.

Bitbit ang kanyang maliit na bag ay umupa siya ng maliit na kuwarto sa isang paupahan malapit sa simbahan ng Baclaran. Planado na niya ang lahat ng gagawin niya. Kailangang makatotohanan ang kanilang unang pagtatagpo.

Mura lang ang upa niya kaya makakamenos pa rin siya. Kailangan niyang magtipid upang hindi mabilis maubos ang perang binigay ng Don. Nang makapasok sa silid ay agad na sumampa sa papag dahil ramdam ang pagod sa malayuang biyahe. Matigas ang papag gaya rin ng kaniyang higaan sa probensiya. Sanay na siya sa hirap kaya makakaya na niya ang lahat.

Nahiga siya pahilata at nanunood sa mga naglalarong butiki sa dingding nang medyo nakapagpahinga at naalala ang misyon Ay agad siyang napabalikwas at kinuha ang envelop na nasa bag. Muling binasa ang ilang impormasyon hinggil sa lalaking pakay.

Top investor daw ito ng Ayala Land Corporation at may-ari ng Montealegre Automobiles. The Mens magazine featured him also as one of the sought after bachelor at the age of 35. Napangiti si Surene sa nabasa. Sa huli kasi ay hindi maikakaila ang pagkahilig daw ng lalaki dahil sa halos gabi-gabing nakikita ito sa mga bars and clubs along Makati area.

Mas lalo pang lumuwang ang ngiti ni Surene nang muling masilayan ang napakaguwapong mukha ng lalaki. Hawig nga nito si Paulo Avelino. Maging ang hulma ng katawan.

            'Nakakapanlaway...' pilyang wika sa sarili saka kinindatan ang larawan ng lalaki na animo'y totoong nasa harap niya ito. Naglalaro na sa himahinasyon niya kung ano ang magiging hitsura ng lalaki kapag nakita siya nito. She will make sure na makukuha niya ang atensyon nito. Determinado siyang makuha ang kabuuhan ng usapan nila ng Don. Impormasyon lang daw naman ang kailangan nito. Madali lang iyon basta magawan niya ng paraan na makapasok sa mundo ng lalaki na hindi nito halatang set-up lamang ang lahat.

Kinabukasan maagang nagising si Surene upang mamili ng mga gamit sa Baclaran. Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay nabili rin niya ang mga damit na noon ay pinapangarap niya lamang. Walang pagsidlan ang tuwa. Matapos mamili ay agad na umuwi at excited na sinukat ang mga damit na binili. Magaganda at pawang bagay sa kanya. Lumabas ang angking kagandahan na noon ay balot lamang ng maluwang at kupasing kasuutan.

Napangiti siya nang maisuot ang isang bestida. Simple at bagay talaga sa kanya. Ganito ang damit na pinapangarap niya noon. Ngayon ay pupuntahan niya muna ang lungga ng kanyang pakay. Sa impormasyon kasi ay nakalagay kung saan nakatira at nagtatrabaho ang lalaki.

Suot ang bago niyang damit saka pinusod ang alon-along buhok ay nakangiting tinahak ang daan patungo sa office ng lalaki. Madali lang mahanap kasi along the EDSA lamang iyon. Mabilis ding nahanap ang building na nakalagay sa address na binigay ng Don. Nagmamadali siyang sumakay sa elevator ng makitang bumukas iyon. Maya-maya may grupo na sumakay rin saka may humabol pa. Bigla tuloy siyang nahiya dahil pawang naka-business suit ang mga iyon maging ang mga babae. Kaya nananatili siya sa gilid.

Ilang saglit tila bulang nawala ang mga taong kanina ay nagsusumiksik. Bigla tuloy siya nalito. Saang floor na ba siya pupunta? Isang lalaki na lamang ang kasama niya. Mukhang nagmamadali pa ito at kanina pa tingin ng tingin sa relong pambisig.

"Letse saan na ba iyon," di mapigilang turan ni Surene sa sarili. Nainis siya dahil hindi nakalagay doon kung saang floor eh singkuwenta kapalapag yata ang building na iyon sa tayog.

My Dominant Master(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon