PALABAS NA sina Kevin at Kim sa hotel sa katapat ng isang ospital upang puntahan ang kinapaparadahan ng sasakyan ng una nang may mahagip ang kanyang mga mata. Galing siya upang katagpuin ang kaibigang si Chris at hindi niya inaasahang kasama nito ang kasintahan at ang babaeng niririto nito sa kanya. Hindi na siya nakatanggi pa dahil nakakahiya naman sa babae lalo na't napakaganda nito at seksi upang tanggihan.Malapit na sila sa kinapaparadahan ng sasakyan niya sa harap ng hotel nang dumapo ang tingin sa mukha ng isang babaeng papalabas ng ospital. Ang babaeng kanina pa naglalaro sa kanyang isipan. Automatikong napakunot noo siya sa maaaring dahilan ng pagpunta nito sa ospital. May sakit ba ito? Katanungang umuukilkil sa isipan.
"Are we going?," tinig na bumasag sa kanyang kamalayan.
Naghihintay na pala si Kim sa kanya. Ngumiti siya rito saka ganap na pumihit sa kabila upang makapagmaneho na pero bago siya sumakay ay muling binalingan ang direksyon kung saan nakita ang babae ay nasumpungan na lang niyang pasakay na ito ng dyip.
Natulos sa kinatatayuan si Surene ng matunghayan ng pares ng matang matiim na nakatitig sa kanya. Hindi niya matagalan ang titig na iyon kaya ibinaling na lang sa iba ang tingin hanggang mapadapo sa magandang mukha ng kasama nito. Tila gustong tumulo ng kanyang mga mata sa nakita.
'Huwag kang iiyak. Huwag kang iiyak,' panenermon sa sarili ngunit tila bingi ang puso dahil kumikirot ito sa kabila ng pagsasabi ng utak na wala siyang nararamdaman sa lalaki.
Nang makabawi ay agad siyang pumara ng sasakyan para makauwi na. Masyado siyang nag-aalala sa naramdamang pagsusuka kaninang umaga kaya talagang napagod siya.
Mabilis ang ginawang paghatid ni Kevin sa dalagang kasama upang makauwi na. May nais malaman sa kung ano ang ginagawa ng babae sa ospital. Ni hindi na niya nagawang magpaalam ng maayos kay Kim. Sabagay, ayaw niya ring umasa ito. Ewan ba niya kung bakit tila nawalan siya ng amor sa ibang babae mula nang makilala si Surene. Napakaganda at sopistikada ni Kim ngunit wala siyang naramdaman dito.
Nang ganap na marating ang condo ay hindi na niya ginamit ang susi niya. Kumatok siya. Alam niyang maaga pa para matulog ang babae. Nakailang katok din siya bago bumukas iyon.
Padulog na si Surene sa mesa kung saan naroon ang nilutong pagkain nang may kumatok sa pintuhan. Nag-aalangan siyang buksan iyon hanggang sa patingkayad na silipin sa butas kung sino ang nasa labas. Napalunok siya ng sunod-sunod ng makita kung sino ang nasa labas. Masyadong maaga para umuwi ito. Bumilis ang pintig ng pulso at kabog ng dibdib na maaaring umuwi ito ng maaga para usisahin siya kung ano ang ginagawa sa ospital.
Mabilis na sinipat ang sarili kung maayos ba siya bago binuksan ang pintuhan. Napasinghap si Kevin nang bumukas ang pintuhan at mabulwagan buhat doon ang babaeng nakashort at t-shirt. Napakasimple nito ngunit tila may gayumang kahit anong ayos nito ay napakaganda pa rin sa paningin niya.
"Ha..hi! Maagaka yata?" Nahihiyang wika ni Surene sa kararating na lalaki.
Hindi pa man ganap na nakakapasok si Kevin ay tinanong na niya ang dalaga kung bakit ito nasa ospital. Nakitang umilap ang mga mata nito.
'Shit!,' bulong sa sarili sa isang bagay na hindi niya napaghandaan. Baka kasi nabuntis niya ang babae dahil hindi siya gumagamit ng proteksyon kapag kasiping ito pero maingat naman siya.
Kahit alam na niyang uusisahin siya nito ay nabigla pa rin si Surene. Maging siya man din ay kinabahan ng magduduwal siya kaninang umaga. Ang buong akala niya ay buntis na siya kaya agad na kumunsulta. Masyadong maaga para magbuntis lalo na at paigting ng paigting ang pressure buhat sa don at sa kaibigan. Wala pa siyang nakukuha o nalalaman patungkol sa misyon niya sa lalaki.
BINABASA MO ANG
My Dominant Master(Completed)
RomanceKevin Nicholson Montealegre, a certified multi-millionaire and a certified playboy as well. He live a life in fame, luxury and he's a real hunk. Mostly, he's still a bachelor at the age of 35 and has no plan to marry yet 'cause he hates responsibili...