Chapter 10

147 8 5
                                    

GWEN'S POV

Haaaaaaays, Friday nanaman! P.E nanaman, wooooh!!! kaso wala pa si maam, yung totoo??!

Oo, Friday na, andito ako sa classroom ngayon. Andami pang wala eh mag si-six o'clock na. -___-

Mark: Uy beki, nakita mo sila JC?

Gwen: Inaano kita? Btw, andun sa court kasama sila Clarence, nagbabasketball ata.

Mark: Basta talaga si JC alam mo kung nasaan eh no? Sige salamat!

Gwen: Gags!! Ge.

Nanonood lang ako dun sa phone ko ng mga videos, mga throwback naming Grade 5, ng biglang may nagmamadaling pumasok tas dumaan sa harap ko. Natawa naman ako bigla.. Si Yuuqi pala yung dumaan HAHAHA!

Yuuqi: Problema mo? 

Ako: Wala! Pampa-GV yang mukha mo eh.

Yuuqi: Gags! Trip mo nanaman ako? Maglinis nga tayo dun sa court!

Ako: HAHAHAHAHA! Hindi joke lang, natawa kasi ako dito sa video. Tapos na kami maglinis, late ka kasi eh.

Yuuqi: Ah okay.

Nang biglang may mga nag "BOOOOOOOOOM!" sa labas. Pagkatingin, may pinagkakaguluhan sila dun pero di ko maaninang kung sino.

Pero parang si......

REYNIELYN??

Lumabas na ko, at naki-chismiss sa kanila. Oo nga si Reynielyn nga, bumagsak.. Anyare dito?

Ako: Uy Henna! Ano nangyari?

Henna: Ayun, kasi biglang tumatakbo pagkapasa ni JC kay Clarence ng bola medyo nadulas sa kamay ni Clarence eh si Reynielyn dun tumakbo sa side ni Clarence, ayan supalpal kay Reynielyn ang bola.

Ako: Boom! Hala ka Clarence!!!

Agad namang tinulungan ni Clarence si Reynielyn na tumayo. Ganun din tong sila Henna at Rei.

Clarence: Uy sorry ha! Bigla-bigla ka kasing tumatakbo eh. Ingat ka sa susunod. Sorry ha.

Reynielyn: Ok lang yun, tatanga tanga rin kasi ako eh.

Clarence: Dun ka muna sa may bench, umupo ka muna saglit.

Kaya yun dinala na namin si Reynielyn sa may bench, nagkwentuhan nalang kami. Nung bumalik ako ng room kakadating lang ni Denyse, at.... WALA PARIN SI MAAM. 

DENYSE'S POV

Pagkadaan ko sa may bandang court, may pinagkakaguluhan eh pagpasok ko naman sa room, wala namang tao. Nung lalabas na sana ako, biglang pumasok si Gwen.

Gwen: Uy andyan ka na pala! Andun kami lahat sa labas, labas ka na din.

Ako: Anong nangyari kanina, bat parang may pinagkakaguluhan kayo?

Gwen: Ayun, na three points si Reynielyn sa ulo, natumba. Pero ok naman na sya.

Ako: HAHAHAHA, ahh sgesge.

Pagkalabas na pagkalabas ko, agad kong naaninag ng mukha ni JC. Ang wet look ni JC. o.O Sobrang cute talaga nya kahit may pagkabansot siya. Nung andun nako nakaupo kasama sila Henna, napatulala ako kay JC. Grabe talaga, bakit ganun ang impact nya sakin?

Sweetness Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon