Chapter 14 (VALETINE'S DAY)

125 5 6
                                    

CLARENCE'S POV

Papunta na kaming school ni JC, kasabay ko kasi to. Pagtingin namin sa orasan, 5:30 na. Ang aga pa, pero may plano kasi kami nitong si JC. Pati sila Kervin alam ang tungkol dito at alam kong makikijoin sila dito mamaya.

Pagdating namin ng school andun na lahat ng kaklase namin except kay Reynielyn. Bigla namang napadaan si Maam.

Maam Emily: Oh. Bakit ang aga niyo? 7 pa ang pasukan ah.

Nagsitinginan naman kaming lahat. At ako na ang nagexplain kay Maam.

Nung una di pa magets ni Maam, pero maya-maya nagets nya nadin. At ganun din ang ibang teachers dahil sinabihan sila ni Maam. May something kasing isisingit sa program mamaya at yun ang magsasalita kami ni JC. Nung una, dapat kami lang ni JC. Pero dahil sa tama ang hinala kong makikijoin dito si Kervin, tatlo na kami.

Habang naghihintay lang kami at nakausap ko naman na ang mga magiging extra ko mamaya. Hahahaha! Unang magsasalita saaming tatlo si Kervin, sunod si JC at sunod Ako. Ako ang pinakahuli kasi ako ung may pinakamaraming ibibigay. Ang magiging extra ko, si Henna dahil ito ang best of bestfriend nya, sunod si Rei, Denyse. At dahil may letters pa o maraming chervalu sinama ko si Keziah, Sofia, Ayne, Lucy, Beryl, Helean, Ate Xyrille, Arianne. Kahit si Patricia hindi alam ang tungkol dito. At di ko na siya sinama dahil alam kong may surprise din si someone nya sakanya.

Lumipas ang mga oras, at pagtingin namin sa orasan, 6:45 na. Kaya eto nag aantay nalang kami sa room.

Maya-maya naman bigla ng dumating si Reynielyn, at nakatingin silang lahat sakanya. Ako naman kunwari walang nakita at kinakausap ko lang si JC at Kevin. Maski sila Sydney, kasabwat ko dito. As in lahat talaga kami magkakasabwat,

"Ang aga niyo ata, kumpleto tayong lahat agad" narinig kong sinabi nya yan. At sumagot lang si Denyse ng "Eh wala eh." sabay tingin sakin at ngiti.

Pagkatringin ko sa orasan 7:20 na, at pinalabas na kami ni maam. Dahil exact 7:30 magsisimula na ang program. Tanging Grade 11 at 12 lang ang magproprogram dito. Dahil hiwalay ang program ng Grade 7-10.  Kaya halos kaming lahat dito magkakakilala.

Maya-maya pa nagsimula na ang program, keso ganito keso ganyan, daming dada ng teachers. Tapos may mga nagperform din, may sumayaw, may kumanta, may nag act. After naman ng bawat performances nagsi palakpakan naman kami., Lalo na nung sumayaw yung representative ng room namin. Sina Reynielyn, Henna, Rei, Edryl, Kim, Mariel, at si Gwen. Odiba all girls 1 boy. HAHAHA joke.

At bigla ng nagsalita ung adviser namin.

"Okay, now pakinggan natin ang speech ng tatlong lalaking ito. Echos. Hindi, ganito kasi yun, meron sila crush na classmate nila. At ngayon Valentine's Day, gusto nilang magbigay ng munting regalo sakanila. Osiya masyado akong maraming dada, please come here now Kervin Candelaria, JC Canete, at Clarence Sante."

Pagkatapos nun umakyat na kami.

Nagspeech na si Kervin at binigay na kay Jastyne ang regalo nya. Ferrero at isang Teddy Bear. Sumunod si JC, masyadong natutok ang lahat kay JC dahil wala silang kaalam-alam dito.

"Di ko siya crush, di ko rin siya kaano-ano. Kaibigan ko siya, at sya ang lagi kong kakulitan. Lagi ko siyang nakakaasaran at nakakakilitian. Siya rin katawanan ko na babae madalas." - JC

Nagsi-EHEM naman ang mga kaklase namin sabay tingin kay Denyse.

"Denyse, gusto ko sana ibigay to sayo." - JC. Tinulak naman ng mga kaklase namin si Denyse at pumunta na si Denyse sa stage. Binigyan siya ni JC ng ferrero at isang rose.

Now, it's my turn.

"Ehem ehem, haha. Siguro naman lahat kayo, I mean halos lahat kayo kilala kung sino pagbibigyan ko at kung sino lang ang crush. Oo aaminin ko, nag away na din kami. Madalas mataas ang pride ko, pero kahit ganun siya parin ang nag-sosorry at nagbababa ng loob nya. Minsan nga naguiguilty ako, kasi napansin ko nalang na siya nalang lagi ang nagsosorry at nag-aadjust para sakin. Pero kahit nakailang away na kami, di parin nabubuwag ang sinasabi nilang CLARELYN." lumabas naman sila Keziah, Sofia, Ayne, Lucy, Beryl, Helean, Ate Xyrille, Arianne, at sila ang may hawak ng bawat letters sa CLARIELYN.

"Ang swerte ko sakanya, at sabi nga nila ang swerte nya din daw saakin. Siya lang ang crush ko, at sya lang pinakamaganda sa lahat ng babae para saakin. Reynielyn, gusto ko sanang ibigay ito sayo." nag-snap ako. At lumabas si Henna, Rei at Denyse. Dala-dala nila yung Ferrero, Flower na candy atsaka Toblerone. Pumunta naman na si Reynielyn sa stage at binigay ko na sakanya.

Napatingin naman ako sakanya, habang sya naiinitan na namumula. Bigla naman syang bumulong sakin at nagsi ayiieee lahat ng Grade 11 at 12.

"thankyou Clarence, nasa bag mo yung akin, salamat sa lahat ng effort." - yan ang binulong nya sakin. 

At bigla naman syang tinulak ni Lucy, pasimpleng tulak parang ganun, dahilan ng muntik na pagbagsak ni Reynielyn, pero napahawak sya sakin at inalalayan ko siya. 

Napatingin sya saakin, at ganun din ako sakanya. Nagtama ang mga mata namin, at ilang segundo siguro kaming ganun. Nung bigla kaming natauhan tumayo narin kami sa isa't isa ng maayos. At ang sigaw lahat ng mga nanonood "Ayiiieeee" at yung mga teachers naman napapangiti saamin. 

Nag-thankyou speech narin si Reynielyn. At pagkatapos nun nagsibalik na kami sa room para sa kainan. By group and mga nagdala ng pagkain. May Carbonara, Grahams (Mango Float), Icecream, Fried Chicken at Hotdogs. Kumain na kami.

At naalala ko yung binulong nya sakin na nasa bag ko daw ung regalo nya. Siguro nilagay nya to nung lumabas na ang lahat, at nagpahuli sila ni Henna. Tinignan ko yun at relo ang niregalo niya saakin. Susuotin ko to lagi at iingatan.

Pagkatapos namin magkainan may mga naglantad na din ng mga may crush samin dyan, HAHA. Nung una asaran lang pero umamin din sila. Yung iba wala naman daw talaga.

Pagkatapos ng kainan namin sa room, umuwi narin kami. Nagkanya-kanyang uwi kami. Kami ni JC sabay ulit kaming uuwi. Yung iba may mga service. Yung iba naman gagala pa daw, pupunta daw sila ng Trinoma ang pagkakarinig ko. Kasama si Reynielyn doon sa mag tatrinoma. Kaya naman nung pauwi na kami nagpaalam na ko sakanya.

"Babye! Ingat! :)"

"Babyeee! Ingat din, salamat! :)"

Ganun din tong si JC, at nagharutan pa bago umuwi. Nagpaalam narin sila sa isa't isa dahil kasama si Denyse sa pupunta ng Trinoma.

REYNIELYN'S POV

Papunta kaming Trinoma ngayon, kasama ko si Sis, Rei, Denyse, Keziah, Lucy, Jastyne, Kim, Allen, Mariel, Mark, Patricia, Ayne, Sofia, Helean, Jarod, Kervin. Yung iba kasi umuwi na dahil yung iba bawal, yung iba naman may pupuntahan. Kaya kami-kami nalang.

Nagpaalam na ako kay Clarence at ganun din sya kasi uuwi na sila ni JC. Ganun din tong si JC kay Denyse kaya naman to si Denyse, tinalo pa ang kamatis sa sobrang pula.

Nagsaya lang kami, naggala, naglaro, nagtawanan, kumain at iba pa. Marami samin ang uuwi ng probinsya pagkatapos ng Graduation Day namin kaya naman sinusulit na namin ang lahat ng to.

Umuwi kami ng mag se-7pm na. Sabay sabay na kaming nagsiuwi. Pero ang pinakamatagal ko nakasabay si Sis, malapit lang kasi siya saamin kaya naman sabay na kami.

Pagkahatid ko kay Sis, umuwi na din ako, at ipinakita kila mama yung mga binigay ni Clarence. Inasar pa nila ako. Kumain na din ako, nagpahinga at natulog. Katext ko si Clarence nung mga time na yun, pero nakatulog na ako. Pagkatapos nun wala na kong maalala at nakita ko nalang paggising ko na nasa sahig na yung cellphone ko nahulog ata.

Di parin mawala sa isip ko lahat ng efforts na ginawa nya.

Sa simpleng tingin na sa tingin ko walang hanggan.

Sweetness Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon