Chapter 16 - Graduation Day

151 4 9
                                    

HENNA'S POV

Im up! 6:30 am palang, 4:00 pm ang start ng Graduation pero dapat 3:00 pm palang andun na kami kasi saktong 3:30 pm mag mamarch na kami papasok ng court.

This is the day, yung araw na magkakahiwa-hiwalay na kami. Hays.

Pamaya-maya pupunta na si Sis dito. Kaya maaga ako gumising kasi kailangan kong maligo ng maaga para makapagpatuyo pa ako ng buhok. Kukulutin kasi kami ng tita ko.  Kami ni sis.

Naligo na ako, at nagbihis muna ng pambahay, nanood nalang ako habang pinapatuyo ko yung buhok ko.

Maya-maya, bigla ng duamting si sis, siguro mga 8:30 am. Andyan na siya. Okay, ang harot nanaman nito. HAHA. Pero mamimiss ko tong babaeng to huehue.

Hinanda na namin lahat ng kakailanganin, yung hairspray tas ung curler. Malaking curler binili namin kasi parehas makapal buhok namin atsaka para tumagal din. Pero before that, lumamon muna kami. Para daw di kami magutom mamaya, hahaha. Well, totoo naman. Nasabi kasing bawal daw kumain sa kalagitnaan ng Graduation, pero pwede namang uminom. Ilagay mo nga lang dapat ung tubig mo sa palda mo, dat maliit lang para magkasya sa pocket ng palda namin.

Lamon, lamon, lamon, lamon, lamon, walang katapusan na lamon. XD

"Mga matatakaw, bilisan niyo na dyan anong oras na" sabi ni Tita. Tumawa naman si mama.

Napatingin ako sa orasan, oo nga 12:00 na. HAHAHA, nakailang kanin kasi kami kaya ayan.

After ng kain namin, ayun busog na busog kami at sinimulan na ni Tita ang pagkukulot sa buhok namin. Nauna muna ako, sunod nalang daw si Sis, ang kapal kasi ng buhok eh. Pero kahit ganun straight na straight ang buhok niya, parang akin, o'diba haba ng haaaaair.

Maya-maya pa mga siguro 1:45 pm mga ganun, natapos na ko, nag half bath ako atsaka nagbihis na ko. Si Sis naman ang kinukulot ngayon. Si Mama naman pinaligo ko na din, matagal din kasi magbihis yun.

Pamaya-maya tapos narin si Sis, mga 3:00 siguro siya natapos, nag half bath na sya kaagad, binilisan nya na ang pagkilos. Tapos na rin si Mama, nag papamake-up nalang ng onti. Minake up-an din kami ng Ate. Pero light lang. Syempre diba, 'simplicity is beauty' nga sabi nila.

Pagkatapos ni Sis, pumunta na kami agad ng school, nagpahatid na agad kami ng driver namin sa La Ruiza University. Sabi naman kasi ng Mama at Papa ni Sis, pupunta nalang raw sila ng school.

Ang kasamang magmamarch ni Sis is si Tita (Mama niya) At ang kuya, lola at papa naman niya, doon sa gilid. Sila ang photographer haha! Kami naman photographer namin si Ate pati ang boyfriend niya. Sila Tita at pinsan ko, susunod nalang rin daw.

Maya-maya pa andito na kami ng school, pagpasok namin pumunta kami agad dun sa panggagalingan namin sa march. Andun na yung Mama ni Reynielyn. Nagbeso sila ni Mama at pagdating na pagdating palang namin may mga nagpapicture agad.

At syempre nagpicture picture nadin kami. Bigla naman nagrequest Mama ni Marc, kasi andun kami sa bandang dulo at andun sila.

"Oh Henna, picture naman kayo. Sama kayo ni Reynielyn dito." - Tita Precy. Mama ni Marc. Maya-maya pa nagpicture na kami, pero inarrange pa kami.

Bali ganito ang pwesto. Marc-AkoHelean-Kervin-Clara-Reynielyn-Clarence-JC-Denyse.

1...2...3 Click. Picture pa, ganito ganyan. Andito palang kami sa pwesto ng pagmumulan namin ang dami na naming pictures.

Maya-maya nagsimula na ang program at nag march na rin kami. Medyo magkalayo kami ni Sis. Pero dahil mula last section papunta sa Section SSES, which is Section namin ang pagtatawag ng pangalan para sa pag rerecive ng diploma, so ayun ang picturan nanaman kami. Naglabasan ang mga cellphone, yung iba hiniram yung DSLR at mga Digital Cam nila.

Sweetness Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon