Chapter 20

123 3 0
                                    

(a/n): Hi guyth! Sorry sa duper duper late update! Dami kasing gawain sa school eh haha. Thankyou sa mga patuloy na nagbabasaaa! More votes and comments po :3 Here's the update.

REYNIELYN'S POV

Hay, ilang linggo narin kaming walang communication. Nagpapakabitter man ako minsan, pero aaminin ko sa bawat pag gising at bawat may mag ba-vibrate sa phone ko, umaasa ako siya yun. Pero ano nangyari? HINDI NAMAN SIYA. 

Tumatawa man ako sa araw-araw pero sa kaloob-looban may tinatago naman.

Mamaya, mag eenroll na kami. Kasama ko si mama, pati narin ung mga iba kong kaklase na nakapasa din sa UPCAT. Computer Engineering ang kukunin ko, kasama ko si Gwen, Rei, Sis. Yung iba, ibang course ang kukunin. May HRM, BSIT at kung anu-ano.

Well, goodluck nalang sa college life namin! Sabog nanaman kami nito.

-

SCHOOL

"Reeeeeeeyyn!"

"Kumusta naaaaa?"

"Ang liit mo padin doraaaaaa!!"

"Sabog ka pa din!!"

Ang bongga nila ano po? Andito na kami sa school ngayon. Kasama ko na ung mga kasamahan kong magtatake ng Computer Engineering na course.

Maya-maya pa man eh napansin namin wala si Gwen, napatingin kami sa likod may kausap siyang lalaki. Pero nakatalikod yung lalaki samin. Sino ba yun? Tsk.

Well, I don't care. Kwentuhan lang kami ng kung anu-ano.

"Girl!" bigla naman akong hinila no Gwen, echusera talaga to.

"Problema mo?" nakakainis kasi ang sakit kaya ng pagkahila nya.

"Girl, andito si Clarence, siya yung kausap ko kanina!"

H-ha? Laglag panga ako sa narinig ko.

"H-ha? Utut mu."

"Oo nga!"

Maya-maya pa may biglang kumalabit sa likod ko. Pagkaharap na pagkaharap ko,

CLARENCE?! Huhu, naman eh. Di ko nanaman mapigilan ung luha ko.

"Hello!" habang hawak nya padin yung balikat ko. Nakatingin naman sakin sila Sis, Rei at Gwen. Halata na rin siguro nila yung pagpipigil ko ng luha.

"H-hi!"

"Pwede ba tayo mag usap?" kinakabahan ako. Tsk.

"Tungkol saan?" this time, hindi ko na napigilan ang luha ko. Ayun, tumulo nanaman siya, tutal sila mama eh andun sa register kami kami lang magkakaklase ang andito ngayon. Nagulat silang lahat sa bigla kong pag iyak.

Sweetness Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon