Chapter 27 - Zylie

4.3K 57 4
                                    

(Zylie's POV)

After our emotional conversation, Silver brought me to a fine Mooncake Restaurant.

"Bilog kasi." Sabi niya bago tinanggal ang seatbelt.

Tsk. Nakuha pang mang-asar ng lalaki na ito. Kinalas ko na din ang seatbelt ko at sabay kaming lumabas ng kotse. Kumapit ako sa braso niya habang naglalakad papunta sa entrance ng restaurant.

Alam kong madami pa kaming pagdadaanan, pero hindi ako binibigo ni Silver, kahit pareho kaming busy, gumagawa pa din siya ng paraan para sa akin.

Pagdating namin sa pinareserved nyang table, lumapit agad sa amin ang waiter at kinuha ang orders namin. 

"Mahal, may sasabihin pala ako-

"Ano yun?" Tiningnan ko siya.

"May medical mission kami sa Mountain Province next week, and one week yun. Sinama kami ng head namin to experience it and learn at the same time. Pumayag na si Mommy, she already signed the consent letter and some stuff." Paliwanag niya sa akin.

Tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko. Naka uniporme pa din siya ng pang intern. Ang gwapo gwapo niyang tingnan. Tama ako na tama ang desisyon niyang maging doktor. Sigurado akong madaming pasyente nito ang magkakagusto sakanya.

"Ganun ba? Hindi kaya mahina signal dun? I need to check on you-

"Okay naman siguro ang signal dun, pero I can't use my cellphone or laptop most of the time, but I'll contact you whenever it's our free time okay?" Sabi niya at biglang hinawakan ang kanang kamay ko.

"Okay Mahal. One week yun diba? Ngayon pa lang po, namimiss na kita." Hindi ko maiwasang di malungkot. Ang tagal kasi ng 1 week para sa akin, o OA lang talaga ako? Hehe.

"Ikaw talaga, sandali lang yun okay? Sana pagbalik ko, pumayag ka ng pakasalan ako." Seryoso niyang sabi.

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon