Chapter 61 - Silver

3.3K 63 10
                                    

(Silver's POV)

Oo, nasabi ko ng hindi pinag-isipan ang pagmamahal na mayroon pa rin ako para kay Zylie.

Mali. Dahil may mga nagmamahal sa amin na masasaktan sa sitwasyon. Kita ko sa mga titig niya kanina ang pagmamahal na alam kong sa akin lang niya ibinigay at ibibigay hanggang sa huli.

Naiwan ako dito sa parking lot habang hinila palayo ni Nico si Zylie. Gusto ko silang habulin para kunin at bawiin ang taong ako ang mahal talaga. Gusto kong bawiin siya at ipakita sakanya na may mga pagkakamali ako kaya kami nagkahiwalay. Alam kong galit siya dahil hindi ko nakuhang pakinggan lahat ng paliwanag niya.

Fuck! At hinampas ko ang van sa gilid ko. Ininda ko ang sakit dulo nito dahil wala pa ito kumpara sa sakit na naramdaman ni Zylie sa nangyari sa aming dalawa.

Oo nagawa niya akong lokohin. Pero hindi naman ako sigurado kung sinadya ba nya yun o aksidente? Kung inedit ba yung yung video at sinakto sa tagpong hinalikan ni Bilog si Nico? At kung sino ang tao sa likod ng lahat ng ito?

Sinuntok ko pa ulit ang van at nagdudugo na ang kanang kamay ko.

"S-silver."

Napalingon ako sa boses na iyon at nakita ang umiiyak na si Bilog.

God. I can't stand this situation. Ayaw ko na siya makita pang umiiyak.

Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at gumanti ng yakap sa kanya.

Babalik na ba siya sa akin?

Anong ibig sabihin nito?

At bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tumingala para tingnan ako sa mga mata ko.

Eto ang tagpo, sitwasyon at pakiramdam na alam kong kay Bilog ko lang mararamdaman. Eto ang kaligayahan na hindi mapapalitan ng kahit ano maski pera o tao o kahit si Cleo.

Bigla siyang yumuko at nag-umpisang humikbi at bigla bigla ay pinagsusuntok ako sa dibdib. 

Pinigilan ko ang mga kamay niya at masuyo itong hinagkan. Ramdam ko ang panghihina niya.

"You're such a bastard!" Mahina niyang bulong.

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon