Chapter 44 - Silver

3.4K 47 10
                                    

A/N: Heads up lang guys, the next updates will make you angry, irritated and the likes. Haha. But then, thanks pa din po sa pag-support, alam ko namang namimiss niyo na ang lambingan moments ng #Zylver. But since fan fiction ito, ako ang boss sa flow at plot ng story na to. Hahaha! Chill lang kayo ha. Basta nagpasabi na ako na yung mga susunod na updates mas magpapainit ng ulo niyo. :D

Guys, support my other story, yung "Body For Hire" ha. Check my profile and you'll see it. Yun na tututukan ko after nitong RNK Fan Fic. Salamat. :)

Hey MaricarMitra! This time sayo naman nakadedicate chapter na to. ♥ :*

********************************************************************************************************************************************************************

(Silver's POV)

Nagising na lang ako na nakadapa ako sa kama ko. Medyo masakit ulo ko at nauuhaw. Agad akong bumangon at lumapit sa ref para kumuha ng tubig.

Nakita ko si Cleo na nakahiga at mahimbing pa din na natutulog. Napatingin ako sa relo ko, alas kwatro pa lang ng madaling araw. Mayang 7 pa naman alis namin papunta sa lugar kung saan gagawin ang medical mission. Pangalawang araw na namin dito.

Napailing ako pagkatapos kong lumagok sa baso ng malamig na tubig. Hindi talaga ako manginginom kahit pa wine lang yan. Umupo ako sa gilid ng kama ni Cleo at hinaplos ang mukha niya.

Napabuntong hininga ako.

Alam kong mali, but we made love last night. Dalawang beses. Nadala ako ng pagkakataon at hindi ko maitatanggi na gusto ko yung nangyari. Naisip ko si Bilog. Alam kong mas malala pa ito sa nagawa niyang panloloko sa akin pero diba break naman na kami? Pero bakit ngayon ay sinisigaw ng isipan ko na mali ang ginawa ko?

At ang nakakatakot pa ngayon ay ang posibilidad na mabuntis ko si Cleo. Dito sa kama niya namin ginawa ang pagniniig na iyon.

Yes, she's not a virgin anymore. Nakakapagtaka pero hindi ko na lang iyon pinansin. At unti unti ng sumasakop sa pagiisip ko ang consequences ng ginawa namin. Ayaw kong magsisi, hindi ako natatakot sa kalalabasan. Pero habang sumasagi sa isip ko si Bilog magmula ng magising ako, hindi ko maiwasan na matakot. Yung kaisipan na wala ng rason para ipagpatuloy pa ang relasyon naming dalawa. Mahal ko pa din si Bilog, pero nakagawa ako ng isang bagay na alam kong magiging dahilan niya para hiwalayan na ako o iwanan ng tuluyan.

"Hmmmm." Gumalaw si Cleo at bahagyang nalilis ang lingerie na suot niya. Inayos ko iyon at tumabi sakanya at niyakap siya. Pinadausdos ko ang kamay ko sa bewang niya. Mahimbing pa din ang tulog niya. Inamoy ko siya sa batok niya. Ang bango pa din niya.

Reyna Ng Kamalasan by MakabagongBabae [Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon