AKO'Y PAG AARI MO
Written By: Lorgee Rhy
Naka uwi na ng bahay si Angelica ngunit nasa isip parin nya ang nangyari sa kanya at sa lalaking tumulong sa kanya.
"Sayang di manlang ako nakapag pasalamat,makikita ko pa kaya sya?" tanung n'ya sa sarili.
"Iha ang sabi ni mang Domeng hinihintay ka ny'a sa school ny'o ngunit wala ka di ka naman daw n'ya makontak" pahayag ng ama n'yang si Don Robert.
"Eh kasi po pa biglaan po eh bumili kami ng friend ko ng gagamitin namin sa gagawin naming project," pag sisinungaling ng anak.
"Kinontak nyo sana sya para di sya nag hintay dun."dagdag ng don.
"Na lowbat po ako pa k'ya di ko po natawagan si mang Domeng"
"Oh sya sige umakyat kana at mag pahinga mamaya tatawagin ka ng yaya mo para kumain" sabi pa nito.
Yaya at ama nalang ang meron sya pagkat patay na ang kanyang ina mula ng 10 taon pa lamang s'ya at di na nag asawa ang kanyang ama.
Samantala kausap naman ni Alfred ang anak ng driver nilang si Ron..
"Mula ngaun hindi mo na ako tatawaging senyorito, dahil parehas na tayo ngayon, mag tratrabaho narin ako sa Mack burger dyan sa harap ng U.P"
"panu po nangyari yon senyorito"
"Diba sabi ko wag mo na akong tatawaging senyorito,wag ka mag alala pinayagan na ako ng parents ko for 1 year."sabi ng huli.
"sigurado ako seny---Alfred pala, na may kapalit un kya pinayagan ka?" tanong nito.
"oo naman parang di mo kilala si dady, s'ya nga pala dapat walang makaalam kung sinu ako."
" ok sige kung yan ang gusto mo." tugon nman ng huli.
Sa opisina naman masinsinang nag uusap ang dalawang Don.
" Kumpadre, mas suhestyon ako sayo para lalung tumibay ang samahan ng kumpanya natin at magiging mabili tayo sa mag imvestor." sabi ni Don Lucio.
"Anu naman yon kumpadre?" tanung naman ng isa.
'Ipakasal natin ang anak ko at ang dalaga mo," ika ni Don Lucio.
Napaisip naman ng malalim si Don Robert.
"Ngunit gragraduate palang nitong taon na ito ang dalaga ko kumpadre!" wika naman ng isa..
"No problem kumpadre dahil pag ka graduate ng anak mo, tapos nadin ang kalokohan ng anak ko"
"Kung yan ang ikakabuti ng kumpanya natin kumpadre sige payag ako, ngunit pumayag kya ang mga bata?" tanung nito.
"Walang magiging problema sa binata ko padre dahil susunod s'ya sa gusto ko' nakakasiguradong turan ng Don.
"Ayaw ko biglain ang anak ko padre hintayin muna nating makapag tapos sya ng pag aaral."
" Ok padre kung yan ang nais mo." pag sang ayon ni don Lucio
------------------
U.P
Palabas ng gate ang mag kaibigan ng mag yaya ulit na gumala si Beth.
"Sissy nagugutom ako mag meryenda naman muna tayo oh!".pag aaya ni Beth sa kaibigan.
"Hindi pwedi ngayon sissy kasi kelan lang tayo lumabas, baka mapagalitan na ako n'yan." pag tutol ni Angelica..
"Kung gusto mo dun nalang tayo oh sa mack burger na iyon oh?" pag aaya ni Angelica sa kaibigang nakasimangot na dahil di mapag bigyan ang gusto..
"ok sige na nga" ngumungiti ng sabi ni Beth.
Papalapit na sila sa pwesto ng bibilhan nla ng humarap ang lalaking nakatalikod, kasama ng isa pa..
"Sis diba s'ya ung tumulong sayo?" tanung nni Beth.
Akala naman ni Angelica s'ya lang ang nakapansin pati pala ang kaibigan.
"Ay gwapo sana sissy poor naman, di natin kalebel." maarteng sabi ni Beth
"Tumahimik ka sis baka marinig ka" pag sasaway nya dito..
"lapitan natin ng makapag pasalamat naman ako sa pag tulong nya sa atin."
Lumapit nga ang dalawa..
Hindi naman inaasahan ni Alfred na makikita nya dito ang dalawang dalagasmall world nga naman at sa harap lang pala ng mack burger na pinag tratrabauhan nya ito nag aaral.
"mga beautifull lady anu ang order nyo?" pag tatanung ni Ron sa kanila.
Nakikinig lang naman si Alfred sa mga ito dahil may inaasikaso din s'yang kostumer.
"pwedi bang yong kasma mo nalang ang orderin namin" pag bibiro ni Angelica para makuha ang atensyon ni Alfred.
Nagulat naman si Alfred sa sinabi ng dalaga kaya napalingon s'ya dito at nag tama ang kanilang mga mata..
"Ah mister ako nga pala si Angelica" pag lalahad nya ng kamay.
Inabot naman iyon ng binata.
"Alfred." maiksing tugon ng binata.
"Ako naman si Beth." agaw pansin naman ni Beth at nakipag kamay din sa binata.
"Ito naman si Ron, kaibigan ko" sabi nanan ni Alfred at nakipag kamay din sa dalawang dalaga.
"Gusto ko sanang mag pasalamat sayo sa pag tulong mo sa amin nung tangkain ng mag nanakaw na kunin ang bag ko, 'di na ako nakapag salamat sayu nun kasi bigla ka nawala" turan ni Angelica..
"Walang anuman iyon." tugon naman ng binata.
"Anyway, pwedi ba kaming tumambay dito?"dag dag na tanung nya.
"Sure basta bibili lang ba kayo eh." tugon naman ng binata na nakangiti..
"Ay oo nga pala kanina pa ako nagugutom." sabi naman ni Beth.
"Dalawang burger at dalawang coke." ani Amgelica.
Habang kinakain ni Angelica ang burger na inorder n'ya pinag mamasdan ny'a si Alfred..
"Boyfriend material kana sana kasi napakagwapo mo kaso, tindero ka lang." bulong nya sa sarili..
Hindi nag tagal nakarecieve na si Angelica ng messege mula sa driver n'ya sinasabi na nsa labas narin ng uneversity at nag hihintay na sa kanya...
Dun na nag simulang maging mag kaibigan ang dalawa dahil sa madalas na pag tambay ng mag kaibigan dito.
BINABASA MO ANG
AKO'Y PAG-AARI MO
RomanceIpinagkasundo si Angelica na ipakasal ng dady nya sa anak ng kasosyo nito sa kumpanya.... Araw ng engagement party niya ng mag-plano siyang tumakas dahil hindi nya maatim na pakasal sa taong di niya mahal, at di pa nakikita... Ngunit paanu kung ang...