Chapter 11

7.2K 133 1
                                    

AKO'Y PAG AARI MO
Written By:Lorgee Rhy



Matapos halikan ni Alfred si Angelica ng makapugtong hininga natahimik ito, ngunit may ngiti sa labi.

"Anu tatawa kapa?" babala ni Alfred.

"Anu ang gagawin mo pag tumawa ako?" tanung ng nobya.

"Hahalikan lang naman kita hanggang umaga," wika ni Alfred na kumindat sa kanya..

"As in hindi mo ako papatulugin?" pangungulit pa n'ya.

"Opo hindi kita papatulugin kaya tawa ka na para makahalik ulit ako," pilyong utos ni Alfred..

"Ay ayaw ko na babe, pupuyatin mo naman pala ako, matulog na tayo, mayang madaling araw kana umuwi"  ani Angelica.

"Sige babe, goodnight kiss ko asan na?" lambing ni Alfred.

"Ok eto na po, muuuahhhh!  goodnight babe," ani Angelica sabay yakap kay Alfred.

Papunta na ang tulog ni Angelica ng mag salita si Alfred.

"Babe tulog k na ba?"  tanung ni Alfred.

"hhmmmmmp, why?"  balik tanung ni Angelica.

"Hindi ako makatulog babe," tugon nito.

"Eh kasi pwedi ba mag bihis ka muna natutukso nanaman ako sayo babe,hindi ako makatulog kasi may nakayakap sa akin na babaeng maganda na walang saplot," nahihirapang wika ni Alfred.

"Antok na ako babe, tinatamad na akong mag bihis, kung gusto mo talian mo na lang yan ng hindi kumawala"  nakangiting tugon naman ng dalaga..

"Sige na nga babe matulog na tayo basta wag malikot yang kamay mo ha" bulong ni Alfred.

"Ok babe I love you!" ani Angelica.

Madaling araw ng magising si Angelica.Ginising nya si Alfred.

"Babe gising, baka magising si yaya lagot tau," pag gigising nya sa binata..

"Hmmmmp,, anu oras na babe? tanung ng nobyo,, 

"4:00 AM babe" tugon ni Angelica.

Nag bihis na si Alfred, ng matapos sinamahan sya ni Angelica sa ibaba,,.
Ngunit ng malapit na sila sa pinto natabig ni Alfred yong vase na malapit sa may pinto ng yaya ng nobya.

Nag kunwari naman si Alfred na pusa,

'meoww...... meoww...' anito.

Babe dalian mo, utus ni Angelica, mabilis namang tumakbo si Alfred ng mabuksan ang pinto.

Nagising naman si yaya Arlyn sa tunog ng nabasag na vase at kapag daka nakarinig din s'ya ng meow ng pusa.

"Lintik na pusa na yan sigurado nakabasag nanaman, nag hahabol nanaman siguro ng daga," bulong nito sa sarili at pakapa kapang nag lakad at lumapit aa switch ng ilaw..

Nakakubli naman agad si Angelica sa may likod ng pinto kaya hindi s'ya nakita ng yaya n'ya.

"Sabi ko na nga ba eh, bwisit na pusa na yon, nakabasag nanaman, makita lang kitang pusa ka pupukpukin kita"  nanggigigil na sabi ng yaya n'ya.

"Tinatakpan naman ni Angelica ang bibig n'ya dahil pinipigilan n'yang matawa dahil nag hihimutok ang yaya n'ya sa pusa nila.

Pag alis ng yaya n'ya upang manguha ng dustpan s'ya namang pag akyat ni Angelica.

Nang makarating s'ya sa kwarto nya tinawagan n'ya ang nobyo.

"Babe asan kana, muntik na tayong mahuli ni yaya ikaw kasi eh?" ani Angelica.

Hingal na hingal namang sumagot si Alfred.

"Nandito na ako sa labas babe, ngayon ko lang na expirience to babe, daig pa natin ang akyat bahay gang, kinabahan ako dun , hoooooo! babe, pero masaya ako, imagine yung mga hindi ko nagawa dati, nagawa ko ngayon,! hahaha." masayang turan n'ya.

"hmmmmp, sige na babe bye bye na kita nalang tayo mamaya ha, punta ako sa apartment mo, bibili ako ng recipe ng cake mag bibake tayong dalawa!"  sabi ni Angelica.

"Sige babe hintayin kita" tugon ng isa.

Nag paalam si Angelica sa papa nya na pupunta ng mall.

"Pa sabado naman po, pwedi po ako mag malling?"  tanung n'ya sa ama..

"Sige anak basta mag iingat ka, at alam ko naman na alam mo ang limitasyon mo"  tugon ng ama.

Masayang namimili ng recipe si Angelica ng sa wakas nakakita sya na cake na madaling lutuin, ang buttermilk cake.
Nang mabili lahat ng ingridients nag tuloy na s'ya sa apartment ni Alfred na kanina pa nag hihintay sa kanya..

"Babe na miss na kita agad," sabi ni Alfred sabay halik at yakap sa nobya.

"Na miss mo ako? agad agad?" tanung nito.

"Oo babe!" tugon ni Alfred at akma nanamang hahalikan ang nobya ngunit pinigil n'ya ito ng hintuturo n'ya..

"Ooops mamaya na yan baka kung saan nanaman mapunta, halika na sa kusina para makapag bake na tayo!"  yaya n'ya sa binata.

Masaya silang nag susukat ng mga sangkap ng cake na ginagawa nila,, na kung minsan nag nanakaw si Alfred ng halik sa nobya.

"Ikaw lumubay ka nakakarami kana," ani Angelica sa nobyo.

"Para ganado lang babe ikaw naman!" tugon ng binata.

"Ha ganun?" sabi ni angelica sabay bato ng harina sa mukha ng binata.Bumawi naman ang isa dumakot din sya at isinaboy sa nobya...

"Hahaha, tama na Alfred tignan mo napuwing ako," nakalabing sabi nya.. 
Nilapitan naman sya ni Alfred ngunit pag lapit dito, ibinuhos ni Angelica ang harina sa ulo nito sabay takbo..

Hahahaha! babe para kang multo? " kantiaw ni Angelica.

"Mahabulan lang kita makita mo," tumatawa ring sabi ni Alfred..Habang hinahabol ang dalaga..

Ngunit may kumakatok sa pinto at nagkatinginan ang dalawa.

Pinuntahan ni Alfred ang pinto at binuksan ngunit nagulat sya sa nakita.

"Mama what are you doing here?" tanung ng binata.

"Ikaw anu ang ginagawa mo?  Diosmio Alfred tignan mo ang itsura mo?"  hindi makapaniwala ang ina sa nakikita na itsura ng anak.

"Gumawa po kasi kami ng cake," tugon naman ng isa.

"pati ang ulo at mukha mo ginagamit mo pag gawa ng cake?" tanung nito na napapantastikuhan sa anak..

"Babe sinu yan?'  tanung ni Angelica sa nobyo.

"Ah mama ko babe," 

"Mama si Angelica g.f ko po.' pakilala ng binata.

Tinignan naman s'ya ni donya Virgie mula ulo hanggang baba..
Nahiya naman si Angelica dahil naligo sila ng harina ng binata.

"Pasensya na po kayo kung nakita po n'yo na ganito ang ayos namin ni Alfred"  nakayukong hinging paumanhin ni Angelica.

Tumawa naman ang ginang.
na ikinagulat ng dalawa.

"hahahaha, bagay kayong dalawa,tignan nyo mga itsura nyo?' natatawang sabi ng ina ng binata.

"Ah iha anu ba buong pangalan mo you look familiar kasi eh"  tanung nito.

Sinabi naman ng dalaga, napa nganga naman ang ginang dahil ito ang sinasabi ng asawa na ipapakasal sa anak.

Sumingit naman si Alfred sa usapan.

"Ma next time na pupunta kayo dito wag kayo mag susuot ng ganyan baka isipin ng mga tao dito, pumapatol ako sa matrona" pilyong sabi ng binata..

"Ikaw talagang bata ka mahahambalos kita, isumbong kaya kita sa daddy mo ng makita mo?" napipikon na sabi ng ina.

"Iha anu ba nagustuhan mo sa batang ito, sayang maganda ka pa naman napili mo may sayad pa" bawi ng ina sa anak.

"Ma naman dami sasabihin may sayad pa sa utak"  reklamo ng binata.

"Ah iha sinabi naba sayo ng anak ko ang kalokohan n'ya kung bakit s'ya nandito, ewan ko ba sa bata na yan kung anu ang naisip, sabagay kung ikaw ang kasama n'ya ok lang." tuloy tuloy na sabi nito.

Hinila naman ni Alfred ang ina.

"Ma pakiusap hindi pa alam ni Angelica, wag mo sabihin, " bulong na pakiusap nya sa ina.

"Habang maaga pa sabihin mo na alfred dahil malaking gulo yan gusto ko s'ya para sayo kaya wag mo ng pakawalan"turan nito.

Nag tataka naman si Angelica sa pag bubulungan ng dalawa..

"May nililihim kaya si Alfred sa akin?" tanung sa isip nya.

AKO'Y PAG-AARI MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon